"Yung nanay mo nakikipag basag ulo nanaman". Binasag niya ang boteng hawak habang patakbo sa napaka sikip na eskenita ng Tondo. "Xandria! Putangina bayaran mo nga muna to! Hindi ka kasi nakikinig sinabi nang may pera tong anak ko", panduduro ng nanay niyang basagulera sa tinderang pinagkakautangan. "Nay, halika na, umuwi na tayo, napapahiya nanaman kayo". Binayaran ni Xandria ang utang ng nanay niya sa tindahan sa kaka inom at kain nito ng bopis sa tindahan. Pangbayad na niya sana yon ng kuryente bago pa maputulan.
"Nagbayad ka na ba ng tubeg? Kuryente? tsaka yung pang sapatos ni Albert....." rinding rinde na sa pagbubungaga ng nanay Belen niya.
Lumabas siya saglit, naglakad lakad, sumisilip sa mga kapitbahay na pwedeng utangan ng pang gastos dahil naipambayad na sa utang sa tindahan ang perang kinita sa pag si-stripper.
"Xandeng!" pumara sa tricycle ang kasamahan niya sa trabaho na si Anika.
"Dai, may bago akong raket. House to house nga lang pero mas malaki bayad. Mga puti at hapon kasi." Lumaki ang ngiti sa labi niya.
"Kelan ba?"
-"Ngayong gabi, ano game ka?"
Pulang lipstick at makapal na eyeliner. Lagi niyang gamit pag makikipagsex sa mga kano.
"Mas gusto ng mga kano yan, nak. Yung pag pawis ka na natutunaw na yung eyeliner mo, tska kumakalat ang pulang lipstick sa bibig pag hinahalik halikan nila."
Pakiramdam niya binebenta siya ng sarili niyang ina, na siya pa mismo nagturo sa kanya ng mga tips kung paano makaiscore sa costumers. Pero sanay na siya.
"Sir, this is my friend Xandria, you can take..." bago pa matapos magsalita ang kaibigan ay hinablot na ni Xandria ang kano papunta sa sasakyan nito.
"Matindi pangangailangan non ah? O sabik lang madiligan." binatukan ni Anika ang kaibigan nilang bartender sa bar, si Jo.
Kababata ni Xandria si Jo. Madalas nitong pinagtatawanan ang kaibigan para naman mabawas bawasan naman daw ang stress nito sa buhay pinansyal.
"Tangina mo din eh noh. Kailangan nga ng pera dimo naman papautangin diba" sagot sa kanya ni Anika.
Simula palang nang pagkabata nila Jo at Xandria, magkumpare at kumare na ang mga magulang nila. Lumaki silang dalawa sa Tarlac at doon nakapagtapos ng pagaaral. Si Jo nga lang ang nakapagtapos, si Xandria naman hindi na naitawid ng nanay niya nang mamatay ang kanyang ama sa pagbubukid. Doon na nila naisipan na lumipat ng Maynila para sana makapg trabaho ang nanay nito pero nauwi sa pagiging lasengga.
"Jo, baka naman may mapapahiram ka sakin. Punyemas nung kano kanina eh, tinawagan ng pinay na asawa di ako nabayaran." parang nabagsakan ng langit at lupa si Xandria. Tatlong oras ang binyahe niya sa pagko commute sa traffic dahil di na siya naihatid pabalik ng costumer niya.
"Limang daan ok na?"
-"Seryoso ka Jo? Saan makakalipad yang limang daan na yan" nangangamot na ulong sagot niya.
"Oh ako na bahala sa kalahati basta please lang Xandria, ipangbayad mo na to para sa bahay niyo, bigay ka kasi ng bigay sa nanay mo ikaw lang din naman namomroblema ng gastusin." -Anika.
Umuwing may isang libo si Xandria sa bulsa. Hindi pa sapat yon para mabayaran lahat ng kailangan sa bahay. Tubig, kuryente, pagkain, pamasok ni Albert tska pang sarili din niya, na madalas di na nga niya naiisama.
"Oh magkano?" nagulat siya ng gising pa pala ang Nanay Belen niya.
"Bat ganiyan mukha mo, malaking costumer yon ah, dapat nga magdiwang ka't panigurado malaki laki yang nakuha mo."
"Bat gising ka pa nay, dapat-"
"Aba, shempre ina mo parin ako nagaalala ako sayo pag ginabi ka ng uwi." kita naman sa mukha ni Belen ang pagsisinungaling dahil galing lang naman ito sa palaruan ng tongits sa kapit bahay na may burol.
Humiga si Xandria sa papag na inilatag niya sa sahig. Pati sariling kama naibenta niya dahil na lang sa kahirapan ng buhay. Pumikit siya at nagdasal na sana pagkagising niya maayos na lahat, naandito na muli ang ama niya, masigla ang kanyang Nanay Belen at naninirahan muli sa maliit nilang kubo sa Tarlac.
BINABASA MO ANG
Walang Pamagat
ChickLitBawat tao ay may kanya kanyang kwento ng buhay na para sa iba, maganda daw gawing libro dahil nakakamangha, kapanipaniwala, kaaya-aya o kaya naman ma drama. Madalas nilang bigyan ng pamagat ang mga kwentong buhay base sa kung anong pangyayari ang n...