Umuwi si Anika sa kanila nang pagod. Pero aalis din siyang pagod. Siya ang tumayong ina at ama ng dalawa pa niyang kapatid dahil iniwan sila ng ina upang sumama sa boyfriend nitong Koreano.
"Magtatrabaho daw sa Korea para may pang tustos sa anak, wala namang naipadala ni singkong duling. Nauwi tuloy na pokpok ang panganay niya." Dumaan si Anika sa masikip ng eskenita ng kanto nila mga Alas - otso ng umaga para lang marinig ang mga tsismosa na pinaguusapan nanamn ang kanyang ina na naglaho.
Nagulat ang mga tsismosa nang mamataan na nasa likod lang pala nila si Anika. Pero hindi na sila nagalala. Wala nang pakeelam si Anika sa ganong usapan. Pitong taon na nang umalis ang ina niya. Pitong taon na ring usap usapan iyon.
"Ate saan ka galing?" tanong ng sumunod niyang kapatid si Arah.
"Nag-overtime lang. Bakit di ka pumasok?"
-"Ate, Sabado ngayon"
—"Ikaw lang naman ang nagtatrabaho ng Sabado't linggo teh eh" tawa naman ng bunso niyang kapatid na si Alfred. 19 years old at mahilig maglaro ng gadgets.
"Kumain na ba kayo?" ipinagtimpla ni Anika ng kape ang sarili niya. Tumango lang ang mga kapatid niya na naka tutok na naman sa kani kanilang cellphone.
Umakyat nalang siya sa kwarto. Kinuha ang tuwalya para maligo at maghanda para sa susunod niyang trabaho. Hinilot hilot niya ang puson niya. Masyadong wild ang pakikipagtalik niya kay Jo kagabi. Pero sanay na siya. Pareho naman silang sabik sa sex.
"Si Xandria yung mahal niya." paulit ulit niyang paalala sa sarili sa tuwing magtatalik sila. Siya lang rin naman ang nagiisang nakakaalam ng ginagawa nila ni Jo.
Isang napaka malaking sikreto.
Nagpaalam si Xandria sa mga kapatid nito. Papasok na siya ulit sa bar. Siya ang pinaka matagal na nagtatrabaho doon. Pitong taon. Mas gusto na nga niya na doon nalang tumira dahil naiistress lang din siya sa bahay dahil di niya makausap ang kanyang mga kapatid.
"Hoy bakla, may costumer ka agad. Binabalik balikan ka niyan dito!" Pagkapasok palang niya sa trabaho binungad na siya ni Dawn.
"Si Xandria?" tanong niya.
"Wala pa eh. Baka masama pakiramdam. Ikaw teh masama din pakiramdam mo? Tamlay teh? Di uso yan dito"
"Gago hindi, kakagising ko lang at maiingay mga kapatid ko. Nakakarindi sa tenga."
Ngumuso lang si Dawn at nagpatuloy sa pagse-serve ng drinks na may kasamang pahawak sa kanilang pwet at dede.
Nilapitan ni Anika ang regular costumer niyang si Mr. Hiroshi na binabalik balikan siya. Malaki ito mag tip kaya kahit matanda at amoy bulok na damo na ito, tinitiis niya.
"You like that, Sir?" malanding bigkas niya sa costumer habang niyuyugyog niya ang kanyang dede sa mukha nito.
Mapa umaga, mapa gabi. Walang pinipiling oras at araw ang pagtatrabaho niya para sa pamilya.
"Sige papunta na ako." Nadinig niyang may kausap sa cellphone si Jo habang tumatakbo ito palabas ng bar. Nasagi pa niya ang isang kasamahan kaya natapon ang drinks na bitbit nito.
"Anong nangyari?" tanong niya sa isang bartender na si Mark, kaibigan din nila.
"Kausap si Xandria. Nasa hospital yata sila."
Nagalala si Anika para sa kaibigan.
"Jo, sasama ako."
Sabay silang pumunta ni Jo sa hospital. Napagkaalamang si Aling Belen pala ang isinugod nila.
Nang makarating sila sa hospital ay niyakap ni Anika si Xandria. Highblood daw pala ang dahilan.
"Napaaway sa kanto kaninang umaga, nahimatay doon" napakapit nalang sa ulo sa Xandria.
"Gastos nanaman to ate. May mga gamot na nireseta para kay Nanay." iniaabot ni Albert sa ate niya ang pirasong papel galing sa counter.
Siniko ni Anika si Jo para gumawa ng paraan pang tulong.
"Albert, kami nalang ni Anika ang sasagot diyan." sabat ni Jo.
"Hindi wag na, ako na ang bahala dito. Salamat ko na nga lang na nandito kayong dalawa para suportahan ako. Ako na dito." pag tanggi ni Xandria sa offer nila.
"Kami na bahala, dai. May extra naman kami. Sige na." pagku comfort naman ni Anika sa kaibigan.
Niyakap ni Jo si Xandria. Masyado nang naistress ito. Sunod sunod ang malas sa buhay niya.
Nakatingin nanaman si Anika sa hangin dahil ayaw na niyang lumingon pa sa dalawa. Dapat siyang maawa sa kaibigan pero naiinis siya. Naiinis siya sa sarili niya na bakit ba siya nandon. Bakit ba siya sumama. Hindi naman siya kailangan.
Muli niyang paalala sa sarili.
"Si Xandria yung mahal niya."
BINABASA MO ANG
Walang Pamagat
ChickLitBawat tao ay may kanya kanyang kwento ng buhay na para sa iba, maganda daw gawing libro dahil nakakamangha, kapanipaniwala, kaaya-aya o kaya naman ma drama. Madalas nilang bigyan ng pamagat ang mga kwentong buhay base sa kung anong pangyayari ang n...