Wushu♥

381 7 0
                                    

CHLOE POV

Aggggggghhh!! Nakakainis! nakakainis! nakakaurat! Nakakabanas! Ansarap pumatay ng tao! Nakakainis na luhan na yun, First kiss ko kaya yun! first kiss! tss, nakakainis ba't sa pesteng yun pa napunta? Tang*na naman o. Haaaay!

Kanina pa ako naglalakad dito sa hallway habang sinusuntok ang pader. Tss masisisi niyo ba ako? sige nga kayo kaya halikan nung luhan na yun. Tss Nakakainisss! Napakalakas ng tama ng lalaking yun, Swear ipapadala ko siya sa Rehab. Makapunta na nga lang sa Garden. Ng matahimik at para na rin lumamig ulo ko. Tsk

Natatanaw ko na ang garden, Natatanaw ko na din yung favorite spot ko. Ang swing. Yes buti naman walang tao.

*Lakad*

*Lakad*

*Lakad*

*Lakad*

*Lakad*

''Hoy wag kang uupo jan! Jan ako!'' ako sumisigaw na,Tinakbo ko na ren. Pano ba naman may nakita akong lalaki nakatalikod siya, Uupo palang sa swing ko. oo Swing ko. Akin lang yun.

Pagdating ko dun, Kinalabit ko agad ang lalaki habang nakapamewang pa. tss

''Hoy kuya, kung ayaw mong mabalian umalis ka jan. jan ako, Ano ba? tabe!'' With matching tulak tulak pa yan.

''Babalian mo ko kung hindi ako aalis?'' aba ang kulit din nito a. Ayaw ding lumingon. tss.

''Kinakausap kita kaya humarap ka sakin, Oo! Babalian talaga kita lalo na't badtrip ako ngayon.''

''Hindi lang naman ikaw ang badtrip dito, Tss.'' At finally lumingon na din siya. At putspa! eto yung sumuntok kay luhan kanina a?

''Hoy ikaw ba yung tao? Oo ikaw nga yon! Umalis ka na nga jan, kung ayaw mong ibuhos ko sayo yung galit ko kay luhan, Tabe! shoo! shoopi!''

Hinawakan niya ang kamay ko na pinantataboy ko sakanya, tsaka siya tumayo at humarap sakin.

''Wag kang uupo. Maglalaban tayo.''

''Ha? Laban? anong klaseng laban?''

''Wushu.'' napaka seryoso naman ng mukha neto. Tss.

''O asan ang stick mo?'' Ako.

''Basic lang naman e, Mano mano.'' Hayy okay na din to ng may labasan ako ng sama ng loob.

''Osige.'' Pumosisyon na ako, Inhale exhale. Okay i can do this.

''Hiyaaaaaaah!'' Hinigh kick ko siya, pero tae nakuha niya yung paa ko, tsaka ako binalibag. aba magaling din to a.

''Hindi pa ako tapos.''

Sinuntok ko siya patagilid kaso nahuhuli niya pa rin ang kamay ko, Susuntukin ko sana siya mula naman sa kaliwa, pero nasalag niya pa din, Sisipain ko sana ang ulo niya pero nakayuko pa ang wala. Nag 360 kick na ako para lang matamaan ang ulo niya, wala pa ren, Ang galing niya umilag.

SInunod sunod ko na ang suntok ko, kahit san tumama. Bakit ganon? Nakakapikon, nasasalag niya lahat.

''Hoy ikaw! Bakit ayaw mong umatake?''

''Kasi babae ka.''

''O ano naman kung babae ako? Lumaban ka, para patas tayo.''

''Gusto ko lang na ilabas mo yang sama ng loob mo.''

A-a? O-kay, kaya naman pala. Tss

''S-salamat''

Inhale.Exhale inisip ko yung ginawa sakin nung luhan na yun kanina, Pati yung mga oras na binabara niya ako, Langhiya siya. Di ko alam pero bigla na lang bumalik yung lakas ko, At Ginawa ko nang punching bag tong kaharap ko, Suntok dito Suntok don, Sipa dito sipa don, Woow! ang galing! Tumama yung iba. Napahawak pa siya sa tiyan, Nasuntok ko kasi e.

Casanovas meets the Bitches.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon