Noon pa man ay malaki na anag gusto ni Mark sa kaklase niyang si Janella. Ang problema walang lakas ng loob na magtapat ng pag-ibig ang binatilyo sa kaklase.
"Pag ganyan ka ng ganyan naka maunahan ka ni Jason. Balita kasing pinopormahan na niya ang labs mo." sey ni Jonjon sa friend na si Mark, nang minsang naglalakad sila galing eskwela.
"Ganon ba,kelangang gumawa pala ko ng paraan, mahal na mahal ko kasi si Janelle."
"Dapat lang! Walang mangyayari sa iyo kung puro katorpehan ang nalalaman mo."
Kinagabihan gumawa siya ng sulat para sa dalagita. Nagpaturo siya sa uncle niyang D.O.M.Wala kasi siyang mabuong salita sa nerbiyos. Nanginginig pa ang kanyang mga kamay habang gumagawa ng sulat.
At ganito ang turo sa kanya ng uncle niyang matandang binata.
Mahal kong Janella,
Ibigin mo lamang ako'y hanada kung pitasin ang mga bituin sa langit. Gagawin ko itong kuwintas upang isabit sa iyong leeg. Maging ang mga tala sa umaga'y aking sususngkitin upang maging tanging tanglaw ng iyong kagandahan.
Pinakamamahal kita Janella.
Hinalik-halikan pa ni Mark ang sulat,bago ilagay sa sobre. Ipinaabot nya sa friend niyang si Jonjon.
"Napakakorni naman ng friend mo Jonjon. Hindi na uso ang sulat ngayon di ba?'' Baka sa sunod,telegram naman ang ipadala niya sa akin".
Kinabukasang parang inahing manok ang bibig ni Janella. Nag puputak ito sa galit.
Panahon pa ni Mahoma ang alam ni Mark sa panliligaw. Saan bang diksinaryo niya nakuha ang gayang pagsasalita. Sabihin mo sa friend mo pag nakuha nya ang bituin sa langit kahit saang simbahan, pakakasalan ko siya." sumbat ni Janella kay Jon-jon.
Mula kay Jonjon ay nalaman ni Mark ang buod ng liham na pinaalala niya kay Janella.
Malakas ang tawa ni Jonjon. "Kaya pala, e bakit sa uncle mo ikaw nagpagawa. Kaya siguro tumandang binata iyon eh,
"Pano ba ang tama? Curious si Mark.
"Ang mabuti pa kausapin mo siya."
"Nahihiya ako, ah, basta makita ko lang siya di na ako makapagsalita."
"Di itext mo,o kaya tawagan mo sa cellphone. Sabihin mo ang tunay mong damadamin sa kanya."
"Ano kaya kung haranahin natin siya, lalakas kasi ang loob ko pag kasama ka."
"Tingnan mo ito e panahon pa rin ng uncle mo ang naisip mo. Hindi na uso ang harana ngayon lalo lang magaggalit sa iyo si Janella." Tinawagan nga ni Mark si Janella. Humingi siya ng paumanhin dito.
Isinusulat ni Jonjon sa isang papel ang bawat sasabihin ni Mark. Binabasa naman ni Mark ang sinulat ng kaibigan, para maipaabot kay Janella ang pag sosori nito. Naka-loud speaker ang cellphone para marinig ni Jonjon ang pag-uusap ang dalawa. Upang maintindihan ang pinag-uusapan para at ma-ifeed back ang sagoy kay Mark.
"Buti naman naisipan mong tumawag" sabi ng dalagita sa kabilang linya.
"Kasi sabi ni Jonjon, nagalit ka raw, ayaw ko pa naman magagalit ka sa akin." sagot naman ni Mark, na binabasa lang sa sinusulat ni Jonjon.
"Pano naman, kung anu ano kalokohan ang pinaglalagay mo sa sulat" Pero may itatanong ako sa iyo, Mark, huwag ka sanang magagalit."
"Ano iyon? kinakabahan ang binatilyo. Akala niya'y itatanong ni Janella kung talagang mahal siya nito.
At alam na agad niya ang kasagutan. "Oo Janella noon pa mang una kitang makita, minahal na kita. " excited na niyang marinig ang itatanong ng nasa kabilang linya.