1

3 3 0
                                    

Amanda pov

"amanda! Bumaba kana diyan! Baka paano ka! Sus ang bata ni ya o!" saway ni tita sa akin

"I'm fine tita!" sigaw ko sa kanya na umaakyat sa puno

" anong i'm fine i'm fine ka diyan? Gusto mo talaga ako mapagalitan ng mommy mo eh noh?" natawa naman ako sa sinabi niya.

Nandito kasi kami ngayon sa kawayan sa Negros occidental at nag bakasyon kami dito kayla tita

" don't worry tita i'll be fin----ahhhhhh!" sigaw ko nang muntikan na ako ma hulog

" amanda!" sigaw ni tita at mukhang sa saluhin ako nito "bumaba na na ngayon dito! Baka ma paano kapa diyan" galit na pag ka sabi niya. Alam ko naman nag alala siya sa akin.

Naka upo na kasi ako sa branch

" umm tita" tawag ko sa kanya

"Wag kanang makulit amanda Bumaba kana diyan!" sigaw niya sakin

"Yun nga ho ang problema tita eh... Hindi ako marunong bumaba" sabi ko

" ano?!" mukhang ma himatay si tita pag ka sabi ko no'n "marunong ka nga umakyat diyan pero pag bumaba hindi? Jusko buliga ako sa bata ni" may sinabi siya Sa huli na hindi ko na intindihan

"Wait kalang diyan wag kang bababa at hahanapin ko si kuya" sabi niya na ang tinutukoy ay si tito alex.

"Cge po" sabi niya at nag mamadaling umalis.

Pasaway kasi ako eh edi mag hintay ako.

Ang ganda talaga ng lugar dito Maraming puno at maka pahinga ka talaga ng maluwag. Hindi tulad ng sa Manila na maingay at palaging traffic.

" oy! Nga ah ara kadiya?" napa tingin kaagad ko sa nag salita

" sino ka?" tanong ko

"Hindi ka taga diri noh?" ewan ko pero mukhang nag Tatanong siya

" sorry I don't understand you do you know how to speak tagalog?" siya nalang sana mag adjust mag salita kasi nandito naman ako sa kanilang lugar eh.

" sabi ko... Nga ah nandiyan ka?" tanong niya

" ah! Malamang umakyat ako dito" pilosopo kong pagkasabi

"Ay na ganahan kapa mag pilosopo eh noh?" natawa namn ako mukhang na inis kasi siya kaya natawa ako. Mayamaya kumalma siya " yung totoo... Bakit nandiyan ka?" seryosong pag ka sabi niya

"Umakyat kasi ako dito at pakealam mo ba?" inis kong pagkasabi

" ah.. Okay" at mukhang aalis na siya kaya lang may sumigaw sa likuran niya kaya napa hinto siya at tumingin kaming pareho doon

" AMANDA WALA PA YUNG TITO MO!" sigaw ni tita papalapit sa akin

" ano? Hala paano nalang ako? Nandoon ba si mommy tita?" tanong ko

"Wala nasa palengke parin" sabi niya

Hayss... Okay na yun atleast hindi ako mapapagalitan

Napa tingin si tita sa lalake at nakita ko yung pag ka saya niya

"Tamang tama nandito ka cedro... Pwede mo bang ibaba si amanda? Hindi kasi siya marunong bumaba" natawa naman yung lalake sa pag ka sabi ni tita

" eh tita merna pilosopo po yan babae na yan at tutulungan ko siya? Marunong nga umakyat pero pag bumaba hindi?" napa tingin pa siya sakin

Tinignan ko siya ng masama

" please ijo... Basi ma akigan pa kami sng mommy niya pag na balan niya nga na dula kami sa balay" alam kong nag pakaawa si tita sa lalake na yun

" okay... Basta tita gn ubra ko lang ni para simo. Hindi sa pamangkin mong pilosopo!" sigaw niya at tinignan niya ako at tumawa " o paano ba yan miss pilosopo tutulungan raw kita... Ayaw ko sana kaso nga lang ma-lakas tong si tita merna sakin" mahabang paliwanag niya

" just get over it... Tulungan mo nalang ako!" sigaw ko

Natawa siya at umakyat sa puno nang maka lapit na siya sa akin tinignan muna niya ako

" sayang... Gwapa ka tani galing suplada ka" may sinabi siya na hindi ko naintindihan

" ano sabi mo?" takang tanong ko sa kanya

" ang sabi ko.... Maganda ka sana kaso nga lang sup-- kaso nga lang TITA ANO NGA SA TAGALOG YUNG SUPLADA?" sigaw niya. Napa hawak namn kaagad ako sa aking mga tenga dahil sa sigaw niya

" MASUNGIT IJO" sigaw pabalik ni tita

" yun o! Maganda ka sana kaso nga lang ma---" hindi siya napa tapos dahil nag salita kaagad ako

" oo na alam ko na! Pwede tulungan mo na lang ako? Ang dami mo pa kasing satsat" sabi ko at natawa naman siya

" okay... Kaya mo bang tumalon?" tanong niya

"Huh? Bakit?" tanong niya

"Basta lang" ngumiti naman siya

"Oo naman" sabi ko

" okay" saka siya akmang bababa

" hoy! Saan ka pupunta?" hinawakan ko siya sa kanyang braso

" edi bumaba" tangina naman o

Tinignan ko siya ng masama at binitawan. Bumaba nga siya at pag ka baba niya sumigaw siya

" go!" napa tingin namn ako sa kanya

" ano?" tanong ko

" bumaba kana diyan" sabi niya

" HOY! HINDI AKO MARUNONG BUMABA!" sigaw ko sa kanya

" kaya mo yan! Tumalon ka!" tumawa namn siya... Lintek baliw ba ito?

" sige na amanda sundin mo na" sabi ni tita

" eh?" napa tingin muna ako kay tita bago tumingin sa lalake " baka masugatan ako!" sigaw ko sa kanya

" kasalanan ko bang umakyat ka diyan?" aba! Walang hiya!!!!!

" sinabi ko bang kasalanan mo?" o sige pumatol kapa. Hindi mo ako makakaya lintek ka!

" edi... Sige tita merna ma una na ako baka gina pangita na ko nila mama" saka siya lumakad

"hoy! Tulungan mo ako! Please!" sigaw ko sa kanya

Tinignan niya muna ako bago ngumiti

Lintek baliw na to!

" okay sabi mo eh" ngumiti siya at lumapit sa ibabaw ng puno kung nasaan ako

" so anong gagawin ko?" tanong ko

" edi tumalon" sabi niya

" ano? Paano kapag ma sugatan ako? Mapagalitan ako ni mommy!" paliwanag ko

" tiwala lang sakin... At kasalanan mo yan ginusto mo yan edi panindigan mo" aba! Pero tama siya panindigan ko ito dahil ako lang naman yung nag pa hamak sa sarili ko

" okay" sabi ko at nag bilang sa isip ko

1...2...3...go!

Napa pikit ako Saka tumalon...

Pero ano to? Bakit wala akong may na ramdaman kahit na anong sakit? Manhid na ba talaga ako?

Saka ko dahan-dahan minuklat yung aking mga mata at ayun nakita ko yung mga titig ng lalake sa akin at saka ko lang na pansin na sinalo niya pala ako. Tinignan ko siya ulit... Moreno at sobrang gwapo niya >_<

" o diba sabi sayo mag tiwala ka eh" pati yung bunganga niya amoy colgate na max fresh... Hoy alam ko yun noh ginagamit rin kasi yan ng kuya ko. At ang bango bango niya talaga.... Okay amanda tumigil ka.

" psshh!" saka niya ako dahan-dahan binababa " thankyou pala" sabi ko

" walang anuman" saka siya nag paalam sa akin at kay tita

please, stay awake (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon