POV parin ng nag-iisang maganda.
"Girl! kanina pa ako naghihintay! Where are you?"
"I'm on my way na nga."
"Bilisan mo Audrey!"
"Wala kang pake kung matagal ako Ria ah."
"Meron, because I think I'm about to decompose here na!"
"I'm coming!" I hanged up. Kasalanan ko ba kasi kung traffic? Ugh!
After a few more minutes, nakarating narin ako.
"Tagal mo girl! PaVIP ka."
"VIP talaga ako."
She glared.
"Ano? Hindi ako important sayo?"
Tapos inirapan niya lang ako. Ang arte talaga ng bestfriend ko.
Finally! Nakapagpa-spa narin kami ni Ria. A very refreshing way to start the day.
After namin sa spa, dumiretso kaagad kami sa salon syempre, para pati hair namin manourish.
"Hi Ma'-am Audrey, Ma'am Ria."
Dirediretso lang ako papuntang counter while Ria greeted them.
"Ano po gagawin natin today?"
"The usual." Ria said. Tapos ni-lead na kaagad kami ng mga girls sa chairs to get us ready.
Ang tagal din namin sa salon. Ang sarap talaga mag-relax. Nakakatanggal stress na dinudulot saakin ng mga panget everywhere.
"Girl, what do you think we should do next?" Tanong ni Ria.
"Hmm. What do you wanna do first? Girl talk muna sa Starbucks or shopping?"
"I'd like to shop first."
"Okay."
Pagkalabas namin sa salon, pinuntahan na kaagad namin ni Ria yung mga forever favorite stores namin. This may be one of the thousand reasons why I love this girl. Kasundong kasundo ko siya.
While shopping, may lumapit saaking babae, if huhulaan ko yung age niya mga nasa 25 na siguro. But I don't care.
"Miss, may nakita ka po bang batang babae na ganito kaliit na naka pink dress na kulot yung buhok? Anak ko po kaso yun eh, bigla nalang nawala sa tabi ko." She said rapidly na para bang tarantang-taranta.
I glared ate her muna for a few seconds bago ako mag-salita.
"First of all, I don't care kahit anak mo pa siya at nawawala siya. Second, let me ask you, do I look like a freaking lost and found para saakin mo siya hanapin?"
The girl was shocked and was taken aback.
"S-sorry."
Tinarayan ko siya and walked out. Pati ba naman ngayon maaasar parin ako. I thought it was going to be a stressfree day today.
Pumunta na ako sa counter to pay the clothes and pumuntang Starbucks. Nauna na kasi si Ria doon.
"Guess what girl."
"What? Wait. Let me guess it. With that face I guess may nangimbyerna nanaman sayo no."
"You know me so well."
"I know, now. Tell me what happened."
"Nilapitan ba naman ako tapos hinanap saakin yung nawawala niyang anak. Mukha ba akong lost and found sis?"
"Oh ano ginawa mo? Tinarayan mo nanaman?"
"Of course, sinabi ko na wala akong pake at hindi ako lost and found."
She chuckled, "Oh Audrey Mnemosyne Dizon! when will you change?"
"Never."
Then we both laughed.
"Anywayy. bukas na nga pala yung UAAP, don't miss it ah!"
Umirap lang ako.
"Come on, akala ko ba we've already agreed about this?"
"May sinabi ba akong I won't go?"
"Ay ewan ko sayo Mnemosyne!"
"Ew, don't call me with that name, hindi bagay saakin."
"Okay lang naman ah."
"Mas bagay saakin ang Audrey."
Nag-ring yung phone ni Ria and she picked it up.
"Girl, I have to go first na. Sinugod si brother sa hospital eh, I have to check him."
"Ang plastic mong ate sis."
She laughed, "Loka, mahal ko talaga kapatid ko."
"And ang corny pa. Ew. Umalis ka na nga!"
"Talaga!"
Tapos she picked up her things and waved goodbye.
Lagi nalang akong iniiwan ng impaktang yon. Haayy.
To: Ria
Tell your brother to get well soon sabi ng Ate Aubrey niyang maganda, and oh, say Hi to Tito and Tita for me.
after a few minutes, she replied. *beep*
From: Ria
I won't, bitch. Haha! Just kidding, love you! :*
To: Ria
Well, I hate you and your corny lines.
Kahit naman maldita ako, mabait parin naman ako pagdating sa bruhang 'to.
*beep*
From: Ria
I'm driving. Talk to you later.
Psh. Maka uwi na nga rin. Wala naman na akong gagawin dito.
To: Vince
It's been a very relaxing day. pero syempre mas relaxing sana kung kasama kita. Hope to see you again soon. XX
--- End of Chapter 2 ---
BINABASA MO ANG
IMAGINE THIS IS A BEAUTIFUL TITLE
RomanceAng istoryang ito ay may magandang pamagat. Promise.