J A S M I N E
Yayy..Excited na ka akong pumasok bukas, makikita ko na yung dalawa kong bestfriends at yung mga classmates kong mababait. Haha. Baka nga mabait. Maganda ang samahan ng section namin, very close to each other. Kaya excited na kami bukas.
" FIRST DAY OF SCHOOL"
After ng flag ceremony ay nagtungo kami sa simbahan para mag pray ng rosary. Sa Catholic school kami pumapasok. Kaya masasabing may disiplina ang pumapasok dito. Pagkapos magpray ay nag orientation na.
Pumunta agad kami sa classroom pagkatapos ng orientation. Kanya kanyang usapan, grabe ang ingay ng mga classmate ko. Syempre, nagkukwentuhan kami ng dalawang kung bestfriend. Simula palang ay naging matalik na kaming magkakaibigan nina Edalene at Risha, wala kaming ginawa kundi magkwentuhan tuwing vacant namin. Hindi kami magkakatabi sa upuan pero kapag pwedeng lumipat ng upuan ay nagtatabi kami. Masayang masaya ako kapag magkakasama kaming tatlo. Madalas namin mapagkwentuhan ang mga lovelife namin kaya nagiging kampanti na kami sa sa isa't isa. Sinabi ko sa kanila na kahit mangyari best friends forver kami. Wala akong masabi sa mga ugali nila, lalo na si Edalene tahimik pero hindi siya pahuhuli sa klase. Hindi ko pa siya nakikitang magalit, laging siyang nakasmile. Maingat siya sa gamit, sa linis sa katawan. Hindi rin siya masungit, tinuturuan niya yung iba naming classmate kapag nahihirapan sila sa assignment. Friendly siya sa mga classmate namin kaya maram siyang friend sa classroom. Nirerespeto siya ng mga classmate naming mga lalaki. Bukod sa maganda ay mabait. Si Risha naman ayun tahimik pero mas tahimik si Edalene. Hindi man siya nakakapasok sa top 10 nag aaral naman siya ng mabuti. Palatawa siya, basta masaya siyang kasama. Siya ang pinaka matangkad sa aming tatlo. Ako lang naman si Jasmine Tolentino, Best friend ko sina Edalene at Risha. Lagi ako top 1 sa klase, hindi kase kao tahimik. Kwela ako sa lahat ng bagay, hindi ako tulad ng dalawang kong bestfrieng, hindi rin ako tahimik. Pero mabait din ako. Fourth year na kami kaya susulitin na namin ang araw na magkakasama kami.
Halos wala kaming klase, dahil first day of school pa lang. Kaya nagwentuhan kami ng mga best ftiend ko.
"Kumusta kayo? Kumusta Edalene? Kumusta kayo ni Bernstein?" - ako
Nginitian lang ako ni Edalene. Kilalang kilala ko na yang si Edalene, once na tinanong mo at hindi sumagot ibig sabihin, hindi okay. Wala na rin akong balita sa kanila ni Bernstein, hindi na siya nagkukwento. Malamang nagkakamalabuan na sila.
"Ikaw naman Risha, anong sayo?-ako
"Well, kagun pa din, naghihintay na nilagawan ako ni crush."
Ganyan talaga yang si Risha, mahilig sa crush. Kinikilig kapag dumaan daan sa tapat namin yung crush. Wala ibang ginawa kundi umasa sa crush.
"Eh, ikaw Jasmine kumusta kayo ni Mike? - Edalene
Hindi ako makasagot nung tinanong ako ni Edalene. Nahihiya ako sa kanila dahil hindi ko agad sinabi sa kanila na wala na kami ni Mike.
Mahigit dalang buwan at dalawang linggo mula ng magbreak kami Mike. Si Mike ay 2nd year college na ngayon. Schoolmate kami, pero naunang siyang nakagraduate. Secong year ako, fourth year siya. Niligawan niya ako halos pitong buwan. Sinagot ko siya noong March 25. Naging long distance ang relationship namin. Dahil, sinagot ko siya bago ako ng third year. Siya ang first boy friend ko. Kaya nung third year na ako, fourth year college na siya. Sa Manila siya pumasok ng college. Naiwan ako sa probinsya, sa probinsiya kami nakatira, magkakalapit kami ng lugar nina Edalene at Erisha. Pero hindi kami magkakapitbahay. Kaya nung third ako, hindi kami nagkikita. Communication lang ang meron kami. Mahal na mahal ko si Mike. Selosa ako, isa sa pinakaayaw ko ay ang makatext ni Mike ang Bestfriend niyang babae. Madalas kaming nag aaway ni Mike dahil dun. Ayaw na ayaw ko talaga ng ganun. Madalas kong lapitan si Edalene kapag nag aaway kami ni Mike. Magaling siyang magbigay ng advice. Pinapagaan niya ang loob ko. Naging madalas ang pag aaway namin ni Mike. Hangggang sa umabot sa minsan na lang kami nagkakatext. Kapag tinetext ko siya, lagi niyang sinasabi na busy siya. Labis akong nasasaktan nung mga oras na yun, hindi ko kaya ng ganun kami ni Mike. Hindi nagtagal ay nauwi sa Break up ang relationship namin ni Mike. Sobrang nasaktan ako, umiyak ako buong araw. Mahal na mahal ko siya, pero nasaktan ako sa nangyari. Mula noon, hindi na niya ako tinext. At wala na din ako balita sa kanya.