E D A L E N E
"Anak! Gising na! Andito si Bernstein". --- Mama Elaine
Bigla ako napaisip............................
"Si Bernstein ?Teka, bakit siya nandito. Anong bang petsa ngayon?OMG. One Year Anniversary na namin ngayon. Tssk. Oo nga. Kanina pa pala niya ako tinatawagan. Bakit ko ba yun nakalimutan. Haisst, anong oras na ba? Huh, 7:00 o clock na."
"Agad akong bumangon at nagshower".
"Ano bang isusuot ko? Naguguluhan ako, hindi ako prepare, kainis. Asan ba yung dress ko?----------Hayyyy, sa wakas nakita ko na din , ito ang kauna unahang regalo saken ni Bernstein."
Pagkatapos kong magbihis, ay nagblower na ako ng buhok, at inayos ko na ang sarili ko . Huminga ako malalim and then nagsmile:) Hindi kase ako yung tipo ng babae na mahilig mag make up, kontento na ako sa kung anong meron ako.-----------------Lumabas na ako ng kwarto, agad kong nabungaran ang isang napakagwapong lalaki na papalapit sa akin. Mahihimatay yata ako, haha. Ang OA naman. Pero promise ang gwapo talaga ni Bernstein . Kaya nga ako nainlove sa kanya bukod sa gwapo na, gentleman pa. Nilapitan na niya ako at sinabi.
"Good Morning Edalene, Happy First Anniversary, lalo kang gumanda dyan sa suot mong dress. Bagay na bagay sayo.
"Syempre galing sayo. Bernstein, sorry kung nakalimutan kong may date pala tayo ngayon.Last week pa kase yung huling nating pag uusap eh. Akala ko kase nakalimutan mo na ako, joke lang. Hindi pa ba tayo aalis?Magtititgan na lang ba tayo dito. Tara na, yaya ko sa kanya.
Lumabas na kami ng bahay. Hinatid kami ni mama hanggang sa palabas ng gate.
"Bye po tita Elaine, aalis na po kami ni Edalene".
"Bye mama." ---sabi ko.
-------------------------------------------------------------------------------------------------
"Saan naman tayo pupunta Bernstein? Bakit tayo naglalakad?"
Hindi sinagot ni Bernstein ang tanong ko, kaya tumahimik na lang ako. Hanggang sa makarating kame sa may tabing dagat, namangha ako sa nakita ko.
'Wow. Ang ganda naman dito at napaka tahimik ng lugar."
Naglakad lakad ako hanggang sa nakita ko ang malaking pangalan ko na nakasulat sa buhangin, gamit ang mga puting bato. Nilapitan ako ni Bernstein binigyan niya ako ng isang sariwang rosas na kulay pula, na may kasama pang love letter.
"Natouch ako ng sobra, napaluha ako ng kaunti. Pero hindi yun napansin ni Bernstein dahil agad ko itong pinunasan.
Isang simpleng babae lang ako na may simpleng pangarap. Kaya nung makilala ko si Berstein, ang sabi ko sa sarili ko, hindi na ako mageexpect ng mga bagay na alam kong hindi nila kayang ibigay sa akin.
"Pagkabigay niya sakin ng sulat ay agad kinuha niya sa akin. Nagtataka ako kung bakit kinuha niya sakin yung sulat eh binigay na niya yun.
Pumunta siya sa harapan ko at binasa ang sulat. Wala akong ideya kung anong laman ng sulat na yun, kinakabahan ako. "
Para Sa Pinakakamahal Kong Babae,
Ikaw, Oo ikaw nga, babaeng nakatingin at nakikinig sa akin ngayon! . Bakit ba ang ganda ganda mo at ang bait bait mo pa? Ikaw yung babaeng walang arte, nanahimik lang kapag nagtatampo. Hindi ako kinukulit kapag hindi ako nakakareply agad. Tuwing umaga na gigising ako na mababasa ko ang text mo at sasabihing kumain kana at huwag magpalate sa klase. Kahit magkaiba tayo ng school na pinapasukan ako pa rin ang inaalala mo. Yung ikaw lagi ang nauunang bumati tuwing monthsary natin. Kapag nag aaway tayo at hindi pagkakaintindihan ikaw pa yung nagsosorry. Dinadaan lang sa tawa kapag namimiss ako. Ako na yata ang pinakamaswerteng lalaki dito sa mundo dahil meron ako ng tulad mo. Naguguilty ako kapag lumilipas yung isang araw na hindi kita na kukumusta at tatanungin kung okay ka lang. Bakit natiis ko yung babaeng pinakakamamahal ko. Napaka walang kwenta kung tao kapag pinaiyak ko ang tulad mo. Sinabi ko na lang sa sarili ko naaalagaan kita.
![](https://img.wattpad.com/cover/25501118-288-k368795.jpg)