Sa dagat ng mga taong nanonood,tahimik akong nakatungo habang patuloy na dumadaloy ang luha sa mga mata ko.Tinaas ang ulo at muling tumingin sa bandang natugtog sa entablado.
Hanggang kailan,ako maghihintay na para bang wala ng papalit sayo?
Nasan ka man,sigaw ng puso koy
Ikaw hanggang ngayon
Kung sana lamang ay nakita mo
Ang lungkot sayong ngiti
Isang umagang dika nagbalik
Gumising ka at ng makita mo
Ang tamis ng sandali,ng kahapong
Di magbabalik
Bakit kailangang pagtagpuin kung hindi naman pala para sa isat isa?
Bakit kapa pasasayahin kung sa bandang huli ay iiwan kadin naman pala?
Bakit ako pa sa dinami rami ng pwedeng makita?
Ako na nananahimik pero dumating ka
Dumating para paluhain at warakin ng sobra
Napunta sayo ng buong buo pero iniwan mong durog durog.
Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan
Hanggang ang pusoy wala ng nararamdaman
Kahit matapos ang magpakailanpaman
Akoy maghihintay,
Sa ngalan ng pagibig
Tumalikod ako at nagsimula ng maglakad palayo.Alam kong malabo pero susubukan ko.Babae ako at oo pangit tignan kung ako mismo ang maghahabol pero mahal ko talaga yon.Tanga ba?oo puta tangang tanga na.Sobra sobra na pero isa lang ang masasabi ko,huli nato.
At kapag sa pagkakataong to wala padin akong napala,wala akong magagawa kundi isuko at bitawan sya kahit sobra kong ikakawasak yon.
Mahal na mahal kita pero hindi ko alam kung ipaglalaban paba kita dahil wala ka namang ginawa kundi ipagtabuyan ako.Wag mong abusuhin ang nararamdaman ko,dahil hindi to habang buhay tanga sayo.