Restricted
Written by: writernawalangreader
Bakit ba ang daming bawal?
Bakit ba bawal kitang mahalin?
Hindi ko naman hinihiling na mahalin mo din ako. Ang gusto ko lang ay ang mahalin ka kahit alam kong wala akong pag-asa.
"Salamat Dino."
"Ayos lang yun. Basta para kay Ella."
Ano bang ginawa ko para pasalamatan ako ni Gabriel?
Haaaay. Tinulungan ko lang naman siyang gumawa ng paper roses para sa pinakamamahal kong si Ella.
Oo, nililigawan ng kaibigan ko ang mahal ko.
Ang sama sa pakiramdam pag nakikita ko silang magkasama. Para bang niyayapakan ako ng isang 60 kilos na tao sa ulo. Ang bigat pero hinahayaan ko lang.
"Dino, lalabas kami ni Gab. Gusto mong sumama?"
"Ha? Ah, eh, wag. Wag na lang. Masasaktan lang ako."
"Ano?"
"Ah, wala. Sabi ko, ang sakit ng tiyan ko. LBM yata."
"Ganun ba? Sige, next time ka na lang sumama. Ingat ka ha."
~Ingat ka ha~
Ingat daw ako? Nakakatuwa namang pakinggan. Ang sarap sa tenga.
Ella, pakiulit nga.
Woooh! Tama na nga itong kahibangan ko.
Tsk. Sino ba naman si Dino kumpara kay Gab?
Wala.
Basura.
Trash.
Spam.
Ako, isa lang simpleng estudyanteng gumagapang kada-limang buwan para sa palagapak niyang grades. Eh si Gab? Gumagapang din siya para sa grades niya. Ang kaibahan nga lang, iginagapang niya ang grades niya para hindi siya matanggal sa pagiging scholar.
At isa pa, nasa kanya ang kagwapuhan at katalinuhan kaya Mr. University siya. Eh ako? Nasa'kin lang naman ang kagwapuhan at ang katawan pero wala ang katalinuhan kaya naman Mr. Dinosaur ako.
[Czharmein says: Mr. Dinosaur kasi maliit ang utak ng dinosaur]
BINABASA MO ANG
Restricted (One Shot)
Novela JuvenilBawal na ang plastic. Bawal pa ang pagda-download. Bawal din ang magcomment laban sa ibang tao. Pati ba naman ang mahalin ka mula sa malayo, bawal pa rin?