Chapter Four

7 0 0
                                    

Second year college kmi ng medyo nagkakaproblema kami ni Carlo sa aming relasyon. May mga times na isang buwang walang tawag galing sa kanya. Kaya napag isipan kong mas mabuti kung maghiwalay muna kami. Nung una ayaw niyang pumayag pero ng kalaunan, pumayag na din siya. Hindi ko alam kung may iba na siyang mahal. Dahil wala naman akong balita sakanya. Isang araw naisipan kong i-open ang Facebook account niya. Alam ko kasi ang password niya. Naopen ko. Tumingin ako ng messages sa inbox niya. Parang nadurog ang puso ko sa nalaman kong sila na pala ni Mae. Ang bestfriend ko. 😌

Nalungkot ako sa nalaman ko. Kaya pala siya nagbago dahil may iba na siyang mahal. I need to move on for my own good.

Sa kagustuhan kong madaling makalimot, sumama na din ako sa mga barkada kong magdisco, uminom. Pero i never tried to smoke and to use illegal drugs. Inom lang pero sobra. Pumapasok na din akong naka inom noon sa school.

Isang araw sa disco, may nakilala akong isang lalaki. Si Nathan.

"Hi, can i sit here?" Tanong niya sa akin.

"Sure." Sabi ko with a smile.

"Im Nathan. And you are?" Inabot niya ang kamay nia.

Inabot ko at nkipag kamay "Althea. You can call me Thea."

"Parang malungkot ka ah. Nag iisa ka kasi. " sabi ni Nathan sa akin.

"Sumasayaw sila. And i dont want to dance kaya dito lang ako." Sabi ko sakanya.

"Would you like a drink?" Tanong niya sa akin.

"Yeah sure. Ladies drink, please." Sabi ko sakanya.

Nagkahulugan kami ng loob ni Nathan. Palagi kaming lumalabas, sa disco, sa inuman.

Magkaiba kami ng school ni Nathan. Pero kahit schooldays or even weekends nagkikita kami basta my time. Pero kahit naging tanggera ako hindi ko naman pinabayaan ang pag aaral ko.

Sinagot ko si Nathan. Naging kami dahil siguro sa gusto kong maka limot kay Carlo at nahulog na din naman ang loob ko kay Nathan.

Si Nathan ay mabait pero may pagka presko. Mayabang. Pero may paggalang siya sa mga babae.

Tumawag isang araw si Nathan sa akin.

Nagyayaya mag inuman daw sa bahay ng kaibigan niya. Sumama ako dahil wala namang pasok.

Dun ko nakilala si Abby, ang ex daw ni Nathan.

"Hi Abby, si Thea girlfriend ko." Pagpapakilala ni Nathan sa akin.

"Hi! Sabi ni Abby sa akin na parang may galit ang tono ng boses.

"Hayaan mo nalang. Di kasi niya matanggap na wala na kami". Bulong ni Nathan sa akin.

"Ang weird mo naman kasi. Niyaya mo ako tapos anjan naman pala ang ex mo. Pede bang ihatid mo nalang ako or uwi nalang ako. Ayoko yung ganito. At mas lalong ayaw ko ng gulo!" Sabi ko kay Nathan at nag ayos na ako. Balak ko ng umalis ng si Abby din ang nagpigil sa akin.

"Ate aalis kana? dito kana muna." Pigil ni Abby sa akin. " pasenxa na kanina, nagkatampuhan kasi kami ng bf ko. Pati ikaw nadamay." Sabi ni Abby sa akin na para namang sincere ang mukha.

Hindi na ako umalis dahil ang alam ko sincere nga talaga si Abby sa paghingi niya ng tawad.

Nag inuman kami pero hindi ako masyadong tumatagay kasi baka magkagulo. Minsan may time din na kinakabahan ako at nangyayari talaga ang iniisip ko.

Magbarkada pala ang boyfriend ngayon ni Abby na si Enzo, at si Nathan na ngayon ay boyfriend ko, na ex naman ni Abby. (Gets?lol!)

Lasing na silang tatlo, (Abby,Enzo, at pati si Nathan.)

The MysteriousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon