Chapter 1
Lilly
My full name is Ashley Tuason pero "Lilly" kung tawagin ako ng mga nakakakilala sakin. A graduating BS Math student here in University of St. Benerue, isang kilala at prominanteng unibersidad dito sa probinsiya namin.
Akala ko nga hindi ako makakapagkolehiyo nung una dahil hindi kayang suportahan ng mga magulang ko ang mga gastos sa pag-aaral, buti nalang may mga scholarship programs at ayun mapalad na nakapasa at ang kapalit ng libreng pag-aral ay magsisilbi akong Student Assistant, SA, ng isa sa mga departamento ng unibersidad.
Bukod sa pagiging iskolar eh member din ako ng frat namin. Yung NBSB o No Boyfriend Since Birth.
Huhuhu! Ewan ko ba, feeling ko naman maganda ako. Matalino, mabait, magalang, makaDiyos eh lahat yata ng okay na "ma" eh masasabi mo sakin. Yun nga lang meron mga "pinaka" na parang sila lang anak ng Diyos na halos nasa kanila na lahat kaya hindi kami mapansing mga "ma" lang.
Nakakainggit nga minsan kapag yung mga kaibigan ko nagkukwento ng mga buhay pag-ibig nila.
Ang saya saya nila palagi, inspired at halos ata ng kasweetan eh lagi daw nilang ginagawa. Haaay! Pero bilib ako sa kanila kung pano pa nila naisisingit ang paglalablayp, dahil kasi mga pare-pareho din kaming SA, halos pagkatapos ng mga klase namin eh direcho kami sa computer center, CC, at ginagawa ang mga trabaho namin doon ng halos limang oras araw-araw mula lunes hanggang sabado.
Buti pa sila pumapag-ibig kahit papaano eh ako wala, Wala!!! At ayun hanggang paghanga lang ako palagi. Yes! hello!? tao ako noh kaya may "krash" din ako.
"Lilly sorry! Male-late na kasi ako kaya ako tumatakbo, nasaktan ka ba? O sige sorry ulet ha! ingat, bye!"
Haaay hanggang ngayon naririnig ko parin at kabisadong kabisado ang mga sinabing yun sakin ni Gelo nung unang magkabanggaan kame.
Nalaglag yung mga hawak kong papel at gentleman niyang pinulot at binigay naman ang mga ito sakin. Alam kong tinanong niya kung nasaktan ba ako pero wala, slomo ang mga nangyari sa paningin ko.
Nagblurred ang paligid, ang mga papel kong hawak dahan dahang naglaglagan sa kinakatayuan ko at sa harap ko ay may isang makisig na lalaking pinulot ang mga ito, inayos at inabot sakin.
Haaay! Wala akong nagawa, nakatitig lang ako hanggang sa umalis na siya at isang hampas ng notebook ang gumising sa nangangarap kong paningin.
"Aray!" sabi ko.
"Mukha kang tanga jan tumayo ka nga, ano bang nangyari sayo?" pagtatakang tanong ni Xannie, isa din katulad kong SA sa CC at matalik kong kaibigan.
"Si ano kasi binangga ako."
"Sinong ano?"
"Wala, tara sa CC! duty mo?"
"Oo bilis male-late na ako!" At bigla niya akong hinatak na parang batang paslit lang at humarurot kami ng takbo.
-----
"Hoy! Angelo Villamonte huh?! Sino yan?" tanong ni Xannie na nasa likod ko pala habang nagpe-facebook ako sa laptop na dala ko. Hindi ko pa kasi duty kaya nakikitambay lang muna ako at nakikiwifi dito sa CC. Malay ko bang nasa likod ko pala tong babae na ito at tinitignan ang ginagawa ko.
"Wala!"
"Weh? Mahal mo?!" sabi niya.
"Mahal? Agad agad? Hindi pwedeng kaibigan lang muna, o pinsan?"
BINABASA MO ANG
Mahal Ko? Mahal Ako? (Ongoing)
RomanceLilly, isang ordinaryong babae na naipit sa isang sitwasyong normal naman sa ibang tao. Ang umibig ng para sa kanya ay ang magbubuo ng buhay niya at ibigin ng isang taong handang gawin ang lahat para mapasaya lang siya. Mahirap na nga ang sitwasyon...