Chapter 4

516 12 16
                                    

Nasa ospital parin ako at nag babantay kay papa halos di rin ako makatulog dahil labas pasok ang mga nurse para icheck si papa.

"Cassie? Asan ako?" Papa

"Pa! Gising kana pala? Ah eh! Nasa ospital po kayo kase bugbog sarado ka po ng maabutan kita sa kanto."

"Umuwe na tayo wala tayong pambayad dito!"*akmang tatayo ng may sumakit sa kanyang katawan* papa

"Ok na po papa! Nabayaran napo ni ninang yung kalahati tapos po..."

"Anak umuwe na tayo ayoko dito wala tayong pera anak! Si chloe nanaman ang nagsalba satin? Ayss! Marami na tayong utang sa ninang mo wag mo na syang abalahin pa!" Papa

"Papa! Yung pera na yun pinagtrabahuhan ko! Pinaghirapan ko!"

"Ano? Bakit nagtatrabaho ka? Anak nagkulang bako sayo?"

"No! Hindi po pa! Gusto ko lang pong tumulong. "

Natahimik si papa kilala ko si papa pag ganyang tahimik minsan naiinis pero kalimitan ayaw na nya pahabain pa ang usapin!

'Tok.tok.tok.tok.'

"Mr.Ramos may masakit pa po ba sa inyo? " si doc

"Dito po sa bandang tyan doc"

"Ayun sa test nabugbog masyado ang katawan nyo kaya ganyan nalamg ang epekto sa inyo medyo natamaan ang ilang organs nyo pero ok naman, magpahinga lang po kayo after 2weeks pwede na po kayo magtrabaho ulit" doc

Napamaang si papa alam kong labag ss kanya ang magpahinga at lumiban sa trabaho kaso di sya makakapagtrabaho kung ganyan syang di makaupo ng maayos.

"Doc pwede na po ba ko umuwe,palaki na ng palaki ang bill namin baka di na kami makapagbayad" si papa

" pede naman po mr.ramos pero mamaya pa pong 5pm kasi may dalawa pa pong gamot kayong iinumin and about sa bill ok na po bayad na lahat pati po mga gamot na kailangan nabili na po dont worry sir"

'Doc randall please proceed to room 456'

"Excuse me ms. Ramos and mr.ramos i have to go"
Staka umalis si dok!

"Cassie sabihin mo sa ninang mo ba babayaran natin sya sa lalong madaling panahon ayoko ng madagdagan utang na loob natin sa kanya"

"Sige po pa makakarating, ah papa pano po kayo 2weeks di ka makakapagtrabaho?"

"Wag moko intindihin bukas makalawa ok na ko malakas pako sa kalabaw cassie tandaan mo yan"

Di na ko sumagot kay papa tumango nalang ako bilang sagot.

-
5:04 pm
"Ok na lahat pa nakuha ko na! Pati mga gamot eto na po pwede na po tayong umalis"

Pauwe na kami at inaalalayan ko si papa lumakad hirap na hirap syang kumilos at di makatayo magisa kaya nagpakuha ako ng wheelchair sa nurse, nang makababa kami nakiusap ako sa guard na pakihatid kami sa sakayan lang ng jeep pag labas ng hospital. Habang nag aabang nahagip ng mata ko ang babaeng naka belo nang itim at nakatingin samin naharangan sya ng tumigil na jeep at paglagpas wala na sya.

"Pa? Anong nangyare sayo bakit binugbog ka atsaka may atraso kaba?"
Malay ko ba bigla nalang lumabas sa bibig ko yan habang hinahanap yung misteryosong babae.

"W..wa..la wala! Napagdiskitahan lang , alam mo na anak ang mga kabataan iba na ang utak" sabi ni papa pero di paren ako kumbinsido.

"Ah ganun po ba?" Sabi ko!
"Sa susunod papa wag na kayo magiinom sa labas kung gusto nyo po uminom sa bahay nalang" sabay para ng jeep para makasakay kami

Dati (KyCine) -2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon