Prologue

4 1 0
                                    

All the characters, plot, settings and events inside the story is part of the author's imagination and is inspired by some BL dramas.

All rights reserved. Any form of copying is forbidden in accordance with the law.

Plagiarism is a CRIME!

WATTPAD 2020
~Monamie_17

♪♪♪♪♪♪

Maingay ang buong paligid. Masaya ang mga tao at kanya kanya silang ginagawa. May mga sumasayaw, naghahalikan, nagkukuwentuhan at kung anu ano pa.

Nilibot ko ang paningin ko. Umaasang dito ko siya makikita. Kahit na alam kong may mali sa lugar na ito ay nagawa ko pa ring pumunta.

Tanga na ba ako nun?

Nakailang 'excuse'na ako dahil sa dami ng tao sa loob ng bar.

Asan naba siya?

Bago ko pa man masagot ang tanong ko ay halos ihampas ko sa ulo ko ang bote ng alak na hawak hawak ko.

Nakita ko na siya. At... At...

Bumilis ang tibok ng puso ko sa nakikita ko ngayon.

'Hindi na dapat ako pumunta dito' isip isip ko.

Tila anong oras ay babagsak na ang luha saking mga mata. 'Akala ko nagbago na siya?'

Kita ko kung paano niya halikan ang babae sa harap niya na parang ito ang pinakamahalagang tao sa buhay niya.

Ako dapat yun. Ako. Ako ang mahal niya?

Halo-halong galit, inis, at sakit ang nararamdaman ko. Gusto kong magwala. Gusto kong sampalin ang sarili ko at sigawan dahil nagawa ko pang titigan ang ginagawa niyang panloloko sakin!

Ang sakit! Ang sakit sakit!

Para akong nadudurog sa sakit! Ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Ito ba ang sumpa ng pagmamahal?

'Bat parang iba ito sa mga kuwento nila?'

Hindi ko namalayang tumakbo na pala ako palayo sa lugar na yun.

Narinig ko pa ang pagtawag sakin ng mga kaibigan namin pero hindi ko na sila pinansin. Ang nais ko lang ay makalayo sa lugar na yun sa abot ng makakaya ko.

Kasabay ng malakas na buhos ng ulan ay ang pagpatak ng aking luha. Kahit basang basa na ako ay sige parin ako sa pagtakbo hanggang sa marinig ko ang isang malakas na busina ng bus na siyang nagpagising sa aking diwa.

Nakakasilaw ang liwanag na nagmula rito.

Hindi na ako nakagalaw.

Katapusan ko na ba? Ganito ba ako kamalas para masaktan at.... Mamatay?

Dahan dahan kong pinikit ang mga mata ko at dinama ang malakas na pagtamang bus saking katawan.

Nagpagulong gulong ang katawan ko.

Ni hindi ko naramdamanang sakit na dulot ng pagkakabangga sakin. Mas masakit ang nakita ko bago mangyari ito.

Namamanhid na ang katawan ko. Basang basa na ako ng dugo at ulan.

Bago ako mawalan ng malay isang mukha ang nakita ko. Tila nagising ang puso ko sa pagdating niya.

Dali siyang lumapit sakin at niyakap ako.

Umiiyak siya?

Sumigaw siya ng tulong.

Ilang saglit pa ay dumating na ang ambulansya.

Patuloy parin ang pag-iyak ng nasa harap ko.

May kung anu siyang sinabi. Hindi ko maintidihan. Ang tanging naririnig ko lang ay ang ingay ng ulan at ambulansya.

Binuhat ako ng mga tao at sinakay sa ambulansya. Andito parin siya.

Siya ang may gawa kung bakit nangyari ito.

Masisi ko pa ba siya?

Hinang hina na ako. Pinilit kong imulat ang mata ko pero kusa na itong sumara at nagdilim ang lahat.

........

Dear DanielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon