Prologo

4 0 0
                                    

"ROSALINA!" Sigaw nito at humalakhak.

"Panoorin mo kung paano ko patayin ang walang kwenta mong ina!" Hawak nito ang buhok ng aking ina habang ito'y nakaluhod at hinang hina na dahil sa pambubugbog.Nakatingin ito sa akin, ang kanyang mga mata ay puno ng pagsisisi sa hindi ko malamang kadahilanan.

"NO! HUWAG!HUWAG MONG GAGAWIN IYAN!PARANG AWA MO NA!" Nagpupumiglas ako sa hawak ng mga lalaki sa aking likuran ngunit tumawa lang ang mga ito na para bang isang nakakatawang panoorin ang kanilang nakikita.

"BITAWAN NIYO AKO!MA!"Ang mga luha ko'y patuloy sa pagdaloy na parang ulang hindi matigil sa pagbuhos.

"MAAAAAAAA!!!!!"  Malakas akong napasigaw ng isaksak ng lalaki ang hawak nitong patalim sa dibdib ng aking ina.

"MGA WALANG HIYA KAYO!MA!MA!GUMISING KA!MA!"  Ang aking maliit na katawan ay mas lalo pang nagpumiglas at halos mapaos na sa kasisigaw,ang aking mga luha ay tila bang isang ilog na kailan may hindi maaampat habang tinitingnan ang aking inang deretsong nakatingin sa akin,walang buhay ang mga mata at nakahandusay sa sahig na naliligo ng sarili nitong dugo.Rinig ko ang halakhak ng mga walang awang kalalakihang pumaslang sa aking ina.

Nanginginig ang aking tuhod sa pinaghalong galit at takot.Nang lumapit sa akin ang lalaking sumaksak sa aking ina ay mas lalo akong nanginig sa takot sa kung anong maaari nitong gawin sa akin. Lumuhod ito sa aking harapan at madiing hinawakan ang aking baba para pagpantayin ang aming mga mata.

"Napakaganda mong bata.Manang-mana sa iyong inang mapang-akit.Nararapat lang sakanyang mamatay!" Marahas nitong binitawan ang aking baba at tumatawa itong lumabas sa bahay na para bang walang nangyari.

Ang mga lalaki namang nakahawak sa akin ay inihagis ako na para bang isang lamang akong manika. Napasigaw ako sa sakit na dulot nito at habang pinagmamasdan silang lumabas ay unti-unti rin akong nagpumilit na tumayo para daluhan ang aking ina.

"Ma..." ikinanlong ko ang ulo nito sa aking mga hita.

"Ma..h-hihingi ak-ko ng tulong...ma.."  Dahan-dahan kong inalis ang kaniyang ulo sa aking hita at tumayo at mabilis na tumakbo ako palabas ng bahay,hindi iniinda ang sakit ng aking buong katawan at kasabay ng  malakas na pagbuhos ng ulan ay ang pighating aking nararamdaman,humihingi ng tulong para sa aking inang batid kong wala nang buhay.

"Tulong!"

"Tulong!"

"Tulungan niyo kami!"

Walang kapaguran akong sumisigaw.Nananalanging may makarinig sa aking sigaw na puno ng pagsusumamo.

Napadapa na lamang ako ng mapatid ako ng isang bato na hindi ko napansin dahil sa aking pagtakbo.

Napatingala ako sa madilim na kalangitan.
"BAKIT?!BAKIT KAMI PA?!bakit...bakit ko pa kailangan maranasan 'to..."

Saksi ang buwang bahagyang natatakpan ng madilim na ulap sa pagdurusang naranasan sa gabing ito na hinding-hindi ko makalilimutan.


ArcaneWhere stories live. Discover now