Chapter 3

5 1 0
                                    

KARI

Bigla akong nakaramdam ng kalungkutan nang maalala ko ang mga dati kong kaibigan sa World of Era. Naisipan ko kasi i-download to uli kasi namimiss ko na rin naman maglaro neto.

Buti naalala ko pa account ko rito. Sinubukan kong irecover, and fortunately, nasave pa lahat ng gamit ko rito.

Nilibot ko ang buong lugar at masasabi kong napakalaki na ng pagbabago ng larong to. Chineck ko na rin ang friendlist ko at nakita ko na hindi na naglalaro ang mga dati kong kaibigan.

Hayy T T.

Napadpad ako sa SP at naisipan ko na lang magwork. May nakita akong babae na mukhang mabait. I tried to pm her kasi sa tingin ko'y matino naman siya. Her name's Aly.

Kari: Ermm, hello

I feel so lonely and alone. Ako na ang magrireach-out at ang unang makikipag-usap kasi kailangan ko rin ng kaibigan dito.

Aly: Hi

Pinindot ko ang profile niya. Nalaman kong taga-Pinas siya kahit na ang flag na nakalagay sa profile niya ay Japan dahil sa Phil Basers na gang niya. Nag-isip ako ng pwedeng maging topic namin.

Kari: Nagbebase ba kayo sa gang niyo?

Aly: Yes. Minsan pag naisipan nila. Bakit? Gusto mo sumali?

Hmm magandang opportunity na rin siguro to para magkaroon ng friends. Tanggapin ko kaya?

Kari: Sige. Kung okay lang sa inyo?

Pagkarecruit sa akin ni Aly ay mayroon na agad nagmessage sa gang.

Shan (gang message): Welcome sa gang namin! Ako nga pala si Shan :)

Wow. Pano niya kaya nalaman na bago ako sa gang?

Kari (gang message): Oh hi! I'm Kari. Nice to meet you.

Shan (gang message): Gaano ka na katagal naglalaro?

Kari (gang message): Tbh, kababalik ko lang ngayon kaya medyo nangangapa uli ako sa game.

'Di ko maiwasang maalala ang mga kaibigan ko ngayon. It feels nostalgic.
Ang hirap lang kasi na nagquit ka nang napakatagal tas pagbalik mo di mo na sila mahanap.

Naisip ko lang. Bakit kaya Japan yung flag ni Aly kahit naman pinay siya? Hmm baka...

Kari (gang message): Aly, mahilig ka sa anime, di ba?

Aly (gang message): Ah oo, isa yun sa pinaglilibangan ko tuwing di ako naglalaro neto.

Sabi na nga ba eh. Mukhang may makakasundo ako rito.

Kari (gang message): May isusuggest ako sana sayo eh...

~


Lumipas ang mga araw na sila ang nakakausap ko. Nasanay na rin ako sa presensya nina Aly at Shannah.

Habang nasa SP ako, biglang may nagyaya sa akin na makipagspar. Wala sina Aly at Shan dahil may mga pasok sila.

Gamb: Spar?

Naisip ko na baka rusty na ako kasi antagal ko ng di naglalaro neto at kababalik ko lang. Pero hindi naman masama kung itatry ko siguro.

Kari: Sige.

Nang pumunta na kami sa underground spar. Nakaramdam ako ng kaba at takot. Ang tingin pa naman sa akin ng mga kaibigan ko ay marunong ako magspar dahil sa dami na rin ng oras ko na naglalaro dati.

Game of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon