Chapter Two:|Ang Pagtitipon|part1
-12 Years Later-
"Sigh!" Napabuntong hininga nalamang si princess bella habang pinapanuod nito ang isang inahing ibon habang pinapakain nito ang kanyang mga inakay na ibon na nakapugad mula sa isang malaking puno na nasa tapat lamang ng kanyang bintana.
Nanatili lang itong nakatingin duon ng biglang may kumatok mula sa pintuan ng silid nito kaya nabaling ang tingin nya dito.
"Princesa Bella narito po ang inyong pinsan na si Princesa Leila pinapasabi po nya na nais nya po kayong makita." gumuhit ang isang ngiti sa mapula at manipis na labi nito at dali-daling tinungo ang pinto at agad itong binuksan.
"Talaga! narito si prinsesa leila sa palasyo? maaari mo bang sabihin sa akin kung nasaan sya?"
"Kasalukuyan po syang kasama ng iyong amang hari at inang reyna, princesa bella."
"Maraming salamat," nakangiting sabi pa nito.
"Walang anuman po."
Dali-dali namang tinungo ni bella ang kinaroroonan ng kanyang pinsan at naabutan nya itong kausap ang kanyang ama at ina.
"Prinsesa Leila," sabay pang napalingon ang kanyang ama at ina pati si prinsesa leila dito.
"Bella!" nakangiting bati pa nito.tska nagyakapan ang mga ito.
"'Bat naparito ka ata sa aming palasyo?"
"Naparito ako dahil gusto sana kitang ayain para sa isang pagtitipon na gagawin mamaya kung gusto mo lang naman na sumama sa akin."
"Syempre naman, Ama. Ina maaari po ba?" Nagkatinginan munang saglit sina haring edmund at reyna ana.
"Syempre naman." nakangiting sagot ni haring edmund.
"Maraming salamat po ama, ina." nakangiting sabi ni bella na halata ang kasiyahan sa mukha nito ganun din si princesa leila.
Authors Note:|
may part 2 pa po iyan, wait nalang po for my updates thanks po sa inyong mga nagbabasa nito :) harthart<3
minjiexx