Chapter 4

3K 67 0
                                    


Kanina pa niya pinagmamasdan si Rena mula sa labas nang pinto habang binabasa nito ang kanyang mga articles. Noong una, naiilang siya kasi baka pagtawanan lang siya nito. Pero nang magsalit-salitan sa mikha nito ang tuwa at lungkot, mas lalo niya itong naapreciate.

She laugh gracefully and then cry with poise. Hindi maipagkakailang nakarelate ito ng todo-todo sa kanyang mga gawa. That pleased him so much, lalo na kung ito ang nakakaapreciate.

Exactly four o'clock nang bumalik siya sa office for the meeting. Unintentionally, magkatapat ang upuan nila ni Rena. Medyo naiilang siya pero nakangiti ito, hindi lang sa kanya kundi para rin Sa lahat ng dumalo sa meeting.

When D started explaining the details on the issue, somebody in the room suggested to include an article about the new staff. Kahit man lang daw simple description about them para naman magkaroon ng idea ang mga students about them.

"Why not? We've been writing about other people in this institution, hindi naman siguro masama kung magsusulat din tayo para sa sarili natin, a little exposure won't hurt," pagsang-ayon ni D.

' "What if magbunutan tayo ng mga names ng idedescribe natin? Para naman magkaroon tayo ng panahon to know more about each other?" suggestion pa ng associate editor.

"Maganda iyan, Rena gawa ka ng bubunutin nito," utos ni D kay Rena na agad kumilos.

Nang matapos nitong tupihin ang mga papel na may pangalan nila, isa-isa silang bumunot. When he opened the small paper, he smiled from ear to ear. This is his lucky day.

"Ibigay niyo sa akin iyong pangalan ng mga nabunot niyo para alam natin kung sino ang hindi magpapasa." Isa-isa nialng ibinigay ang mga nabunot and when he heard his name from Rena, medyo nagulat pa siya at the same time natuwa. May pagkakataon na silang makilala ang isa't isa.

"Ei Kuya Ej, para lang tayong nagpalitan ah! Walang samaan ng loob sa isusulat ha!" natatawang untag sa kanya. Nang tumango siya'y ngumiti ito. God! Her smile brighten his day. Sana ganito araw-araw, hiling niya sa sarili.

"Next week, same day and time ang meeting natin ulit. Kung tapos niyo na ang mga assignment niyo before that day, the better. Drop niyo na lang dito sa office. Lagi namang nandito si Rena, sa kanya niyo na lang ibigay." Pagtatapos ni D sa meeting nila. "Nga pala, ung descriptions niyo please base it sa pagkakakilala niyo sa mga nabunot niyo hindi sa ibang tao."

Sabay-sabay silang nagsitango lahat sa pagsang-ayon na sunud-sunod na ring umalis sa office para umuwi maliban kay Rena na mag-aayos pa kunti sa office. Nang nakita ang ilang mga klasmeyts nitong pumasok sa, pasimple siyang nag-stay sa labas wanting to know about more about her when she's with her friends.

Palabiro ito at kalog. Prangka pero hindi taklesa. That surprised him a lot. Akala niya hindi ito marunong makipagbiro, masyado kasi itong seryosong tignan. At base na rin sa mga nakikita noon pa man, approachable naman ito kahit medyo intimidating ang dating. It takes a lot of courage para batiin ito pero hindi naman napapahiya ang mga bumabati dito.

Baon ang mga nalaman, dali-dali na siyang umuwi.

*******

Nakangiting siyang nakikipagkuwentuhan pero medyo busy ang kanyang utak sa pag-iisip ng mga salitang nababagay kay Kuya Ej. Kung bakit naman ito pa ang nabunot niya. Naku! Bahala na nga si Batman.

Hanggang sa bahay, nag-iisip pa din siya kung paano sisimulan ang description nito. With boredom, inuna muna niyang tapusin ang kanyang assignments sa kanyang mga subject. Total next week pa naman ang due niyon.

When she finished all her paper works, mahihiga na sana siya nang biglang magkaidea sa kung ano ang isusulat niya about Kuya Ej. Since hindi niya ito masyadong nakakasama and kakikilala lang niya dito, she based her description on his literary articles.

Hopeless Romantic (Published under Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon