Chapter 6

37 2 0
                                    

Vivian

pagkatapos kong magbihis ay kaagad akong bumaba. Sa hagdan palang ay naamoy ko na kaagad ang abodong niluluto sa kusina.

Adobo? Hindi ba iba yung kinakain nila dito?

" magandang gabi Binibini." Wika ng isang babae at yumuko ito ng makasalubong ako.

Alanganin akong ngumiti dahil nakaramdam ako ng pagka-ilang. Hindi ako sanay ng ganito. At base sa istura nya mukhang katulong siya dito at Magka-edad lang ata kami.

" nagugutom na po ba kayo? Pinagbilin po ni Madam Marian na Ipaghain kayo." Wika niya ulit at ngumiti saakin.

" ah.. eh ..."

Hindi ko alam ang isasagot ko. Masyado siyang pormal. At isa pa, lumaki ako ng walang katulong. Hindi ganun karangya ang naging buhay ko kaya hindi ko alam kung papaano makitungo rito.

Tsaka. Napaka-sudden ng lahat. Hindi ko inaasahan na. Kikidnapin ako ng isang bampira at ipapakilala sa manugang ko.

waw vian. Manugang.


Tapos eto ako ngayon. Nasa unknown place at nakikitira sa isang mansyon. Hindi pa nakikita ang mapapangasawa ko 'kuno' at nakakadanas ng mga hindi pangkaraniwang bagay. Maybe, Kailangan ko ng masanay na. Starting today, My life will change. I should get used to supernatural things para hindi ako ma-OP.

Inalalayan ako ng katulong papuntang sala. Sobrang laking sala pero ako lang ata ang kakain.

" uhm.. salamat.." Nahihiya kong tugon.

" walang ano man po binibing Vivian." Masaya niyang wika.

Napaka-galang naman. Akmang aalis na siya ng magsalita ulit ako.

" ano nga palang pangalan mo?" Tanong ko.

" Xeria po, binibini."

Talaga namang masarap pakinggan ang salitang binibini pero nakakailang ha. Lalo na't ka-edad mo rin ang bumabanggit nito at alam mo sa sarili mong hindi ka, ka- deserve-deserve na tawaging binibini. I have a bad attitude and past. Actually, Im not deserving at anything.

" You can drop the 'binibini' and those formality. Naa-awkwardan lang ako. Hehehe" Naka-ngiti kong wika.

Ngumiti lang ito saakin. " Sige po.kumain na po kayo. Aalis na po ako." Paalam niya at tuluyan na ngang umalis.

Tumango naman ako at nagsimula ng kumain. Hhhmm. Inferness masarap ang luto nila. Hindi kaya gawa sa tao to? Ew!! Pero paano nga kung gawa sa tao to? Hindi malabo yun kase mga werewolves ang nakatira dito. Pero bat naman nila ipapakain sakin yun diba? Special nga daw ako eh sabi ni Marian.

" Dont worry, safe yang kinakain mo. "

Nagitla ako ng may magsalita sa harapan ko. Ano ba yan! Kumakain ako eh nang gugulat.

Kaagad ko itong tinignan at tumambad saakin ang pamilyar na mukha. Lalake siya at may pagka-baby face. Cute naman pala ih!

" uhm.. sino ka?" Tanong ko.

"Jehan Corigan. Spiro's bestfriend!" Masigla niyang pagpapakilala.

Ah! Siya yung kanina! Yung lalakeng gulo-gulo ang buhok na biglang pumasok sa kwarto at sumigaw.

Nilahad niya ang kamay niya saakin at nagdadalawang isip naman ako na kunin iyon. Mamaya may mangyari nanamang supernatural na bagay dahil lang sa hinawakan ko siya. Aba! Delikado na nuh!

Drugged by his bite ( On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon