Coleen's POV
"Hindi sinasagot eh." nagtatakang sabi ni Charlotte.
Nandito kasi kami sa garden at tinatawagan si Hershey. Maaga kaming pumasok para, wala lang. Libot-libot.
"Hayaan mo na. Tara manghuli na lang tayo ng butterflies. Hayaan mo muna si Jules." sagot ko sa kanya.
"Game! Habulin ang mga butterflies!! AJA!"
Minsan ang sarap ding magpaka-bata. Yung parang kahit saglit na oras natatakasan mo yung mga problema mo.
Bale ang hinahabol ko ay si Miss Violet butterfly. Di ko napansin naka-labas na pala ako sa garden.
And take note , hinahabol ko pa yung paru-paro. *^_^*v
"Aaahhh!! Nasan ka na ba Miss butterfly?" hanggang ngayon di ko pa rin mahanap yung paru-parong 'yun. Dahil sa inis , pinagsisipa ko yung hangin at.....WWIIIIWW!!
Lumipad yung doll shoes ko.
Ang luwang naman kasi neto eh.
"Haay!! Dolly shoes. Saan ka lumanding?"
Hinahanap ko yung sapatos dito sa likod ng c.r. Maraming halaman dito kaya pahirapan.
"Uy , dolly,nandito ka lang pa--la.
YUUCCKK!!"
"Maka-yuck naman wagas!"
Aba at ang kapal ha? Pano ba naman maghalikan dito!
"Bakit kayo nagha-halikan dyan ha?! Di niyo ba alam na school 'to?"
sigaw ko sa kanila. Yung Ervin na 'to ang tinutukoy ko. Si girl naman nakatalikod pa rin.
"Di pa nga kami nagki-kiss eh! You ruined the moment!" sabi nung girl.
Wait.....parang familiar yung boses niya...
"Bakit di ka humarap huh? Siguro pangit ka noh?" wahaha! Ang sama ko!
"Am I ugly? So, what do you care Coleen? Do you want a fight?"
Hershey?! WTF?
"Her--shey?"
Tumawa lang siya. Eng-eng na.
Di na siya nagsalita kaya, inunahan ko na siya.
"I don't want a fight."
Sa totoo lang, di naman talaga ako marunong makipag-away eh. Kunwari lang matapang. XD
"So? What do you care? Get out here!"
Maka-english wagas! I mean, Haler?! Nasa labas na kaya kami! Get out get out pang nalalaman eh.
"There's nothing I care with you two. I care for my shoe." Kinuha ko na lang yung sapatos ko.
"Sa lahat ng pagla-landingan mo dun pa?! Nakakainis ka Dolly! Buseet!!" pinagpapalo ko yung sapatos ko. Kainis kasi eh.
"Miss Ramos? Anong ginagawa mo?"
Hala! May naka-witness na ng kabaliwan ko! At teacher pa? Please! Lamunin na sana ako ng inner core ng earth! T__T
"Uhmm... hehe....Pinapagpagan ko lang po." Sabi ko habang nagku-kunwari na pinapagpagan yung sapatos ko.
"Okay, sa lunes nga pala pumunta ka sa Principal's office. Sasabihin na yung tutee mo."
"Sige po ma'am!" with fake smile pa yan ha? Hoho!
Pinuntahan ko na si Charlotte sa garden. Wala namang first period kaya ayun, free time pa.
"Bakit hindi mo sinabi agad?"
tanong ni Charlotte sa katabi niyang babae sa kubo.
Sino namang kausap niya?
"Tinakot kasi niya ako eh. At bilang ako na takot sa kanya, nagpa-uto ako." tapos umiyak siya.
Parang kaboses ni Hershey.
Hayst! Bakit ko ba naiisip yun? Naaalala ko tuloy yung kaderder scene!
Sumilip akong onti. Ayun, si Hershey nga!
Lumapit ako sa kanila tapos kinuha ko sa may kwelyo si Hershey and pinagsasampal ko siya hanggang mamilipit siya sa damuhan.
Ang chaya chaya! *happy dance*
De joke lang! Lumapit ako sa kanila kasi nahuli ako ni Chat.
Todo iyak pa 'to! Presenting, Grammy Awards best actress goes to......
HERSHEY JULES!!
Kanina lang ang dating niya parang kaladkarin tapos ngayon anghel? Bipolar lang?
"Genevieve! *sniff* *sniff*"
"Huy! Wag mo nga akong yakapin! May Genevieve Genevieve ka pang nalalaman pero kung maka-Coleen ka kanina wagas!"
Aargh! Ano ba? Napano 'tong babaeng 'to? Kanina galit sa akin tapos ngayon may yakap-yakap effect pa?
"Hindi kita tinawag na Coleen , kanina. Kararating ko lang."
sabi niya na medyo kalmado na.
"Anong hindi?! Tinawag mo akong Coleen! Kahit alam mo na ayaw ko, ginawa mo! Wag kang mag-patay malisya! Tapos makapag-yakapan kayo ni Ervin Roa kanina parang ngayon lang kayo nagkita! Don't fool me Hershey!" Epic! Walang hingahan yun ha! Pwede na ba akong kapalit ni Aristotle "Gloc 9" Pollisco?
"Waaaiit!! Ako na nga lang magpapaliwanag! Wala kayong matatapos dalawa eh! Makinig ka muna Gen. Okay ba?"
Tumahimik kaming dalawa ni Hershey. At nag-umpisa na ring magsalita at magpaliwang si Charlotte.
"Okay , una sa lahat Gen , hindi nag-yakapan sina Ervin at Hershey. Kung may nakita ka man , hindi siya yun! Pangalawa , hindi mag-on si Ervin at Shey. Pangatlo , hindi si Hershey ang may gawa ng mga 'to. Si Chelsea. Bumalik si Chelsea."
Hanudaw? Sino?
"Chelsea? Who's that pokemon?"
This time si Hershey naman ang sumagot.
"Unang-una , hindi pokemon si Chelsea. Siya yung kambal ko. Bumalik na siya from London dahil hindi na din ma-take ng mga relative namin ang ugali niya. Siya rin ang nag-announce sa Corridor kahapon na sila na ni Ervin. Kaso wala ka kahapon dun. Kaya ayun , kumalat yung chismis na ako yung nag-announce. Dumating siya para i-bully na naman ako. Anong gagawin ko?" naiiyak na sabi ni Hershey.
Troubles invaded my day.
Una , nakita ko yung Pokemon at si Ervin cuddling.
Pangalawa , nahuli ng isang teacher ang kabaliwan ko (nakakahiya kaya yun!)
Lastly , bumalik na yung Pokemon?
Akala ko ba galing sa Japan ang mga Pokemon?
Bakit ito galing sa London?
-----
Yay! 2 chapters Updated!
Vomment po and follow me. Follow back ako habang masipag.
Ang schedule ko po ng updating ay every Sats or Suns. Pwede rin pong every other week. Depende po sa Kasipagan level. hehe!
Eto nga pala yung key guide sa tawa ng characters. (wewz)
Haha-normal na tawa
Hehe-nahihiya
Hihi-kinikilig
Hoho-nanloloko
Bwahahaha-may naiisip na masamang plano
Nyahaha-kapag naging succesful ang plano.
Wahaha-eto yung tawa na nakakasakit na ng tiyan at nakakapagpaluha ng tears of joy.
Yun lang po! Walang kwenta. XD
Abangan niyo na lang po next week ang UD!

BINABASA MO ANG
Teach Me How To Love
Teen FictionAn aspiring teacher na ngayon pa lang kine-keribelles na ang pagtuturo, yan si Coleen Genevieve Ramos. Habang ito namang si Ervin, happy-go-lucky. Ang story ng teacher wannabe na kailangan ding matuto. Kung paano magmahal. At ang Love teacher niya a...