Jhensy Mateo
"Friend! Friend!"
Napahinto ako sa paglalakad at agad na lumingon ng marinig ko ang matinis na boses ni Carla, ang best friend ko, na alam kong ako ang tinatawag.
Nasa kabilang side ito ng kalsada. At sa itsura nito, mukhang excited na excited ang bruha.
Humalukipkip ako habang hinihintay itong makatawid. Hapon na at pauwi ako ng bahay galing sa school. Malapit lang naman ang bahay namin sa school kaya naglalakad lang ako. Halos magkalapit lang naman ang bahay namin at bahay nina Carla. Pero minsan hindi kami sabay na umuuwi dahil nga mag kaiba ang course namin. At syempre kung mag kaiba ang course namin, natural na magkaiba din ang schedule namin. Pareho kaming first year college ni Carla at pareho din kami ng pinapasukang university. Magkaiba nga lang ang course namin. Nursing si Carla habang ako naman ay education ang course. Actually pareho naming gusto ni Carla ang Nursing. Pero kung tatanungin ako kung anung ginagawa ko sa education, isa lang ang sagot... Daughter's duty. Si nanay at tatay kasi pangarap daw nilang magkaroon ng anak na guro. Eh since dalawa lang naman kaming magkapatid at yung kuya ko ay pangarap maging isang engineer, so heto ako I'm living my parents dream. Pero okay lang naman. As long as happy si nanay at tatay ay ayos na rin ako. And besides, di naman ganon kasama ang maging isang teacher. Pero mas masaya sana maging nurse. May thrill.
Hay, yaan mo na nga!Nilapitan ko na lang ang humahangos na si Carla na ngayon ay nakatawid na.
"O diba friday ngayon, dapat alas sais uwi mo? Alas kwatro pa lang ah... Aba! isusumbong kita kay Aling Clara!" Banat ko kaagad pagkalapit nito.
"Gaga! Wala yong Prof namin sa last subject kaya maaga akong nakauwi. Pero girl.... I have a surprise for you!" Tumitiling nagtatalon talon pa ito.
"Kung lalaki, kalimutan mo na!" Mabilis kong sabad at itinuloy na ang naudlot kong paglalakad. Kaagad naman itong sumunod.
Kilalang kilala ko na kasi itong si Carla eh. Madalas akong ireto nitong makipagdate kung kani kanino. Lalo na kung yung ipapadate nito sa akin eh mayroong barkadang lalaki at trip nito. Baliw kasi ang babaeng 'to. Pasimpleng lumalandi at lagi pa akong dinadamay. Kahit na nga alam nitong taken na ako by heart.
"Oo lalaki ito! Pero hindi ito basta lalaki lang friend!"
"Anu ba yan, lalaki na may pepe? Hindi bastang lalaki lang eh." Tuloy tuloy pa rin ako sa paglalakad. Pero this time mas binilisan ko na. Susunod pa ako kay nanay sa palengke para magtinda ng isda. Meron kasi kaming maliit na pwesto sa palengke. At mas gugustuhin ko pang itinda yung mga galunggong doon kesa sa irereto na naman sa akin nitong si Carla. Taken na nga kasi ang puso ko.
"Yuck, hindi nga ganon! Bagalan mo muna kasi maglakad" pangungulit pa rin nito.
Huminto naman ako at hinarap ito
"Baby Carla, hapon na. Tutulong pa ako kay nanay sa palengke. At ikaw nga tumulong ka rin kaya kay Aling Clara sa tindahan nyo."
Muli na naman akong nagpatuloy sa paglalakad.
"Hay naku, di ka talaga maniniwala kapag salita ko lang no? Oh Eto, tignan mo dali."
Iniabot nito sa akin ang isang pink na envelope. Binuksan ko na lang ng matigil na.
Agad akong napahinto ng mabasa ko ang laman ng sobre. It's a birthday invitation. Its nothing important sana kung di lang iyon invitation para sa 20th birthday ni Lindsy Lopez!
Yung haliparot na Lindsy Lopez na anak ng baranggay captain namin. Yung Lindsy Lopez na humaharot kay CARLO SANTINO GALLEGO!
Masamang tingin ang ipinukol ko kay Carla. Pangalan pa lang ng Lindsy na yon talagang kumukulo na ang timpla ko."Ito ang surprise mo sa akin Carla Gracia Binudo? Gusto mo ng sapak? Pagkakaalam ko kasi grade 7 pa lang tayo alam mo nang boyfriend ko si Santino at senior highschool tayo ng biglang landiin nitong Lindsy na 'to ang boyfriend ko tapos bibigyan mo ako ng invitation sa birthday ng haliparot na hipon na iyon? Kaibigan ba talaga kita?"
![](https://img.wattpad.com/cover/199510230-288-k555990.jpg)
YOU ARE READING
Herederos I (Carlo Santino)
Roman d'amourCarlo Santino Gallego is a responsible man. The big bro of the family. Can bear anything to protect his family. Jhensy Mateo is the epitome of good daughter that any parents wish to have but impulsive. She don't think the outcome of her actions. ***...