Dream 1~
Elmira's POV
"get out get out get out of my head
And fall in to my arm's instead""I don't I don't don't know what it is but I need that one -"
"Hoy! Elmira hindi ba't sinabi ko mag linis ka ng bahay hindi ko sinabing kumanta ka!"
Sigaw sakin ng auntie ko sabay hampas sa lamesa na malapit sa kinatatayuan nya.
"Sorry po auntie" pag hingi ko ng paumanhin at napayuko na lang
"ang panget panget namn ng boses mo kumakanta ka pa" pahabol nya pa saka sya pumasok ulit sa kwarto nya.
Umakto namn akong parang babatuhin sya ng basahang hawak ko nang tuluyan na syang makapasok sa kwarto nya.
Laging ganyan yan kala mo maganda eh mas maganda pa nga boses ko sa mukha nya duhh. Kung may mapupuntahan lang sana akong ibang bahay or may mag papatira lang sakin wala nang dala dalawang isip aalis ako dito.
Pareho sila ng anak nya panget na mapanglait haha ang bad ko ba?
Kasalukuyan ako ngayong nag pupunas ng bintana at pagkatapos nito isusunod ko namn ung iba pang dapat linisin.
Buti nalng at walang pasok ngayon hindi maaabala ang pag aaral ko. Wala namn akong mga assignments kasi sa school palang ginagawa ko na agad alam ko namn kasing pag dating sa bahay uutusan agad ako nyang maldita kong auntie at pinsan.
Wala na akong mga magulang ung tatay ko sabi sakin ni nanay ipinagbubuntis palang daw nya ako iniwan na kami pero kahit ganon inalagaan parin ako ni nanay. Kahit mahirap ang buhay sinusuportahan nya ako.
Hanggang sa namatay sya dalawang taon na ang nakakalipas. Nag ttrabaho sya noon sa pabrika tapos ung pabrika na pinag ttrabahuan nya nasunog at sa kasamaang palad nasama si nanay dun sa mga namatay na nasama sa sunog.
Hindi ako nabigyan ng pagkakataon na makapag luksa ng matagal sa pagkawala ng nanay ko dahil itong auntie ko agad akong kinuha at ginawang taga linis ng bahay nya kapalit ng pag papatira sakin
Syempre ako 'tong wlng wala at di alam kung saan pupunta pumayag ako para sa kinabukasan ko. Kaso eto aping api ang lola nyo. Pero ok lang yan balang araw makakaalis din ako sa bahay na 'to. Matatakasan ko ung dalwang masungit na auntie at pinsan ko.
Pero kahit ganyan sila thankful parin ako kasi kinuha nila ako. Kahit na sinasaktan nila ako, nilalaet, hindi sinusuportahan ung pag sali sali ko sa mga pa singing contest dyan sa baranggay saka sa eskwelahan at least pinapatira nila ako at pinapakain.
Diskarte ko nalng ung pang pagpapaaral ko sa sarili ko at pag sali ko sa mga singging contest. At tiis tiis nalng din wala namn kasi akong ibang kamag anak na lalapitan kung hindi sila lang. Ung ibang mga kamaganak namin nag hihirap din kaya di nila ako masuportahan sa pag aaral. Etong si Auntie Vicky lang talaga ung may kaya sa buhay sa kanilang mag kakapatid. Pero napaka sungit
Habang nag wawalis ako bigla nalang may lumipad na dyaryo sa mukha ko. Nang tingnan ko kung saan galing yun, galing pala sa magaling kong pinsan.
"Hoy Elmira pumunta ka nga sa tindahan ibili mo ako ng pansit canton at nagugutom na ako wala pa akong almusal"
Bakit kasalanan ko bang masyado kang maarte at late ka nang nagigising tsk
"ok" sagot ko nalng saka nya iniabot sakin ang bayad with matching irap. Dukutin ko yang mata mo eh
Lumabas na ako ng bahay at dumiretso sa tindahan ni aleng silde para bumili ng pancit canton ni Arian
"Aleng silde pabile nga po" sigaw ko kasi medyo binge na sya matanda na kasi
BINABASA MO ANG
The Dreamer
FanfictionElmira Halili. isang babaeng nangarap at patuloy na inaabot ang lahat ng kanyang pangarap na makapag tapos at maging isang successful woman someday. kahit mahirap ang buhay tiniis nya para maabot ang kaniyang mga pangarap. maraming pagsubok man a...