Heartbeat (One Shot!)

24 0 0
                                    

*Cute Tagalog Short Love Story*

(*˘︶˘*).。.:*♡

May isang girl na nagkagusto sa kanyang classmate.

Never pa sila nitong nag-kausap o nag-pansinan.

As in never!!

Nasusulyapan lang ng girl ang boy kapag tapos na ang kanilang klase sa isang subject at kapag lumalabas na sila sa room.

Minsan nga nakakasabay pa niya ito palabas ng pintuan.

At iyon na,

Grabe na naman ang nararamdaman niyang kaba.

Hindi nagtagal, naging malungkot ang girl dahil parating wala ang boy.

Isang araw, nabalitaan na lamang ng girl na dinala pala sa hospital ang boy dahil may sakit ito sa puso.

Para mabuhay, kailangan nito ng bagong puso sa lalong madaling panahon .

Hindi na nagdalawang-isip ang girl at nagtungo agad sa Hospital .

Wala na siyang pamilya

kung kaya't

wala na siyang mapagsasabihan ng kanyang binabalak  gawin.

Inalok niya sa pamilya nito ang kanyang puso para mabuhay ang boy.

Siyempre, sa umpisa hindi pumayag ang pamilya ng boy. Pero dahil sa pagpupumilit ng girl ay natuloy nga ang kanyang plano.

Ilang araw siyang

pabalik-balik sa Hospital para sumailalim sa mga tests kung compatible ba ang puso niya para sa boy.

Ilang araw na din siyang hindi pumapasok sa eskwelahan. At kalat na sa buong school ang gagawin niya.

May ilang payag sa gagawin niya. May ilan namang hindi.

Pero sakanya pa rin ang desisyon kung itutuloy niya o hindi.

Bago ginawa ang Heart Transplant, may ginawa munang sulat ang girl para sa boy.

Dear Hunny Bunch na lang,

(๑ت๑)♡

"I'm your classmate. Matagal na akong may gusto sayo.

Siyempre, hindi mo alam dahil hindi ko naman sinasabi sayo.

Ewan ko kung napapansin mo ang ginagawa kong pag

sulyap-sulyap sayo araw-araw.

Nang malaman ko ang kalagayan mo, dali-dali akong nagtungo sa Hospital para

I-donate ang puso ko.

Swerte mo nga dahil compatible ang Puso ko sayo eh. Haha! What does it mean? Na meant to be tayo? Yay! Pero, sana.. Hindi ba? I believe naman na everything happens for a reason, tulad nito.

You know what, I don't want you to die. Kasi alam kong marami ang nagmamahal at naghihintay sa pagbabalik at paggaling mo. Samantalang sa akin ay wala na.

I'm happy kasi kahit papaano ay nakatulong ako sa iyo, sa pinakamamahal ko. :)

Alam mo bang hindi ako natatakot mamatay? Kasi Alam kong doon din naman ang punta nating lahat, hindi ba? haha.

What I'm scared of, is, ang makita kang mamatay. So I guess, its better na ako na lang ang mauuna sayo. Magkikita naman tayo balang-araw hindi ba? Haha.

And I believe naman na I will be seeing you again someday. If not in heaven maybe in our next lives. And Hoping na we will be together and living a happy life.

Parang ganito ʕ•̫͡•ʔ❤ʕ•̫͡•ʔ

Tanga na kung tanga. Nagmamahal lang naman ako. Yiiihhh~ kita mo ko, kahit mag gu-goodbye na sa planet earth heto at kinikilig pa rin. Haha.

My Heart Beat gets faster and faster because of you and you'll be the reason of it forever.

Just do take care of yourself and my heart... I love you always."

From,

Hunny Bunchiie. YIIIEH~ Haha.

(๑ت๑)♡

Ang sulat ay ibinigay sa boy after ng Heart Transplant.

Hindi siya makapaniwala sa kanyang nabasa. Pero, huli na.

Wala na siyang magagawa.

Masaya siya dahil buhay siya Pero at the same time ay nalulungkot pa rin siya dahil wala na ang babaeng nagpapatibok din ng kanyang puso.

"Hay." Tanging nasambit niya at mapabuntong-hininga.

Alam niyang mabubuhay pa rin siya ng  masaya dahil nasa kanya ang puso ng dalaga.

-END (*˘◦˘*){♡]

"When it comes to love, lahat talaga ay gagawin ng taong mahal ka para sayo ng walang hinihiling kapalit.

No matter what, kahit siya pa mismo ang mag sacrifice ng sarili niyang buhay ay gagawin niya para sayo.

Sabi nga nila hindi ba,

LOVE IS KIND. "

-

Yey! first time kong

magka- One shot!

Hope nagustuhan niyo!

Thanks for reading !  ♡⌒(*^∇゜)v

#MorePowers!

#GodBless♥♥

(10.26.2014)

©missdetective.

Heartbeat (One Shot!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon