Marga's Turn.

337 7 9
                                    

MARGARETTE POV

Kasalukuyan kaming nageedit ng video and pictures ni kris kila Chloe. Dahil nga sa magaling tong babaeng to pag dating sa ganito sakanya na ako nagpatulong.

Nilalagay namin ang mukha ni kris sa mga katawan ng mga babaeng modelo, para pagmukhaing siya ang may suot nito. Pfffft hahahaahaha! Grabe na eexcite tuloy ako.

"Wahahahahahahaha! grabee marga ano kayang magiging itsura nung demonyong yun bukas?!" sobrang laughtrip tong bruha na to, may pahampas hampas pa.

"Hahahaha! iniisip ko pa nga lang, natatawa na ako e."

"Sa Itsura ni kris jan, parang mas maganda pa siya sakin e. hahaha!" nakitawa na rin si feri samin haha shettalaga xD 

Tsaka yung video na namimilipit siya sa sakit, natatandaan niyo pa ba? yung sinipa ko yung 'JUNJUN' niya.DI'ba pinicturean at vinideohan k siya nun. Hahaha! xD Nilagyan namin ng mga nakakatuwang dub at sound efects. Pfft laughtrip to! wahahha.

Ng matapos kami sa pag eedit, sinave na namin to sa Usb tsaka ko hiningi ang tulong ni Feri para sa damit na kinakailangan. Since may botique naman ang bruha, ayos na sakanya yun.

"Feri, yung damit ni kris na pambabae sa isang picture na nakasave dito sa usb. Maghanap ka ng exact replica nun. Yung pink tube with black puffed skirt tas heels okay? Alam mo na kung san natin to gagamitin! haha!"

"Hahaha yesyes ako na bahala dun, kanina ko pa itinext sa botique namin yang dress na yan, ineedit niyo palang kanina. Hahahaha!" okay, sana maging succesful.

"Okay sige ako na bahala sa iba pang gagamitin agahan niyo gising niyo bukas a?" Ako, habang pinandidilatan sila para sigurado hihi.

"Hahaha! baka nga di na ko akatulog sa sobrang excited e. hahaha." Chloe.

"Hahaha! ako din!" Feri.

"Basta siguraduhin niyo lang na magigising kayo bukas ng maaga ha? Tara uwi na tayo feri. Chlo! salamat ha? kaya natin to! Di ako susuko! hah! Fighting!" Pagpapaalam ko kay chloe, nagugutomna kasi  ako e. wahahahaha!

"Tara na margs." Lumabas na kami ni feri sa masyon netong bruha, oo mansyon talaga. Hinatid na kami ni chloe hanggang gate, baka daw kasi mawala kami. tss haha.

"O'sige na chloe, alis na kami. Babyeee!"Feri, habang nakipagbeso kay chloe.

"Bye." Simpleng paalam ko sabay beso. Gawain na namin to e haha k.

Sumakay na kami sa kotse ko, ako na ang nagdrive. Ihahatid ko na tong si feri malapit lang naman siya dito e. Habang nag dadrive ako, pinaplano na namin ang gagain namin bukas. Laughtrip pa nga e. Hahahah! ano kayang magiging reaksyon nng kumag na yun?

Sa sobrang tawa namin, di ko napansin yung kotseng nasa harap ko.

*BEEEEEEEEEEEEEEEP*

Di ko alam kung anong nangyare sakin at parang bumilis ang senses ko, at nailag ko ang sasakyan na paparating. Phew! muntik na yun a.

"Hoy! feri ayos ka lang jan?" Tinignan ko siya sa salmin upang makita ang reaksyon niya.

pfffttt-Bwahahaahahahahahahahahaa! mukha siyang si princess sarah na hindi nakapagbalat ng patatas! xD Nakatulala, nanlalaki ang mata at naluluha. habang ang kanang kamay ay naka lagay sa dibdib niya at malalim na humihinga.

"Bwahahahahaha! ampanget mo feri!" opps napalakas ang pagsasalita ng utak ko. haha

"Ewan ko sa'yo marga! hmp!" Umirap pa siya tsaka humalukipkip.

"Feri sorry na, masama bang magsabi ng totoo? Ampanget mo naman talaga kanina e." Pangiinis ko sakanya.

"Haysst! ewan ko sayo, kundi lang kita bestfriend e! hayst! baka di ko na ituloy ang pagtulong sa'yo." May halong sarcasm ang boses niya.

Casanovas meets the Bitches.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon