maikli lang yung part na to. Hindi lang makatulog kagabi kaya nagsulat na lang. ^^
Chapter 3
Lilly
Haaay hindi ako makatulog. Maaga pa naman pasok ko bukas. Haaay!
Anyway I saw him kanina. Yiiiieee. Gwapo siya for me. Ang cute ng mata and yung smile haaay matutunaw ako.
Nagkasalubong kami kanina malapit sa canteen. "Hi Ashley! Kakain ka?" Ayun tulala na naman ako nung nagsalita siya. Kakahiya halatang may something ako sakanya. Grrrr. Pasaway na bibig kong ito kasi natatameme kapag kaharap siya.
Ang tagal bago ako nagsalita, then kaloka pa nasabi ko.
"Heaven"
"Ano?" pagtataka niya.
Then bigla akong natauhan. "Huh!? I mean doon sa heaven canteen talaga ako pupunta, mas masarap kasi pagkain dun." sabi ko.
"Ah yung sa Culinary! Oo okay dun kaya lang nagmamadali ako in 15 minutes class ko na ulet kaya dito nalang ako kakain. Sige ingat!"
"Ikaw din ingat." sabay ngiti ako ng bongga nung nakatalikod na siya haaay. Made my day.
Sabi nila Eunis okay lang naman daw si Gelo. Hindi kagwapuhan pero maappeal. Eeeh basta! Siya ang love ko wala silang paki!
Haaay! Sana one time magtatapat karin sakin Gelo na mahal mo din ako.
"Ly! Matagal ko ng gustong sabihin sayo to. Nag-aalangan lang ako kasi baka ireject mo ako. Alam mo ba bata palang tayo gusto na kita. Sabi ko nga sa sarili ko nun paglaki ko ikaw papakasalan ko at palagi kitang pasasayahin sa bawat araw na magkasama tayo. I love you Ashley!"
Waaaaah! WAAAAAAH!!! Pwede nakong mamatay! Waaaaaaaaah!!! KILIG MUCH! Uhah!!!
"Ashley alam mo ba masaya ako kapag lagi kitang nakikita at kapag lagi kang nakangiti. Gusto ko araw araw masaya ka. Kapag malungkot ka, yayakapin lang kita para damayan ka sa mga dinadala mong problema. At para mabawasan ang paghihirap mo. Ayaw kitang nakikitang nalulungkot. Gusto ko happy ka lang palagi. Laging nakangiti!"
Waaaaaaaah! Ano ba? Ang ganda ko talaga! Gelo I love you too haaay!
"Basta nandito lang ako palagi para sayo Ashley. Sa hirap o ginhawa, palagi akong nasa tabi mo. Hindi kita iiwan. Mahal na mahal kita. Ikaw ang buhay ko Ashley!"
"Sabay tayong gigising palagi sa umaga. Pagkagising ko ikaw unang makikita ko at sasabihan ng I love you. Ipagluluto kita palagi ng masarap at masuntansiyang pagkain."
"Tapos lagi lang tayong magkasama saan man tayo magpunta. Sabay mamalengke, mamasyal, magsisimba. Pareho nating lilibutin ang buong Pilipinas at buong mundo."
"Sabay tayo laging ngingiti, tatawa, iiyak, mangangarap, tatahimik, mag-iingay, magseselfie, magbabaliw-baliwan."
"Araw-araw akong magpapasalamat sa Diyos dahil binigay ka niya sakin. Binigay Niya ang pangarap ko. Binuo Niya ang buhay ko."
"Ikaw lang Ashley masaya nako. Ikaw lang wala ng iba."
Waaaaah! WAAAAAAH! KINIKILIG AKO NG BONGGA! WAAAAAAAH!!! Waaaah!!!!!
"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" Ayun totoong sigaw ko na talaga. Kanina kasi sigaw lang na walang sound pero ang ingay naman pala ng kilos ko kasi kumakalabog na sa sahig at si Mama pumasok na ng kwarto ko para tignan kung anong nangyayari sakin.
"Mama! Haaay grabe ginulat mo ako kala ko kung sinong multo" biglang sabi ko ulet pagkatapos kong sumigaw ng unang makita ko siya.
"Hoooy! Sinong multo? Pampaganda tong nasa mukha ko! Ganito talaga kapag maganda." sabi ni Mama.
Napakamot ulo na lang ako.
"Ano ba kasi yung kumakalabog kala ko kung ano na nangyayari sayo kaya pumasok nako at hindi naman lock yung pinto." dagdag niya.
"Ano kasi ma.. Hmmm.. Malamok! Kaya ayun tinataboy ko lang." sabi ko.
"Malamok? Eh nakakulambo ka kaya!"
"Ehhh nakapasok po kasi ata kanina nung naglatag ako. Ganun!"
"Ah ok! Oh siya matulog kana, mahirap ka na naman gisingin bukas. Good night!"
"Night Ma! I love you! Mwah mwah tsup tsup!"
At biglang sara ng pinto. Hindi man lang nagreply sakin ng I love you or good night man lang din. Haaay si Mama talaga.
Anyway back to business. Sana talaga someday, hmmm wag pala someday, dapat soon sabihin sakin lahat yan ni Gelo. Grabe super kilig ako habang iniisip palang mga yan. What if kung totoo na?? Baka himatayin ako!!! Hahaha..
Ako na pinakamasayang babae kapag nangyari yun. Hmmm may gusto din kaya si Gelo sakin? Yiiieee kinikilig akong isipin. Sana??? Sana?? SANA TALAGA!!! Haaay.
Maaga pa ako bukas. Gising pa ako pero nanaginip na. Anyway makatulog na nga.
-----^^
BINABASA MO ANG
Mahal Ko? Mahal Ako? (Ongoing)
RomanceLilly, isang ordinaryong babae na naipit sa isang sitwasyong normal naman sa ibang tao. Ang umibig ng para sa kanya ay ang magbubuo ng buhay niya at ibigin ng isang taong handang gawin ang lahat para mapasaya lang siya. Mahirap na nga ang sitwasyon...