EPISODE 4
Jessie’s POV
“What is it little sis?” I feel so worried and at the same time weird. What is she going to confess?
“Ate, I think I like…” bago niya pa naituloy yung kanyang sasabihin.
KNOCK.. KNOCK.. KNOCK..
“Oh? My two lovely daughters are here. Did I disturb the two of you? Mukha kasi kayong seryoso, ano bang pinag-uusapan niyo?”
Hindi na naituloy ni Kate yung sasabihin niya sa akin dahil biglang dumating si mom. Nandito na kasi kami sa room para magpalit ng aming suot.
“Nothing mom. What is it? Do you need us?” Kate said.
“Your dad and I are just too excited to see you opening your gifts. So let’s go?” yaya ni mom, kaya naman ay dali-dali kaming pumunta sa living room para buksan na ni Kate ang mga regalo niya.
Masaya siya habang binubuksan ang kanyang mga regalo. Dad and mom gave her the latest model of iPhone while I gave her a new pair of sunglasses. Tuwang-tuwa siya habang binubuksan pa ang iba niyang mga regalo. Pero nung regalo na ni Minho ang kanyang bubuksan ay doble ang tuwa niya. MASAYANG-MASAYA SIYA! SOBRA!
Ang ngiti ng kanyang mga labi ay abot hanggang tainga.
Pagkabukas niya…
“BOOK???” napalakas kong sabi. I know that Kate is not fond of reading. Pero bakit masayang-masaya pa rin siya?!
Kate didn’t mind me, she’s still so happy holding that book. I wonder what’s with that book.
Tanny’s POV
It’s been two weeks since Kate’s birthday.
Nandito kami ngayon sa classroom at naghihintay ng susunod naming teacher. Social studies ang next subject, the most boring subject for me. Hindi naman talaga boring yung subject itself kung hindi yung teacher, paano ba naman grabe ka bookish yung teacher na yun. Kaya nga ma’am bookish ang tawag namin sa kanya. Binabasa niya lang kasi yung aklat di man lang i-explain. Anong maintindihan naming dun diba?
*Light bulb*
“Hey guys! I have an idea! Do you know what I’m thinking?” I asked while grinning. “Lol! Ano to? B1 and B2 lang ang peg Tanya???” pang-aasar ni Bonnie.