Nakangiti ako sa isang tabi habang pinagmamasdan ang aking mga kaklaseng masayang naguusap-usap.
Mula sa pwesto ko,kitang-kita ko ang kanilang mga ngiti.
Mga hampas sa katabi dahil sa sobrang tuwa.
Mga halakhak na kala mo ay wala ng bukas.
Mga bagay na kaya nilang gawin maliban sa akin.
Nakangiti ako,
Pero hindi kagaya nang sakanila,walang sigla ang aking mga mata,walang saya,walang lahat.
Dahil ako,ako yung babaeng tila ba kinalimutan na yata ng lahat.