Chapter 1: Langit-lupa

98 6 0
                                    

Tiffany's POV

"Oy babaita! Tumayo ka na diyan, anong oras na bhe! Gising gising din no!" Gising sakin ng mabait kong sister. Ayoko talaga yung ganitong scenario tuwing umaga.

"5 minutes pa!" Sigaw ko sakanya. Nakakabitin kasi eh. Ang ganda ganda na ng panaginip ko, iistorbohin ako. Ayan na, hindi ko na maalala yung panaginip ko. Huhuhu omg.

"Walang 5 minutes 5 mimutes dito. Tumayo ka na diyan." At dahil hindi ko na matuloy yung panaginip ko. Nagpasya nalang ako maligo at nagdaydream. I really like to daydream. Hindi ko din alam eh. Ugh di ko maexplain.

Pagkatapos kong maligo, umalis na ako sa bahay namin. Kasabay ko si Ate pumasok ng school. Hindi kami close ng Ate ko, minsan lang siguro. Iba kasi ako sakanya. Ako kasi maganda. Siya panget. Hahaha joke. Hindi naman kasi ako maarte. Siya kasi super arte eh. Grabe, maiirita ka talaga sa sobrang kaartehan niya. Baka nga ampon lang siya eh. Joke! Kahit na maare yan, mahal ko yan. Syempre kapatid ko yan. Adik lang.

"Kuya, baba ako sa McDo. Thank you." Sabi ko sa driver namin. Aayusin ko lang sarili ko. Wala kasi akong time kanina mag-ayos kanina eh. Tska, kakain rin ako. Nagugutom kasi ako eh.

Bumaba na ako ng kotse at pumasok sa McDo. Pumasok muna ako ng cr at inayos ang sarili. Grabe, ang ganda ko talaga. Dyosa kaya ako. Sa kalagitnaan ng pag-aayos ko, may tumawag sakin.

(Calling... Jessica)

I answered the call.

("Hoy, girl! Asan ka na ba? Lilipat yung crush ko sa section natin. Hihihi. Galing kasi siya sa lower section.") Sabi sa kabilang linya.

"On the way na ako girl! Wait wait din no! Tska wala akong pake sa crush mo." Hahahaha kahit na sa McDo ako.

("Osya sige na babye, I love you girl!") Sabi ni Jess.

"Osige bye, I love you too girl!" I said and then I ended the call.

Kaibigan ko siya, actually bestfriend ko 'yun. Siya si Jessica. 6 years ko na yang kasama simula grade 4 kaibigan ko na siya. Hahahaha! Lagi niyang sinasakyan trip ko, ewan ko din kung bakit eh. Maganda 'yan mas maganda nga lang ako! Dyosa kaming pareho. Okay gets? Kaso may pagka-harot yan. Crush na crush niya yung heartthrob sa school eh, si Kevin? Kyle? Ugh ewan basta starts with the letter 'K'. Actually, tatlo kaming magkakaibigan kaso namatay yung isa naming kaibigan. Basta next time ko na sainyo kwento. Gutom na kasi ako.

Pagkatapos ko mag-ayos, pumila muna ako. Actually, konti lang naman yung customers dito kasi umaga palang naman. Umorder ako ng Pancake at McCafé. Matakaw ako kaso paminsan-minsan lang naman. Pumwesto ako sa tabi ng window. Wala lang, gusto ko lang makita yung mga tao. Pasubo na sana ako ng pancake nang may mahagip ang mata ko. Isang babae at isang lalaki, naghahalikan, no I mean, naglalaplapan sa tapat ng McDo. Umalis na silang dalawa. Infairness ha, gwapo yung lalaki. Hindi ko masyado nakita yung itsura niya dahil tinatakpan ng ulo ng babae.

Chineck ko yung relos ko. Omg, 7:30 na. From McDo to Western Academy kasi 15 minutes. Tagal diba? Di ko pa kaya ubos yung kape. Lumabas na ako ng restaurant at sumakay sa jeep. Hindi ako maka-inom ng maayos kasi malubak yung dinadaanan namin. Kaya mamaya ko na iinomin. After 15 minutes, andito na ako sa school. Tumakbo ako papunta ng classroom kaso nga lang may nakabangga ako.

"Shit. Hindi ka ba tumitingin sa dinadaan mo!?" Pagsusungit ng gwapo lalaking nakabangga ko. Wait, parang familiar siya. Ugh, I don't know. Pero parang nakita ko na siya. Oh well, I don't care.

"Ay, sayang yung kape." Sayang kasi eh. Duh, wala akong pake sakanya noh. Bulag kasi siya eh.

"At talaga yung kape yung inaalala mo ha. You stupid." And he walked out.

Playboy's fake girlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon