SHANNAH
"Woyy yung flag! Wag niyong hayaang matake"
"Sandali lang nga! Lag ako eh."
"Ano ba yan! Namatay ako! Natake tuloy. Argh!"
Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ang iingay ng mga pinsan ko ngayon. Tuwing pumupunta naman kami sa bahay ng lola namin ay kadalasan nagjajamming lang kami o kaya nanonood ng movie. Kaya nagtataka ako kung bakit nakatutok sila ngayon sa mga cellphone nila na parang wala ng bukas.
"Shan, ano ba pinaggagawa mo diyan? Parehas kayo ng kuya mo. Ang tahimik ninyo ngayon masyado. Sumali ka na lang kaya sa amin maglaro oh." Yaya ni Kira.
"Ha? Ano ba yang pinagkakaalabahan ninyo?"
"Laro," matamlay na sagot ni Irv
"Ano ngang laro? ML ba yan?" Medyo iritadong sabi ko
"Hindi 'to Mobile Legends, ate haha. Search mo World of Era" excited na sabi ni Realm.
"Ah sige, wait."
Habang sinesearch ko yung laro na pinagkakaabalahan nila, bumalik na naman sila sa pag-iingay. Hays, ano bang nagustuhan nila sa larong yan at sobra silang nahumaling?
Pinindot ko na yung install button at nagsimula na itong magdownload.
"Patingin nga kung p'ano 'yan nilalaro," curious na tanong ko.
"Ganito yan 'te, pwede kang makipag-usap sa mga tao diyan, magpaganda ng character mo gamit uploads, magpakasal, gumawa ng gangs, magwork para makapag-ipon ng guns at weapons, tas magpk." Paliwanag ni Irv sa akin.
"Ano yung pk?"
"Player Kill." Sambit ni Irv
"Ahh." Pagkalipas lamang ng ilang segundo ay natapos na ang pagdownload. "Ayan na pala. Nadownload ko na."
Natatawa na lang ako sa mga pinsan ko nang sabay-sabay silang nagsiksikan sa tabi ko noong nagsisimula na ako maglaro.
"Ano ba yan Ate Shan, ang noob mo naman." pang-aasar sa akin ni Realm
"Eh alam mo naman na kasisimula ko lang di ba?" sabi ko
"Hay nako Re, imbes na tulungan mo si Shannah kung paano maglaro inaasar mo pa. 'Pag biglang nabored yan sige ka wala ka ng kasamang kalaro." pagtatanggol sa akin ni Kira
"Sabi ko nga tutulungan ko na siya." pagsuko niya
Tinuruan pa nila ako ng mga techniques para mas mapadali at mas maenjoy ko ang paglalaro.
"Ganito ate, pumunta ka diyan sa tabi ng mall na yan para mas mapadali ang pag-iipon mo..."
Sa dinami-dami ng sinabi nila sa akin ay hindi ko na maabsorb lahat. Ako na lang ang bahala mag-explore kung may hindi man ako maalala sa mga payo nila.
"Kids, maghanda na kayo. Malapit na tayo umuwi." pagtawag sa amin ni papa.
Hindi na namin namalayan ang oras. Maggagabi na pala kaya't pagkalipas ng ilang minuto ay tinawag na kami ng mga magulang namin para umuwi.
"Bye po lolo at lola! Next week na lang po uli!" maligayang sambit namin
Habang pauwi, bigla akong nakaramdam ng lungkot. Siguro dahil magkakahiwa-hiwalay na uli kami magpipinsan at kailangan pa naming maghintay ng isa pang linggo para magkita-kita muli.
"Bye Kira at Irv! Good night na rin sa inyo!" pamamaalam ko
"Bye Kuya Seth and Shan! Next week uli." tugon nila.
BINABASA MO ANG
Game of Fate
Teen Fiction"Gusto kita kahit hindi pa tayo nagkikita." Nagsimula ang lahat sa isang laro. Nagkakila-kilala sa isang online game. Hindi mo lubos akalain na sa nilawak-lawak ng mundo, dito pa talaga nagkatagpo. Sa isang game na nilalaro lang ng mga bata. Walang...