Martin's POV
'Ang ganda nga niya, modus naman...tsk tsk tsk.'
Napapailing pang sabi ko sa isip ko at muling sumulyap sa likod ko kung may sumusunod ba sa'kin, pero wala naman.
Nagkibit balikat akong sumakay ng kotse ko ngunit bago ko pa man ipaandar yun, ay tumawag muna ako sa girlfriend ko.
Idinial ko ang no. Niya at nagring naman 'yun. Maya maya pa ay sinagot na niya ito kaya naman bakas ang tuwa na bumalatay sa mukha ko.
"Hello, hon!" Masayang bati nito sa kabilang linya kaya naman mas lalo akong napangiti dahil na-miss ko agad siya.
"I miss you, hon." Biglang usal ko at rinig ko sa kabilang linya ang pagpipigil ng tawa niya.
"I miss you too, hon." Tugon niya pagkatapos makarecover sa kilig. "Ikaw ah! Ilang oras pa lang akong nawawala diyan sa tabi mo, miss mo na agad ako." Kinikilig na aniya niya kaya naman hindi ko mapigilan ang tumawa. "Shkkkk...anong itinatawa tawa mo diyan? Ha!?" Kunwaring inis pang tanong niya at hindi ko naman mapigilan sa sarili ko ang tuwa.
"Wala, natutuawa lang ako hon...hahaha." Pagdadahilan ko at sabay naman kaming natawa. "Anong bang ginawa mo sa'kin at mahal na mahal kita?" Nakangiting usal ko at rinig ko na naman ang kinikilig niyang boses.
'Ang cute talaga ng boses niya...hahaha'
Sabi ko sa isip ko at iniimagine ko pa ang malaanghel niyang mukha.
"Hayyy nakooo! Martin Ruemzell Santiago! Ano rin bang ginawa mo sa'kin at mahal na mahal din kita? Ha!?" Pigil ang kilig na usal niya at hindi rin naman akong nagpahalatang kinilig sa sinabi niya.
"Ewan ko...hahaha." Nakatawang usal ko at rinig ko naman ang pagsinghal niya. "Hindi rin naman natin hawak ang puso ng isa't isa, diba? Edi qwits lang tayo! Parehas nating 'di alam...hehehe." Masayang usal ko at tumawa naman siya sa kabilang linya.
"O siya! Sige na hon! Tawagan na lang kita kapag nakarating na ko ng Korea. Alagaan mo sarili mo ah! 'Wag kang magpapagutom! 'Wag mo na rin akong aalalahanin kasi ako okay na okay...hehehe." Habilin niya pa. "Bye na hon! Love you! Ingat! Mwuah!" Pagpapaalam niya pa kaya naman nakaramdam ako ng konting lungkot.
"Sige hon! Love you too! Ingat din! Take Care! Balitaan mo ko agad 'pag nakarating ka sa Korea ah! Mwuah!" Masaya ngunit medyo malungkot na usal ko at ako na ang unang nagbaba ng telepono.
Napapabuntong hininga pa kong iniistart ang kotse ko.
Tinanaw ko pa ang side mirror ko para icheck kung meron mang nakamasid sa'kin or baka nasundan ako kanina nung girl, pero wala naman.
Pinaandar ko na yun at dumiretso sa bahay.
Pagdating ko sa bahay ay nakita kong bukas ang gate. Taka akong luminga sa paligid at siguraduhing walang ibang tao o nagmamasid sa bahay namin.
Maglalakad na sana ako papasok ng bahay pero may narinig akong boses 'di kalayuan sa gate.
Pinakinggan ko kung saan nagmumula ang boses, pero sadyang malabo kung magsalita ito. Parang may kausap at hindi nila pwedeng iparinig ang pinaguusapan nila.
Papasok na sana ako ng biglang luminaw ang mga boses nito at medyo lumakas.
"Nakarating na ng Pilipinas si Luna." Napapabuntong hiningang sabi ng isa na sa tigin ko ay lalaki, dahil sa buo nitong boses.
"Ha!? San siya nakatira kung ganun?" Gulat na sabi naman ng isa na sa tingin ko ay babae, dahil sa matinis at maliit nitong boses. Pero halata rin ang pagpapaliit nito ng boses.
![](https://img.wattpad.com/cover/197549180-288-k752890.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Together, Be With You Never (On-going)
Non-FictionWhat if one day...there's a traveler who went to a place where she could not enter, but another chance is given to her where she failed again to reach her destination. Is she going to give up? Or...she will continue to enter the place where she cann...