Chapter 2 ;; He's The One

10 6 0
                                    

Katherine
Pagkarating na pagkarating ko sa classroom ay nagtuturo na ang professor namin. "Excuse miss?" Sabi ng prof namin nang nakataas ang kilay saakin, Lahat ng mga estudyante ay nakatingin saakin, Nakakahiya putek! "Katherine klein po mis—" hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko nang bigla siyang sumabat, Aba! "I dont care who you are, go to the university's offi— " pinutol ng isang pamilyar na boses ng lalaki ang sinasabi ng professor namin "Sorry, Im late. Pupunta rin ba ako sa university's office? Well then isasama ko nalang sya, hindi mo na kailangan pang ipahiya sya sa harap ng mga tinuturuan mo" hindi pa nakakasagot ang professor namin nang bigla akong hinwakan ng pamilyar na lalaki at hinila paalis.

"M-Marco?"

"Bakit? Akala mo ba ibang tao ang humila sayo nun?" Sabi nya at biglang tumawa. "Pero bakit?" Tanong ko sakanya
"Bakit mo ko ipinagtanggol dun? Eh tama naman yung prof natin, Late ako kaya dapat lang na mapahiya ako sa harap ng mga kaklase ko." Sabi ko sakanya habang nakatingin sa baba.

"Hindi dapat ipinapahiya ang mga babaeng katulad mo, kath" sabi nya at tumingin saakin. Yung tingin nya na para bang nakikita nya ang kaluluwa ko, nakakahulog ng loob. "Oh? May dumi ba sa mukha ko?" Sabi nya habang natatawa. "Huh? Bakit?" Tanong ko sakanya. "Eh kanina ka pa nakatingin saakin eh, yung totoo? Nafa-fall ka saakin, ano?" Bigla syang naging seryoso at tumigil sa paglalakad. Nilapit nya ang kanyang mukha saaking mukha at biglang tinitigan ako, halos isang minuto ang mukha nya na nakalapit sa mukha ko. Bigla syang napangiti at napatawa  "HAHAHAHA! Namumula ka, kath!" Shit naman! Bakit kasi ang bilis kong mamula?
"Huh? Hindi ah! Naka-cheektint kase ako! Naka-cheektint ba ako? Ay oo! Cheektint lang iyan ano ka ba! Wag ka nga ano jan! Ano lang yan! Parang ewan to-" shuxx bakit naman nautal-utal ako sa harap nya "halata naman na kinikilig ka! HAHAHA! Ayan palang ang ginagawa ko paano pa kaya kung halikan kita dyaan?" Natatawa nyang sabi. Sa sobrang inis ko ay tumakbo nalang ako pabalik ng room namin. Hays! Nakakainis! Bakit kasi napaka-marupok ko?! Sa isang action nya lang, i felt really hot and i look so red! Para na akong kamatis!

Loving the guy from the other worldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon