CHAPTER 7

9 6 0
                                    

Clinton's POV

"Did I heard my name?"

Sabay sabay kaming napalingon doon sa nagsalita.

'Pucha! Ano ng gagawin namin!?'

Gulat na bulalas ko sa isip ko ng hindi ako nagkamali kung sino nga ba yung nagsalita.

Alam kong nagulat din sina Chester, Alax at Dale, pero ang ipinagtataka ko ay ang pagiging kalmado ni Luna.

"H-hindi kaya alam niya na?'

Napailing ako sa isipin kong yon at tumingin na lang ulit kay Martin.

Seryoso at kunot noong nakatingin si Martin sa amin ngayon!

Unti unti niyang inalis ang paningin niya sa amin at bahagya pa siyang nagulat ng makita si Luna!

"Ikaw na naman?" Biglang tanong ni Martin dahilan para magtaka kami.

"M-martin." Mahinang usal naman ni Chester dahilan para sa kaniya mabaling ang atensyon ni Martin.

"Bakit nandito 'tong babae na 'to? Tsk. Kilala niyo ba yan?" Sunod sunod na tanong niya sa'min at kita kong umiling si Dale.

"A-ahhh...h-hindi namin siya k-kilala. Siya ang may ari nitong b-bar...a-actually pinupuntahan niya talaga ang bawat t-table para kumustahin kung n-nageenjoy ba ang mga c-costumers." Palusot ni Dale at tumango tango naman si Alex at Chester kaya napatango na lang din ako.

Bigla namang tumayo si Luna at akmang lalakad na ng hawakan ni Martin ang wrist niya at bahagya siyang hilahin.

"Sa oras na malaman kong sinusundan mo ko...malalagot ka sa'kin. Tandaan mo 'yan." Pabantang bulong nito kay Luna pero dinig naming lahat.

Tumayo naman si Chester at inagaw ang braso ni Luna, at kita ko kung gaano katalim ang tingin ni Martin kay Luna.

"Nangako ako sayo kanina sa mall, diba?" Tanong ni Luna sa kaniya dahilan para magulat ulit kaming lahat. "Sinabi ko sa'yong kapag sinabi mo ang pangalan ng girlfriend mo ay lalayo na ko. Hindi ko naman na siguro kasalanan kung bakit nandito ang mga kaibigan mo---dito mismo sa bar na pagmamayari ko." Pagdidiin niya pa at mas lalo namang nainis si Martin dahil sa sinabi niyang yon.

'Damn! Kaya pala kanina tinatanong niya kung bakit 'di namin kasama si Martin!'

Naiinis ako sarili ko! Kasalanan ko to---namin! Kasalanan namin!

"Parang bigla naman yatang nagiba ang ihip ng hangin, miss?" Sarkastikong tanong ni Martin habang nakangisi. "Kanina ay umiiyak ka sa harap ko, pero..." Pagbibitin niya at tumikhim muna. "Pero ngayon ang tapang tapang mo na."

"Meron akong isang salita, Sir. Ni minsan ay hindi ko pa nagagawang mangako ng hindi tinutupad ang mga iyon." Sarkastikong sabi namam ni Luna at mas lalo namang nanlisik ang mga mata ni Martin.

"Tsk. Eh bakit narinig ko ang pangalan ko?" Tanong na naman niya na ibinaling na ang atensyon kay Chester ng walang makuhang sagot kay Luna. "Kilala niyo ba ang babaeng 'to? Yung totoo? Mukhang may hindi kasi kayo sinasabi sa'kin eh." Tanong na naman niya na binigyan pa kami ng nagtatanong na tingin.

"Yes, kilala nila ako..." deretsang sagot ni Luna at nabitawan naman ni Chester ang braso niya. "At kilala mo rin ako."

"L-luna." Bulalas ni Chester at napahilamos naman ako sa mukha ko!

'Wala ka bang magagawa, Clinton!? Tsk!'

Mas lalo akong nainis sa isiping 'yon at muling ibinaling ang atensyon ko sa tatlo.

"Ang lakas pa rin naman ng loob mo noh!?" Sigaw ni Martin kay Luna at akmang susugurin ito ngunit napigilan agad siya ni Chester na pumagitna sa kanilang dalawa.

"Tama na pre." Mahinahong utos ni Chester kay Martin pero hindi siya nilingon nito.

Sandali pang nagkatitigan sina Martin at Luna, na may masamang tingin sa isa't isa.

"I have to go." Biglang paalam ni Luna at saka umalis.

Nakahinga kami ng maluwag ng mawala na siya at huminahon na si Martin.

"I'm sorry. Nainis lang talaga ako kasi nakita ko siya kanina sa mall at umiyak pa sa harap ko. Sinasabi rin kasi niyang patay na ko, kaya naisip kong pinagtitripan niya lang ako at nainis ako ron." Paliwanag niya pa pero ni isa sa'min ay walang nagsalita.

Minuto ang lumipas at wala pa ring nagsasalita.

Inihiga ko na lang ang batok ko sa upuan at nag-isip ng nag-isip.

Andaming bumabagabag sa isip ko pero di ko alam kung pano ko haharapin.

Kasalanan namin lahat to!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 08, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Together, Be With You Never (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon