The Only Thing I Know is You

43 0 0
                                    

CHAPTER 2

“Pasensya na ng OT kasi si Sir eh” sabi agad ni maan kay jeff na halatang inip na inip na.

“Sya, umuwi na tayo, kanina pa txt ng txt si mama” sabi nito

%HALLWAY…%

PAK!

“Aray!!!, hindi kasi tumitingin sa dinaraanan eh!” inis nyang sabi habang hawak ang brasong na bangga.

“Sorry miss nagmamadali kasi ako” sabi ng lalaking bumunggo sa kanya.

“Ganyan ba talaga pag nagmamadali? Namumunggo?” singit ni jeff

Tinignan lang ito ng lalaki..

“Pasensya na talaga maan” sabi nito at kumindat pa.

(huh!)

Tinitigan nya ito..

“Wag mokong tignan ng ganyan, na-iinlove tuloy ako,” naka ngiti nitong sabi “sobrang gwapo naba ako kaya hindi mo na ko maalala? O  mamukaan man lang?, by the way bukod sa name plate mo eh dati kitang ka-klase, Amren, remember?”

Tumango lang sya, habang si jeff,,

.

.

.

.

.

NGANGA..

“Nice to see you again maan, hindi ka parin pala ng babago.” Sabi nito at walang anu-anong umalis.

“Si amren pala yun, infairness gwapo nga sya.” Bulong nyang sabi.

“Gwapo? Gwapong-gwapo!!” sabi pa ni jeff na tila kinikilig. @.@

“D’yan ka magaling, lika na nga” hila nya rito.

>>>>>>>>>><<<<<<<<<<<< 

“ang tagal mo naman pare, kanina pa ako dito” sabi ni JM ng makitang papalapit si Amren.

“eh nakabunggo pa ako” sabi nito sa aktong bubuksan ang pinto sa tabi ng driver seat.

“nakabunggo? Eh kala ko ba wala kang kotseng dala?”sabi ni JM at umupo na sa driver seat.

“wala nga, nabunggo na braso-sa-braso, remember maan?” sabi nito habang naglalagay ng seatbelt

“Pano naman napuntasa usapan natin si maan?” takang tanong nya habang minaman-obra ang sasakyan.

“sya yung nabunggo ko” sabi nito.

“Shit!!” sigaw ni JM

“bakit?” takang tanong nya rito.

“muntik ko ng mabangga yung isang kotse, ginulat mo ko pare” Sabi nito.

“anong nakakagulat dun? Si maan talaga ang nabunggo ko,,,, and speaking of her..” sabi nito at tumingin sa direksyong nilalakaran ng mga estudyante.

Siundan ni JM ang tinitignan ng kaibigan.

“Dito sya nag-aaral?!” takang-takang tanong nya..

“Oo, matagal na at ang balita ko sya ang president ng HRM society” kampanteng pagbabalita nito.

(bakit ngayon ko lang ‘to nalaman)

“Hindi ka kasi nagtatanong” sabi ni amren sa kanya na tila ba nababasa nito ang nasa isip nya.

“Sabi ko nga.” At muling minani-obra ang sasakyan para sundan sila maan.

>>>>>>><<<<<<<< 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Only Thing I Know Is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon