Maaga akong pumasok ng school para sana makita ang mga bagong transfer.
Malay niyo may prospect diba? Mahirap na. Ayokong tumanda ng single. Hanudaw?
Pero imbes na makapagsight seeing ako, heto sinamahan ko na naman ang damuhong si Daniel dahil 'SINGLE' na daw ULIT siya. Wow. As in wow na wow.
Tuwing nagkikita kasi kami nito tanging yan ang sinasabi niya. Di ko na mabilang kung ilang beses ng nangyari ito.
Ewan ba kung bakit tuwing nagiging single ang best friend ko, pakiramdam ko nagkakaroon ako ng chance na sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.
Tatanggapin niya kaya ako?
Nagulat ako nang ilapit niya ang mukha niya sakin. As in sobrang lapit.
Uminit ang mukha ko sa ginawa niya.
"Stop staring at me. You'll never know nafall ka na pala sakin." pang aasar nito.
Binatukan ko siya pero mabilis siyang nakaiwas.
Tumawa ito at tumingin sa mga transfer na dumadaan. Buti na lang at nilayo na niya ang mukha niya sakin. Baka kasi lalo akong mainlove sa kanya. Hindi ko na kakayanin yun.
Saglit na katahimikan ang nangyari bago ako naglakas loob na nagsalita.
"So anong plano mo? For sure mamaya, may kalandian ka na naman. Bakit kasi kalalaki mong tao ang landi landi mo!"
Tinaasan niya ako ng kilay.
Inirapan ko lang siya. Hays. Napakaplayboy talaga nitong best friend ko. Akalain mong papalit palit lang gf na parang siya ang pinakagwapo sa lahat.
Well, for me. Yes. Ewan sa iba.
"Buddy?" tawag niya sakin.
"Oh ano?"
Hindi siya sumagot.
May pagkamonggoloid talaga itong isang ito. Hindi ko namalayan na tumayo na pala siya kaya napatayo na rin ako.
"I'm going after someone.."
Napataas naman ako ng kilay sa sinabi niya. Someone? Sino naman?
Bago pa man ako makareact mabilis na nawala si Daniel sa tabi ko at nakitang tumatakbo patungo sa isang magandang transferee.
Ngumiti ito kay Daniel at kumaway.
Nag usap sila. Magkakilala sila?
Bigla namang may kumirot sa puso ko nang mapansing iba ang ngiti na pinapakita ni Daniel sa kausap niya.
Hay naku Zedd! Kaibigan ka lang ok? Hindi ka niya jowa. Wag ka magselos!
Hindi ko na kinaya ang nakikita ko kaya ako na mismo ang naglakad palayo.
Narinig ko ang pagtawag ni Daniel sa pangalan ko pero hindi ko ito pinansin. Pakiramdam ko, any time babagsak na ang luha sa mata ko.
Bago pa man tumulo ang luha ko ay nabangga na ako sa isang katawan.
Napaupo ako sa sahig. Aw! Masakit!
"Oww! Watch where you're going! Hays. Are you okay?"
Napatingin ako sa kamay na nakalahad sakin. Kinuha ko ito at tinulangan niya akong makatayo. Siya yata yung nabangga ko.
Wait! Bago ba siya rito? Ngayon ko lang siya nakita.
Pogiiii!
Curly brown hair with dimples plus killer smile. Light brown na mata at maputing balat. Ang tangkad niya. Kasing tangkad niya si Daniel. Napangiwi naman ako sa naisip ko.

BINABASA MO ANG
Dear Daniel
DiversosZedd has a crush on his long time best friend Daniel. For three long years he burried his feelings for him. He don't want to lose his BFF. But then, the more he gets to know his bestie, the more he falls for him. Would he take the risk of admitting...