Natapos ang klase ni Kurt. Tatlong oras din iyon. Inaayos niya ang kanyang mga gamit nang lumapit sa kanya si Blake. Si Blake ang pinakakadikit niya sa lahat ng kanyang mga kaklase. May pagkaluko-luko to pero hindi naman mahirap pakisamahan. Siya ang madalas kasama ni Kurt. Gwapo din ito. Kaya sa tuwing lalakad sila ng sabay sa campus ay nagkakagulo na ang mga estudyanteng babae. Ikinaiirita ito ni Kurt, pero dahil no choice siya, hinahayaan niya na lang. Walk like a boss na lang ika niya. Para hindi na rin mapansin ng iba na hindi siya straight. Maging si Blake ay walang alam dito.
"Repa! Ano, sama ka ba? Nag-aaya yung katropa ko, si Igi. Inuman yon pare! Ano, tara na! Wala naman na tayong klase." masiglang sabi sa kanya ni Blake.
Tumingin muna si Kurt kay Blake bago magsalita. "Sinong Igi?" Usisa ni Kurt. Gusto niyang tiyakin kung si Luigi ba ito mula sa Engineering Department. Yung captainball ng varsity ng campus nila. Crush na crush niya iyon. Sa isip niya, di siya magdadalawang isip na sumama kung siya nga iyon.
"Si Luigi! Yung CE na basketbolista naten! Birthday niya. Ano, sama ka!" paliwanag ni Blake.
"Aah. Si-sige. Anong oras?" medyo nanlamig si Kurt noong pagkakataong iyon.
"Ang usapan eh alas syete. Pero punta tayo ng alas otso, para ready na. Tagay agad!" sabay halakhak ng malakas.
Napahalakhak na lang din si Kurt, kunwari ay natawa sa sinabi ng kasama. Pero ang totoo ay parang lutang si Kurt. Kinakabahan ito.
"Oh, pano repa. Una na ko ha. Daanan ko pa si Kitch. Nagpapasundo eh. Mamaya ah! Alas otso! Text kita." pagpapaalam ni Blake.
"Oo. Oo. Ingat." iyon na lang ang nasabi ni Kurt sa kaibigan niya. Nakatingin lang siya sa kaibigan habang papalabas ito ng room nila.
Napabuntong hininga si Kurt. Umiling at pinagpatuloy na ang pag-aayos ng kanyang mga gamit. Habang nag-aayos ay napansin niyang nawawala ang I.D. niya. Agad niyang kinuha ang kanyang mga gamit at mabilis na nagtungo sa hagdan kung saan may nakabangga siyang babae. Wala roon. Inisip niya baka napulot ito ng babae.
"San ko naman makikita yung bruha na yun."
- - - - - - - - -
"Aba, kabaranggay ko pala tong mokong na to. Eh nadadaanan ko tong address nila eh!"
Napanganga na lang ang kaibigan ni Louise na si Kiara sa mga sinabi nito.
"Friend, akin na lang yang I.D. na yan? Akin na lang si Fafa Kurt!" pagmamakaawa nito.
"Hoy, Ara ha! Tigilan mo ko. Ang kire mo. Ibabalik ko to. Wag kang ano dyan." pagmamasungit ni Louise sa kaibigan. Napakamot na lang si Kiara sa mga sinabi ng kaibigan niya.
"Edi ibig sabihin personal mong ibibigay sa kanya? As in, magkikita kayo?" pagkamanghang tanong ni Kiara.
"Oo. Ganun din naman. Madadaanan ko din yung bahay nila, edi dun ko na lang ibigay. Kesa naman dyan ko ibigay sa admin. Pahirapan pa. Tsaka ako may kasalanan."
BINABASA MO ANG
My Boy, My Girl
Teen FictionBoy meets Girl. Girl meets Boy. Eh paano kung si Boy ay girl at si Girl ay boy? May pag-iibigan kayang mabuo? Will they be a perfect couple? Makisama at makigulo sa disaster but cute lovestory nila!