Chapter 29: Golden Book

5K 140 18
                                    

Gwyn's POV

Dalawang linggo na ang nakalipas mula nong matapos ang second mission namin.

Hanggang ngayon gumugulo parin sa isipan ko ang sinabi ni diwatang zamira sakin. Hayy! Mabuti pa wag ko na lang isipin yun.

By the way nandito pala ako ngayon sa library guys. Wala kasi ang royalties ngayon dahil may inutos sa kanila si HM.

Ano kayang libro ang magandang basahin dito?!

Habang nag hahanap ako ng libro na maaari kong basahin ay naagaw ng pansin ko ang isang libro na nasa pinakadulo na umiilaw kaya dala narin siguro ng curiosity ko ay nilapitan ko ito.

Isa itong libro na kulay ginto tas ang daming alikabok. Hindi ba nila nililinisan ang mga libro dito?

Napag pasyahan kong ito na lang ako babasahin ko. Dun ako umupo sa may pinakadulong upuan.

Ng makaupo na ako ay binuksan ko na ito at pag bukas ko ay bigla na lang akong na silaw sa liwanag na ng galing sa libro.

Sa unang pahina ng libro ay may naka sulat na 'golden book'. Bakit naman kaya golden book? Ahh! Alam ko na. Dahil kulay ginto ang kulay ng librong to! Tama!! Ang galing ko talaga! Hahaha

Ano naman kaya ang laman ng librong ito?!

Tinignan ko ang mga naunang paniha ng librong to pero na bored lang ako dahil wala naman akong naintindihan dun. Kaya I decided na dumiretso sa gitnang pahina. At tungkol sa legendary princess ang nasa gitnang pahina kaya na excite ako. Di ko nga alam kong bakit na e-excite ako eh!

Di ko na binasa yung iba kasi nasabi na naman samin ng prof namin yun. Ililipat ko na sana sa next page ng may nahagip ang mata ko.

"The Legendary Princess has a violet eye that she inherited from her mother, Queen Elliza. And a violet hair that symbolize that she is the most powerful and the next queen in the whole magic world"

Bigla akong natulala sa nabasa ko. Imposible namang ako ang legendary princess diba............Kung ako man dapat sinabi na ni mommy sakin. Pero pano kong ako talaga ang legendary princess?

Siguro nag kataon lang na may kapareha ako ng mata at buhok pero hindi ako ang legendary princess dahil isa lang akong ordinaryong estudyante dito.

"Princess Crystal, the legendary princess is destined to marry the fire prince, Prince Ethan. Prince Ethan couldn't marry anyone except Princess Crystal. The Gods and Goddesses said that when the time comes when the legendary princess is back they should marry as soon as possible so that the dark king can't win in the up coming war between the white user and dark user"

Bigla akong nang hina sa nabasa ko. So ibig sabihin hindi kami pwede ni josh kasi naka tadhana siya sa legendary princess. Hindi ko namalayan na may lumabas na palang mga luha sa mata ko. B-bakit ganon kung kailan ako naka hanap ng lalaking mamahalin ko panghabang buhay tapos hindi pala kami pwede sa isat-isa. Sabagay from the start pa lang hindi naman talaga kami pwede eh. Isa siyang Prinsepe, samantalang ako isang simpleng white user lang. Siguro lubos lubosin ko na lang ang natitirang mga araw na mag kasama pa kami ni hubby ko.

Pinag patuloy ko na lang ang pag babasa ko hanggang sa may nakita akong larawan ng 'magical flower'. Bakit may larawan ng magical flower dito?

"Before the war begin, the Legendary Princess should plant the magical flower at the back of the academy because this flower will serve as the barrier of the academy during the war between the white and dark users"

So may silbi pala ang bulaklak na yun? Akala ko pinakuha lang yun samin dahil.............project nga namin diba?!

Patuloy lang ako sa pag babasa ng librong to hanggang sa may na pansin akong umupo sa harapan ko kaya inangat ko ang ulo ko para makita ito

"R-rienzil Niex r-right?" nauutal na tanong ko sa kaniya

"Yup. I'm glad that you still remember me" naka ngiting sabi niya. Do you still remember him guys? Siya yung transferre dati

"Hahah syempre naman best friend na kaya tayo" sabi ko

"By the way san ka pala galing. Ngayon na lang kasi kita nakita ulit eh" tanong ko sa kaniya. Ngayon ko na lang kasi siya nakita ulit eh

"Ah may ginawa lang ako"

"Ok" sabi ko at tsaka pinagpatuloy ang pag babasa.

************************************

Dark King's POV

"Mahal na hari nandito po ang mahal na prinsepe at prinsesa" sabi ng isang kawal

"Hi dad!" sabi ng aking anak na babae at niyakap ako samantalang ang aking anak na lalaki naman ay tinangunan lang ako. Tsk ganyan talaga ang batang yan. Masyadong cold kahit sakin na ama niya. Kambal ang aking mga anak.

"So kilala niyo na ba ang legendary princess" tanong ko sa kanila

"Not yet dad. Pero may pinang hihinalaan na ako" cold na sabi ni Gian Marvin Dark

"Sino kuya?" tanong naman ng kakambal niya na si Glyzille Marie Dark

"It's a secret for now. Baka ano pang gawin mo sa kaniya" cold na sabi niya

"Whatever"

"Pero kung siya nga ang prinsesa patayin niyo agad para wala nang hadlang sa mga plano natin at sa pamununo sa buong magic world" sabi ko sa kanilang dalawa. Sa oras na malaman ko kong sino ka talaga legendary princess ako mismo ang papatay sayo.

"By the way dad. Alam niyo bang may gusto akong patayin sa loob ng academy dahil pinahiya niya ako sa harap ni ethan ko" sabi ni marie kaya napa tingin ako sa kaniya

"Then who's that person?" tanong ko

"Gwyn Mendez"

"Gwyn Mendez? Ngayon ko lang narinig ang pangalan na yan ah" bakit ngayon ko lang ata narinig ang pangalan na yan? Bago lang ba siya dito?

"Baka naman narinig niyo na yan pero nakalimutan niyo lang" sabi ni marie

"What's the relationship of that girl and prince ethan?" tanong ko

"She's the girlfriend of my ethan dad and I want to kill her soon" so may girlfriend na pala ang fire prince

"Don't you dare" cold na sabi ni gian

"And why?" naka taas na kilay na tanong naman ng kaniyang kakambal

"Tsk" gian at tska nag walkout

"Sundin mo na lang ang sinabi ng kuya princess"

"Tsk. Iwan ko sayo dad" sabi din niya at tsaka nag walk out din. Tsk mga anak ko nga sila

Gwyn Mendez hah? Malalaman ko din kong sino ka talaga!




















Tingin ko alam niyo na kung sino ang kambal na anak ng dark king guys!!!!

ARMENIA KINGDOM: THE LONG LOST LEGENDARY PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon