CHAPTER 1

4 0 0
                                    

Imeet natin ang tropa ^_^

Alas onse na pala, bilis talaga ng oras, tsk makapag ayos na nga...

Tinigil ko na ang paglalaro ng nba, nagsimula na kong mag ayos, start ng panibagong school year ngayon 3rd year hayskul na ko, dapat excited ako eh pero hindi tss...

Isang dahilan lang naiisip ko, di ko kasi makakasama ang bestfren ko, her name is Nhelyn Villa , huling pag uusap namin nasa province pa din sya natapos yun ng di nya sinasabi kung anung planu nya, di nya pa rin alam yun lang sabi nya saken, hanggang ngayon tinatawagan ko sya pero walang sumasagot sana lang narereciv nya pa rin mga txt ko, miss ko na sya eh, miss na miss...

Hayyz... dami kong naiisip pero sana... sana tlaga pliin nya pa ring makasama kami, tiwala lang ^_^

Hi I'm Niccolo Castillo, nic ang tawag nila sakin, I lived here in north caloocan together with my mama and my cute angel si bunso. Tatlo kaming magkakapatid, kaya lang si sam my younger brother mas pinili mag aral sa province, si papa naman ay ofw sa america. I'm 6 feet tall and love playing basketball, varsity player ako ng school together with dwyane, kababata ko, mamaya makikilala nyu yun. Ngayon, i'm into music na din may small studio nga ko dito sa bahay, plan ni papa yun matagal na gusto niya kasing maging musician din kami like him dati di naman sya nabigo, mana kami sa kanya eh ^_^ .

..................................................................

After an hour, naihanda ko na lahat nakapag ayos na rin ako, hinihintay ko nalang si dwyane para sabay na kaming pumasok.

After 10 minutes dumating na rin ang loko todo ngiti pa, nangttrip ata to sa isip ko, alam nyang di pa umuuwi si best at alam niyang inlove ako sa bestfren ko.

Alam nyu na rin ngayon tss... sikreto muna natin ah di pa kasi alam ni best...

Dwyane Castillo nga pala, 6'4 in height at ang chickboy turned good boy ng tropa. Laki na rin ng pinagbago nito simula ng maging kaclose namin si joan, inlab eh haha pero syempre andun pa rin yung badboy instinct lalo pag naglalaro na as varsity player ng school, wala eh girls daw ang lumalapit yun ang sabi nya pag kaming dalawa lang magkausap, good boy pag andyan si jo haha.

..................................................................

"tol bat antagal mu?" tanong ko skanya

"senya na tol may dinaanan pa kong kaibigan eh haha"

"sino? si joan ba?"

"hindi tol nauna na sila ni ben haha basta yaan mu na yun tara na miss ko na si jo haha"

"tara..." umalis na rin kami, nagtataka ako bat ansaya ni dwyane pero siguro nga eksayted lang dahil makikita at makakasama nya na ulit si joan. Buti pa sya tskk...

Nagpatuloy kami sa paglalakad.

"tol nuh ng balita uuwi daw ba si nhel?"

"wala tol, hanggang kanina tinatawagan ko pero walang sumasagot, sayang di ata tayo makukumpleto ngayon..." sabay buntong hininga badtrip talaga...

"okey lang yan tol, magiging okey din ang lahat tiwala haha."

Di ko na sya sinagot anlakas mang trip ng loko eh tinawanan pa ko, babawian ko na lang to mamaya sa isip ko.

..................................................................

Sa wakas andito na kami, deretso kaming tambayan, andun na si jo at ben sabi ni dwyane, sunod lang ako, tsk... wala talaga kong gana kung di lang din sa mga to di na ko papasok, ngayon ko na lang din kasi sila makikita, panu nagkanya kanyang bakasyon ang mga loko...

Sa malayo pa lang ay nakita ko ng kinakawayan kami ni ben pati ni jo, napangiti ako namiss ko rin talaga to kahit papano nawala badtrip ko ^_^.

..................................................................

Benjo Dela Cruz ang clown ng tropa, lagi kaming gv pag kasama namin sya hehe ayaw nya ng malungkot, gagawa at gagawa sya ng paraan para mapasaya kami up to the point na magugulat kana lang sa gagawin nya, ganun sya eh masayahin hehe. Madalas nya gawin ay mag beki mode, kuhang kuha nya haha panu may beking kuya dun nya daw natutunan lahat, minsan napapaisip na din kami ni dwyane eh pero lalake yan si ben pangalan pa lang diba, artistahin na ^_^.

Si Joan Ortega ay ang bookworm ng tropa, takenote hindi love stories or twilight series ang binabasa niya ah but history books, science and hmm favorite subject nya ang math ayun lang naman ^_^. One of the top student ng school but for some reason umalis sya sa top section. She's not the nerdy type because she still maintains yung ayos niya, actually she's pretty tapos super kind pa, kaya di na rin ako nagulat na nainlab si dwyane skanya at naghanap talaga sya ng paraan para lang di lumipat ng iskul si jo, buti na lang si best use to be his friend at ayun nagawan ng paraan and now close nya na rin kaming lahat ^_^.

Hmm speaking of best sya na lang pala ang kulang para mabuo na ulit ang tropa pero nasa province pa din sya, well yun naman ay nung huli ko syang makusap baka hndi na ngayon, sana...

Si best, her name is Nhelyn Villa, she has this long thin black hair with a very innocent face and a dimple in her right cheek na kapag nagsmayl sya ay cute at ang ganda niya talagang pagmasdan nakakainluv ^_^ she always wear those precious smile, that's her simple way to encourage others and tell them that nothing is to be worry about, just enjoy life and let the world worry of itself.

..................................................................

Balik na nga lang muna tayo, ayan papalapit na kami kila ben, nakita ko na rin si jo nakangiti din sa amin. Aba bakit parang kakaiba ang aura netong mga to, masaya lang ba talaga sila, kahit pa wala si best...

hmm siguro nga ganun lang, dapat maging okey na rin ako...

NgitiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon