Gwyn's POV
Nandito na ako ngayon sa tapat ng dorm namin. Kumatok muna ako ng tatlok beses at maya maya lang ay may bumukas ng pinto at bumungad sakin ang isang babae na kulay light white ang buhok. Maganda siya ah!
"Ikaw ba yung bagong dormmate namin?" tanong niya habang may malapad na ngiti sa labi kaya tumango naman ako biglang sagot sa kanya. Nagulat naman ako ng bigla na lang siyang sumigaw. Anong nangyari sa babaeng to?
"AAHHHHHHHHHH!! Natalie bumaba ka dali nandito na ang bagong ka dormmate natin! Super ganda niya!" sigaw niya at may nakita naman akong isang babae na nag mamadaling bumaba ng hagdan. Maganda din siya ah
"Ako nga pala si Natalie Smith 17. But you can call me Nat for short. And my power is Water" agad niyang sabi nang makalapit siya samin
"Diba ako dapat ang unang mag pakilala?" mataray na sabi nung nag bukas sakin kanina
"Ah heheheh showwe. Sige go na" sabi ni Nat at nag piece sign pa. Inirapan lang siya nung isa at hinarap ako na naka ngiti
" Ako nga pala si Katelyn Tyrell 17. But you can call me Kate or Lyn for short. And my power is air" so katelyn pala ang pangalan niya. Infairness hah ang gaganda ng pangalan nila.
Nag smile na lang ako sa kanila"Ano nga palang pangalan mo ganda?" tanong sakin ni Kate. Natawa naman ako ng kunti dahil sa tinawag niya sakin
"Ako nga pala si Gwyn Mendez 17. And my power is ice" naka ngiting sabi ko sa kanila
Tumango naman silang dalawa sakin at binigyan ako ng isang matamis na ngiti. Mabuti na lang talaga at mababait ang mga ka dormmates ko
"Ah don pala sa pinaka dulo yung kwarto mo Gwyn yung kulay violet" sabi sakin ni Nat
"Ah sige guys ah. Akyat muna ako sa kwarto ko. Aayusin ko pa kasi ang mga gamit ko eh" sabi ko sa kanila
"Ah sige Gwyn. Tawagin ka na lang namin kung kakain na" sabi ni kate. Tumango naman ako sa kanya at umakyat nasa taas. Malaki at sobrang linis ng dorm namin ah. Pag tapat ko sa kwarto na sinasabi nila Kate at Nat ay agad ko itong binuksan at..... grabi!
sobrang ganda ng loob nito. Lahat ng gamit ko ay kulay violetNilagay ko muna ang mga gamit ko sa kama at pumasok muna sa banyo at ilang minuto lang ay tapos na ako. Agad naman akong nagbihis tapos ay inayos kona ang mga gamit ko sa walk in closet dito sa kwarto ko. Inilibot ko ang mga paningin dito sa kwarto ko at merong malaking bookshelf, may dalawang sofa, may malaking tv din, at kung ano ano pa ang nakikita ko dito sa kwarto ko. Umupo muna ako sa kama ko at nag basa muna ng libro. Habang nag babasa ako bigla na lang tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito at tumatawag pala si best. Hala! Patay ako nito. Hindi pala ako naka pag paalam sa kanya!
"H-hello b-best" nauutal na sabi ko. Kinakabahan kasi ako eh. Di ko alam ang sasabihin sa kanya
["Hoy best! Bakit hindi ka pumasok ngayon? Alam mo ba may quiz kanina sa lahat ng subject? At tsaka bakit ka nauutal?"] grabi walang preno ang bibig ni best sa kaka tanong ah.
"Best isa-isa lang. Mahinang kalaban eh"
["Ahh hehehe sorry"]
"Okay sorry kung hindi ako naka pag paalam sayo ah. Nandito kasi ako ngayon sa korea eh. Diko pa alam kung kailan ang balik namin ni mommy" Buti na lang talaga ay nakaisip agad ako ng palusot. Ang ganda ng nagawang palusot ko ah. hahahahahha!!
["Ay ganon ba. Sayang sana sinama mo ako best"]
"Ang sabihin mo mamimiss mo ako" biro ko sa kanya
["Oo na nga. Mamimiss na kita. Sige na may assignment pa kasi akong gagawin eh. Hintayin kita ah"]
"Okay bye. Don't worry best I will come back............... SOON" pagkatapos kung sabihin yun ay pinatay ko na ang tawagan namin. Mamimiss ko talaga ang baliw na yon.
Nag basa na lang ulit ako ng libro at maya maya lang ay may kumatok sa kwarto ko
"Gwyn kakain na tayo" sa palagay ko boses yun ni kate
"Susunod ako in few minutes" sabi ko. Narinig ko naman na nag lakad na siya paalis kaya dali dali akong bumangon at nag-ayos muna ng sarili bago bumaba
Pag baba ko naabutan ko ang dalawa na nakaupo na sa upuan nila kaya umupo na din ako. Ang sasarap ng ulam namin ngayon ah. Nag simula na kaming kumain. Habang kumakain kami ay nag babangayan lang ang dalawa kaya napatawa na lang ako ng mahina dito sa upuan ko
"Anong section ka pala gwyn?" nat
"Section B-2" sagot ko at bigla na lang tumili ang dalawa
"OMG! Classmates pala tayo" kate
"Ang ingay mo kate" saway sa kanya ni nat
"Parang hindi ka din maingay ah" depensa naman ni kate
Inirapan lang siya ni Nat. Ang cute nilang tignan. Hahahhah!!!!!
Nag patuloy lang kami sa pag kain hanggang sa matapos kami.
Andito kami ngayon ni Nat sa sala at nanunuod ng tv. Si kate kase ang nag prisenta na mag hugas ng pinggan eh.Nanunuod kami ngayon ng anime. Hindi naman nag tagal ay dumating na si kate galing kusina at nakinuod din siya samin. Habang nanunuod ako ay biglang sumagi sa isip ko yung sinabi sakin ni mommy kanina yung wag daw akong magalit sa kanya kapag may malaman daw ako dito tungkol sa pagkatao ko. Bakit ba sinabi sakin ni mommy yun? May tinatago ba siya sakin? Kung meron man talaga ay kailangan kung malaman yun. Para naman hindi ako mag mukhang kawawa nito. At kung ano man yun kahit hindi ko pa nalalaman ay pinapatawad ko na si mommy. Wala naman akong karapatan na magalit sa kanya kase after all this years siya ang nag-alaga at nag palaki sakin na para bang tunay niya na anak. Sinabi kasi ni mommy sakin dati na ampon lang daw nila ako. Kaya malaki ang utang na loob ko sa kanila ni daddy dahil minahal nila ako na parang tunay na anak nila.
"Guys una na ako sa kwarto ko ah. Inaantok na kasi ako eh" paalam ko sa kanila. Tumango naman sila sakin kaya umakyat na ako sa taas. Agad akong pumasok sa kwarto ko at humiga agad sa kama. First day ko bukas dito sa academya. Kinakabahan ako, hindi ko pa kasi alam ang ugali ng iba rito eh. Sana talaga mababait sila lahat para no problem!
Hinayaan ko na lang ang sarili ko na tangayin ng antok hanggang sa makatulog na ako
💤 💤 💤
•
•
•
•
•
•
•
•
•
•
•
•
•
•
•
•
•
•
•
•
BINABASA MO ANG
ARMENIA KINGDOM: THE LONG LOST LEGENDARY PRINCESS
FantasyMAGIC WORLD Ito ang tawag sa lugar kong saan naninirahan ang mga taong may kapangyarihan. Ito ay binubuo ng sampung kaharian. Ang mga mabubuting nilalang na naninirahan dito ay tinatawag na 'white user' at syempre kung may mabuti dapat meron d...