Prologue
Destiny or Free Will
Lahat ba ng pangyayari sa ating buhay ay nakatadhana na?
Na kahit anong iwas natin ay ganun pa rin ang mangyayari? Na kahit gusto nating baguhin ay doon pa rin ang kahihinatnan?
Kung ganoon dapat ba tayong tumunganga at maghintay na lamang ng ating kapalaran?
Meron nga ba talagang bagay na tinatawag na kapalaran o tadhana?
Hindi ba dapat mayroon tayong kalayaan? Kalayaan na pumili ng mga bagay na sa tingin natin ay makatutulong sa ating buhay.
Bilang teenager. Kaya na kaya natin tukuyin ang mga bagay na makapagpapaganda ng ating buhay? Kaya na kaya nating harapin ang mga magiging resulta ng gagawin nating pagpili sa mga bagay-bagay?
“You are free to choose, but you are not free from the consequences of your choice.”
We are the masters of our destiny. Tayo ang pipili kung ano ang gusto nating mangyari sa ating buhay. Pero syempre with the help and guidance of our Almighty God.
~MAO~