Chapter 4

24 2 2
                                    

Nagulat ako sa nasaksihan ko pagmulat ng mata ko.

Nakahandusay na ang lalaking hindi ko kilala na gustong suntukin ang mukha ko kanina.

Hayy buti na lang hindi niya naituloy ang ginawa niya. Kung natuloy niya lang ang ginawa ipapapulis ko talaga siya. May batas kaya tayong Violence Against Women. Kaya nararapat lang na makulong siya! Napatigil naman ako sa pag-iisip dahil sa sigaw ne'to.

"Huwag kang makealam dito Luke." May gana pa talagang magsalita to eh. Hindi ba pwedeng umalis na lang siya at humingi ng sorry sa amin? aisst.!

Napabaling naman ang tingin ko sa lalaking nasa gilid ko ngayon. Salamat sa kaniya dahil kung hindi siya dumating matutuluyan na sana ang pagkasira ng mukha ko.

"You know what Cruz, you need to stop this kind of shit. Ganyan ka na ba kawalang respeto sa mga babae at pati sila pinapatulan mo?" Sambit ng katabi ko. Ohhh. Wahh kinikilig ako shett. Pinagtatanggol ako ni pogi. Yieee

Huwag kang assumera bakla!

Anu ka ba ngayon lang to kaya huwag kang umepal. Buhay ko 'to. Manahimik ka!

Walang poreber 'te! Magbebreak din kayo sa huli.

Tse!

Napangisi naman tong Cruz na to. Huh! Hindi pa din nadadala tong gunggong na to.

"Cge. Palalampasin ko muna ang araw na to---" he paused then look at me and smirk. "--hindi pa tayo tapos." Dugtong niya at padabog na umalis. Tinulak niya pa ang isang estudyante na nakaharang sa dinadananan niya. Tsk walang modo!

Nilapitan ko naman ang babae kanina na ngayo'y kalmado na at tapos na yatang umiyak.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kaniya.

Tumaas naman ang mukha niya at tiningnan ako. Napangiti naman siya atsaka tumango.

"Mm-maraming s-salamat! kung hindi d-dahil sayo uuwi na n-naman akong luh-haan." Nauutal na sabi niya.

"Palagi ka bang binubully dito?" Tanong ko sa kaniya. Agad naman siyang napatango.

"Huwag kang mag-alala hindi ka na nila ibubully dahil poprotektahan kita." Sabi ko sabay ngiti sa kaniya.

"Ehem"

Napabaling naman kami sa taong tumikhim. Ay nakalimutan na, andito pa pala si kuyang pogi.

"Are you a transferee here miss?" Tanong niya na nakatangin sa akin. Hindi man lang niya tinapunan ng tingin ang babae.

"Yes"

"Ok. Next time don't get yourself into trouble." Sambit niya atsaka tumalikod. Grabe pinamukha pa sakin ako ang may kasalanan. Ang sama!

Madapa ka sana.

---

Pagkatapos ng eksenang yon. Sabay na kaming umalis ni Eika papunta na sa kaniya-kaniya naming klase buti na lang talaga at napaaga ako ng punta dito kahit na nakaencounter ako ng gulo hindi ako nalate.

Marami akong nalaman sa buhay ni Eika. Matagal na pala siyang binubully dito. Parati siyang pinagkakaisahan ng kaklase niya at pinagtitripan ng mga lalaking walang magawa sa buhay nila kundi ang mambully ng kapwa nilang estudyante. Naawa nga ako sa kaniya eh. Ilang taon niyang tiniis ang pangmamaltrato ng mga tao dito.

Wala siyang lakas na loob na isumbong ang mga nambubully sa kaniya dahil alam niyang wala paring magbabago dahil isang hamak na scholar lamang siya dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pretend to be his girlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon