Magiging maayos

7 0 0
                                    

Alam kong nasasaktan ka

kasi minahal mo siya.

Hindi lang basta mahal,

totoong pagmamahal.

Ayaw kong magtanong kung okay ka lang ba?

dahil alam ko mismo na ang iyong dinadala ay mabigat pa.

Kahit sabihin kong naiintindihan kita,

hindi pa rin nito mawawala ang sakit na iyong nadarama.

'Yung yakap at oras sa pakikinig ang kaya ko lamang maibigay sa'yo.

kasi sa totoo lang, hindi naman ako magaling magbigay ng payo.

kung gusto mong umiyak, sige.

hahayaan kitang umiyak.

Sana lang huwag mong pigilan 'yan.

Kasi mas lalong lalala kapag nagpipigil ka ng nararamdman.

magiging maayos rin ang lahat, Oo.

kahit hindi ka naniniwala sa ngayon.

Ito lang kasi ang sigurado ako,

magiging maayos ka rin, hindi man ngayon

pero sa tamang panahon.

TintulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon