7

9 1 0
                                    

06-29-19

Tuwing umuulan, at malamig ang panahon. Ikaw ang naaalala ko. Ang mga memorya nating dalawa na magkasama ang pumupuno sa isip kong gulong gulo. Maibabalik pa kaya? Ang mga panahong nariyan tayo para sa isa't-isa o isasawalang bahala na, dahil wala na talaga. Kumpleto na ata ang ating istorya at tayo ay naghahanda nalang sa sunod na kabanata. Dahil tayo ay sabay na maglalakbay muli pero magkaibang landas na ang tatahakin. Ako ay magsisimula nang maglalakad papalayo sayo, at aasang makasalubong kang muli. Pero di na ako umaasang tayo parin hanggang sa huli. Umaasa ako na may kasama ka nang iba, pabalik sa dati mong sarili nang mas masaya, dahil meron nang nakakaintindi at magmamahal sayo higit pa sa aking ginawa. Masakit man isipin at tingnan kayong papalayo sa akin na magkahawak ang mga kamay, ayos lang. Dahil ang kaligayahan mo ay kaligayahan ko rin, mahal. Magpapatuloy nalang ako sa pag usad na may ngiti sa mukha habang naghihilom ang puso kong kinakaya pa. Malay ko ba kung masumpungan ko na siya, ang taong aakyat mismo sa mga pader na aking ginawa para sa mga taong nais muli itong tibagin para ako ay saktan. Pero siya ay sadyang matalino at alam kung saan ang daan patungo sa sarili kong sa isang sulok ay naghihintay. Ang tamang taong sa akin talaga inilaan at hindi kung kanino pa man.

My 2am Thought's Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon