EPISODE 1
"YAAAAAAAAAAAAAAH! YOU WEIRDO! UMALIS KA NGA SA HARAP KO! YOU ARE RUINING MY DAY! GET OUT! RIGHT NOW!" ang aga-aga sinisira ng walang hiyang ito ang araw ko. Si Bonnie kasi pinagdiskitahan na naman ang baon niya.
"Ah… Eh… O..P..O... A..a..lis.. na..." nauutal na sabi ng weirdo sabay karipas ng takbo. Muntik pa nga siyang madapa sa kamamadaling umalis sa aming harapan.
“Damihan mo pa ang dala mong baon bukas ha!” paalala ni Bonnie sa weirdo na yun. Hindi na talaga nakontento sa sandwich at juice itong kaibigan ko, nagpadagdag pa.
“Magdala ka raw ng cake, pizza at ice cream.” dagdag pa ni Jessie.
“Sa susunod, baguhin mo naman yang hairstyle mo. Ang pangit! Mukha kang bao! HAHAHA!” sabay na sigaw ng kambal na sina Minho and Minji.
Pasaway talaga tong mga kaibigan ko. Haha! Pero nakakainis talaga yung weirdo na yun. Ang ganda na ng simula ng araw ko ng nakausap ko si dad.
Flashback
"Dad!" I got a call from my beloved dad who's currently working overseas.[Hi my awesome princess! How are you? I have a good news for you!]
"Yeahhhhh! What is it dad? Are you going home? When?"
[Oh! I can't my princess, my company here doesn't allow me to go on a vacation right now. We are too busy because there are lots of customers we need to serve.]
My beloved dad is an engineer in New York. He actually decided back then to let our whole family to migrate in New York but my mom won't allow it because she don't want to leave her parents and her beloved country, Philippines.
"That's okay dad. I understand you, but what is the good news?"
[I have new package for all of you there. New stuffs for you, your brother and especially your mom.]
"TAAAAAAAAAANNNNNNNYYYYYYYY! Let's go!!!" nandito na ang mga kaibigan ko, sinusundo na ako. Sabay-sabay kasi kaming pumapasok sa school. Nakatira kasi kami sa iisang village lang na malapit sa aming school, kaya walking distance lang.
"Oh I see. But still thank you so much dad! By the way, my friends are already here. I need to go to school now. Bye. Take care dad. I love you!"
[I love you too my princess. Keep safe.]
~end of flashback~
“Bayang magiliw. Perlas ng Sinilangan…”
“Oh my! Start na ang flag ceremony. We are late!” agad-agad kaming tumakbo papuntang school. Sinabi ko na kasi sa kanilang hayaan na muna ngayon yung weirdo na yun. Ayan tuloy, late na naman kami.