Girl-bullies act no. 143

42 4 0
                                    

*Ethena's POV*

This is the fourth day, ako ang unang nagising. Nagpunta ako sa kitchen at nagtaka kung bakit hindi pa nagluluto si manang. May nakita akong letter dun sa sala.

Mga neng, aalis na kami ni Jann(yung driver). Nagkasundo ang mga daddy nyo na kunin na kami para matutunan nyo maging independent. Good luck nalang ha. Ayusin nyo mga sarili nyo at wag maging masungit sa lahat.

Umakyat ulit ako at ginsing sila hawak ko yung papel.

"GISINGGGG!!!! May ipapabasa ako!"

Nagising sila at binasa yung letter. Bakas sa muka nila ang pagka-gulat. Buti nalang magaling sa pagluluto si Mayumi. Sya na ang nagluto. Nung ready na kami lahat, pumunta na kami sa garahe. Like yesterday, kanya kanya kaming sasakyan.

Nang makarating kami sa school, konti pa lang ang tao. Naisipan naming magdrawing muna dun sa may garden. Mga 20 minutes na kami dun. Pero, may dumating na grupo ng babae. Ang-iingay. Nang sila'y humarap, sila KRYZL!

"Andito pala ang mga nerdsss" Ysa

"Close tayo? ha?" bulong ko

"Di nyo ba alam?! Kami lang ang may karapatan na mag-stay dito. It is our ACT NO. 143" Violetta

"Sus, akala mo ba sayo tong school na to?" bulong ko ulit, " may pa act act pa"

"Layas!" sigaw ni Kraira

Pinunit pa ang mga drawings namin, pero di na kami nag-react. As always. Pumasok na kami ng room.

Nung nakapasok na kami nagsalita ako, "Yung mga babaeng yun talaga! Nakakainis!"

"Super! Gusto k---" Chryztal

Pinutol ni Nicolo yung sasabihin ni Ryz, "Ano nanaman ang pinagsasabi nyo jan? May mga tao dito!"

Nagmasamang tingin lang si Ryz at umupo. Pero may kumuha ng upuan ko.

Si Jacob, nakapatong ang paa sa upuan ko. Naging-plastic ako at sinabing, "Hey, can I get my chair na? I'm going to sit eh"

"No." simpleng sagot nya. Di ko na pinansin at kumuha ng ibang upuan

***

"Grabe tong school na to! Rude students!"

"Well, there's only one solution for that, teach the students how to be good especially yung mga bullies(sila Timothy at sila Kraira)

Nasa room pa kami eh, solo lang namin. Gusto ko na sanang pumunta sa CR pero...

"LOCKKKK!!!!! We are trapped!" sigaw ni Chryztal

TF! Bad timing naman! Kagagawan nanaman siguro ito ng mga boys!!

"Pwede bang sipain itong door?" Dasuri

Go.

Sinipa ni Dasuri at sawakas ay nabuksan rin. 1:00 na at nagsimula na ang klase

"Students, may music class kayo bukas" teacher

"Yan lang po ang klase bukas?" tanong ni Mayumi

"Oo" teacher

Mahilig si Mayumi sa music

***

Uwian na. Nagkwekwentuhan kami habang naglalakad

Plak! Napatid kami. Di namin napansin na may rope na nakatali dun sa may puno at poste.

"Aray koooo. Nag-crumps ang legs ko" Aliyana

Lumabas sila Timothy at parang hindi pa nagsisi sa ginawa nila

Pinalibutan kami ng mga tao. Inalalayan namin si Aliyana at isinakay sa kotse ni Dasuri. Iniwan namin yung sasakyan nya sa school.

Buti nalang at gumaling na rin pagdating sa bahay.

"Sumosobra na talaga sila. Nakakainis masyado" Aliyana

"NEXT WEEK." Chryztal

"Oo. Magtitiis pa ako ng konting-konti" Aliyana

Kumain kami at ako ang nagluto.

"First time! Ang sarap ng luto mo!" Chryztal

"Chupe. First time mo lang kasi tinikman!"

"Ehemmm" Dasuri

"Gusto mong umubo? You're free." sarcastiko kong sinabi

"Peace" Dasuri

"Talagang dapat pangaralan yung mga lalaking yun, baka ang dami pang bibiktimahin" Chryztal

"Baka naman ang dami na rin nilang nabiktima. Tanungin natin si Niah bukas."

"Sure" Chryztal

Pumunta kami sa aming mga kwarto, I opened my Twitter gamit yung iPad and I tweeted :

"Kayo. Maghanda na because we are ready to begin the battle next week"

Uy! May mga nag-retweet. Nung tinignan ko, sila @KenSmith @LucaStewart @JArchers @ ZenC @MRHOT

Ano ang silbi ng retweets kung sila pa ang nag-retweet?

I opened my facebook next and may friend requests from NIC SMITH, LUCAS STEWART, JACOB ARCHERS, ZEN COLLINS, TIMOTHY FURUKAWA. I just ignored it at in-open ang accounts nila Ryz. Nagsend din sila Jacob ng friend requests. Pero, wala akong ginawa because they might get mad at me.

Someone sent me an emoticon. Si Jacob pala. Ewan ko ba sa lalaking to, feeling close sakin. Baka may gusto. Ay! Hindi pwede yan, siguradong paglalaruan lang ako. Di ko na sya nireplyan at natulog na.

Changing Their LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon