C1:Ang Teacher (Wannabe) Bow!

26 3 0
                                    

(A/N: Bale medyo mahaba po itong Chap. 1. Papakilala po nito yung mga characters. Fillers lang po.)

---------

"Maliwanag ba lahat?" Tanong ko sa classmates ko.

"Yes Ma'aaaammm." Sagot naman nila.

"Sige,  dismiss na tayo."

Hoooo.... tambak na paperworks, makukulit na students. Gravy! Nakakatulog pa ba ang mga teachers neto?

Kung iniisip niyo na teacher ako,  isang big NO ang sagot dyan. Sa sobrang talino ko *ehem* lagi akong kinukuhang reliever or minsan tutor. Akalain mo yun,  isang student nagiging reliever? Legal ba yun? Psh......

Nagiging tutor ako kasi sobrang talino ko yata para tumamad.

*ehem* ehem*

Ano ba author?! Bakit lagi kang umuubo?

(May TB kasi ako eh)

Story ko to. Wag kayong epal!

(Aba?! Baka gusto mong patayin kita dito?)

Author, bakit tayo nag-aaway? Love naman kita ah? Bati na tayo.

*swish!* ( sound effect when otor comes in or out. XD)

Anyways,  bago pa kayo matangay sa kahanginan ko,  i-introduce ko na ang sarili ko.

I'm Genevieve Coleen Ramos. 15 of age at graduating high schooler dito sa Hendrickson High. Sa ngayon,  Top 1 ako at kung seswertihin,  baka hanggang 4th grading Valedictorian na ako. Oh! I can smell success! Mwahahaha!

Okay , 1st grading pa lang.

Ang dream kong gustong ma-achieve ay ang maging teacher. Kaya ngayon pa lang,  nagsasanay na ako. Mas gusto kong matawag sa First name ko. Don't ask me why. It makes me cry. (nosebleed day!)

"Uhhhmmm....Genevieve?"

"Ay tokwa! Aahh--ahh. Hehe. I mean hello po Ma'am!"

Parang kabute naman sumulpot si Ma'am Roque!

"Katapos mong mag-review,  punta ka sa Office ko ha?" Sabi ni Ma'am Principal.

"Ahh...ehh..matagal po ba yun? Baka late na po ako makauwi." Straight to the point kong tanong.

"Hindi naman. May sasabihin lang ako sayo." Pagre-reassure niya sa kin.

"Sige po Ma'am P!" with matching fake smile pa yan ha!

Ene Be Nemen!!

5:30 na eh!  Tapos may review pa ako for contests for 2 hours and then may churvaloo pang sasabihin si Ma'am P? So mga 8:00 na ako uuwi? Seriously,  feeling ko college na ako. -_-

Obvious naman na may tutee na naman eh. As usual. -.-

Pagkatapos ng mind-blowing review with my oh-so-terror math and science coach,  dumiretso na ako sa office ni Ma'am P.

Wala ng katukan. At home na aako dito eh. Araw-araw ka ba namang gawing tutor. Takte, wala namang bayad. Astig noh?

"Ma'am let's get this straight. Sino po ang tutee ko this time?"

Makapal na kung makapal. At least nagpa-po ako di ba? So may respect pa rin naman.

"Oh no no....nagkakamali ka! Hindi ka magtuturo ngayon. In fact, I'm going to give you an offer."

sabi niya habang naka-smile.

"Huh?! Anong offer po?! Ano? Ano?"

Shemay!  Baka scholar na ako sa college! Yay! I can smell...uhhmmm...aircon ng room? LELS!

Teach Me How To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon