Ilang taon pa lang ang cellphone ko na to tapos mawawasak lang ng ganun-ganon lang? Nasaan ang hustisya. Bwisit!
Dali dali ko namang kinuha yung cellphone ko atsaka nilingon ang nakabangga sakin. Pero umalis na yung taong bumangga sakin hahabulin ko pa sana bwesit siya.
Walangyang kolokoy na yun d man lang huminto at humingi ng sorry. Nakakabadtrip!
Tiningnan ko naman ang cellphone ko. Ayun basag d na gumagana. Grabe naman yung tilapon niya. Basag na basag eh!
Anu na gagawin ko? Anong sasabihin ko Kay mama at papa? Wala na Kong selpon. Huhuhuh kasalanan to ng kolokoy na yun . pasalamat siya at hindi ko siya nahabol.
Dumiretso na lang ako sa canteen at makikitext na lang ako mamaya Kay Anj. Hayy buhay nga naman! Baka mag-alala pa si mama kapag hindi ako nakapagtext kaagad.
Pagdating ko sa loob ng canteen, umorder na ako ng kakainin ko at papunta na ako sa mesang kakainan ko nang may biglang bumangga sakin. Naku naman isa na lang talaga. Naiinis na ko ha.! Ang malas naman ng araw na ito.
Tumapon ang pagkain ko sa sahig huhuhuh sayang naman. Kani-kanina lang yung cellphone ko ang tumilapon pati ba naman pagkain ko dinamay sa malas na araw na to?
"Opss d ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo. Ayan tuloy. Wala ka bang mata?" Dinig Kong sabi ng nasa likod ko.
At ako pa talaga ang may kasalanan ha.
Pwes kelangan ng hustisiya para sa pagkaing nasayang dahil sa katangahan niya.
Tumayo ako at pinagpagan ang damit Kong natapunan ng pagkain. Hinarap ko ang kung sino mang impaktang to at tiningnan ko ng mariin sa mukha.
Ngumisi ako at lumapit sa kaniya ng kaunti.
Akala ko pa naman mababait ang mga tao dito meron pa palang impaktang naiwan?
"Anu sa tingin mo ang tawag dito?--" Sabay turo sa dalawang maganda Kong mata. "-- ilong?"
"Binabara mo ba ko?" Inis niyang sigaw.
"Mukha ba?"
"Ugh! Hindi mo ba ako kilala?"
"Hindi ako interesado kung sino ka kaya kung pwede huwag mo kong bwesitin!" Huminga ako ng malalim. "Para sabihin ko sayo ikaw nga tong may kasalanan dahil ikaw mismo ang nagbangga tapos ikaw pa ang may ganang magalit?" Inis kong sigaw. Nakakahigh blood naman ng ganito. Sorry mama, papa ha badgirl ako ngayon. Meron kasi ako ngayon.
"How dare you bitch!"
"Ohhh are you referring to yourself?"
"Ughh!!" Inis siyang tumalikod. Huh! Akala mo kung sino. Ang taas ng confident niyang mang-away talo din naman sa salita.
Umalis na lang ako at tumungo na sa next class ko. Nakakabadtrip ang araw na to.
***
"Oh ba't ganyan mukha mo?" Salubong na tanong sakin ni Anj.
Hindi ko siya pinansin."Uyy grabe Yesh ha. Snober lang ang peg?" Hindi ko pa din siya pinansin. Naiinis ako pramis.
"Okay! I'm sorry kanina. I just want to prank you lang naman." Sabi niya sabay pout. Ang tulis ha!
"Ang sama mo alam mo ba yun? Hiningal ako kakatakbo dahil ang buong akala ko late na ako pero ang gending sasabihin mo na wala pa lang prof?"
"Ehhh sorry na kasi. Bati na tayo please? Promise I will not do that again."
"Dapat lang noh!"
Ngumiti naman siya ng malapad na abot hanggang tenga. Dumating na din ang prof namin at nagsimula nang magklase.

BINABASA MO ANG
Pretend to be his girlfriend
Teen FictionIsa akong masayahing tao. Mabait at mapagmahal na anak. Pero lahat ng iyon nagbago ng dumating siya. Na animo parang isang bagyo na dumating tapos kapag nakaalis na, nang iwan ng isang masamang panaginip o bangungot sa lahat ng tao. Tulad niya, nang...