CHAPTER 001 - The Genius and The Pauper

2.9K 58 55
                                    


Four weeks before the incident...

"Dreya, hindi ba at kailangan mo pang linisin ang ladies room ngayon?"

Mula sa pag-aayos ng gamit sa bag ay umangat ang tingin ni Dreya sa nagsalita.

Nakatayo sa harap ng desk niya ay ang trio na sina Mimi, Alesha at Jada— kilalang mga bully sa classroom nila. Lagi siya ng mga itong pinag-ti-tripan dahil dini-diskartehan sya ng ka-klase nilang heartthrob ng highschool department— si Nikko.

Tinaasan niya ng kilay si Mimi na siyang nagsalita kanina. Mahaba ang tuwid nitong buhok na naka-pusod ng mahigpit. Mimi has chinky eyes, upturned nose and small, pouting lips. Para sa kaniya ay attractive ito pero dahil maldita ay hindi nagugustuhan ng mga lalaki.

"Yes, tama ka Mimi. Maglilinis pa ako ng ladies room ngayong uwian dahil parte iyon ng gawain ko rito bilang working student. Gusto mong ipag-sigawan ko pa?" sagot niya rito bago ibinalik ang pansin sa ginagawa. Naiinis siya sa tuwing minamaliit ng mga ito ang ginagawa niya.

Oh well, masisisi ba niya ang mga ito? Seventy percent of the students in CSC are born with a silver spoon in their mouth. Kung hindi anak ng mga kilalang negosyante, pulitiko, hotellier ay mga anak ng celebrity at mayayamang foreigners ang nag-aaral doon. Natural na matahin ng mga ito at pag-tripan ang isang tulad niyang nakakapag-aral lang sa unibersidad dahil sa scholarship at nakakabili lang ng mga kailangan sa school dahil sa pagiging working student niya.

Ilang taon nang tumutulong ang CSC sa mga estudyanteng mahihirap talaga na katulad niya. At para lalong makatulong, maliban sa scholarship, ay nag-aalok ang mga ito sa ilang mga estudyante na magtrabaho sa unibersidad— sa paraan man ng paglilinis o admin jobs. Kabilang na roon ang paglilinis sa mga comfort rooms tuwing hapon pagkatapos ng mga klase, pagbunot ng damo sa field, o pagwawalis sa stadium at mga corridors.

Oh, of course mayroon silang ilang mga janitors para gawin iyon. Pero paraan lang din iyon ng eskwelahan para makapag-bigay ng cash assistance sa mga tulad niyang desididong magtapos sa pag-aaral subalit hirap sa pinansyal na aspeto.

Pero hindi naman araw-araw na sa comfort room siya na-a-assign. Lima silang mga working students sa highschool department at kada isa sa kanila ay naka-toka sa isang trabaho kada araw.

At ang schedules at assignments niya kada linggo ay:

Monday - Assistant librarian during lunchtime.

Tuesday - Canteen assistant during lunchtime.

Wednesday - Magpupulot ng kalat sa stadium after classes.

Thursday - Magwawalis ng corridor sa first-floor ng high school building after classes.

Friday - Maglilinis ng ladies' room sa ground floor ng high school building.


At maliit na bagay lang ang mga iyon sa kaniya. Sanay siya sa hirap at pagbabanat ng buto. Ang trabahong ginagawa niya sa CSC ay maliit na bagay lang kapalit ng allowance na natatanggap niya sa mga ito kada linggo.

"Well, that only means na hindi ka makakasama sa imbistayon sa iyo ni Nikko na mamasyal sa bayan?"

Ibinalik niya ang pansin kay Mimi nang marinig ang sinabi nito at saka bagot na sumagot, "Definitely no. At alam ni Nikko, pati ng lahat ng ka-klase natin na wala akong interes sa kahit na kaninong lalaki ngayon. I am busy with my life and have no time for boys." Tumayo na siya at isinabit ang bag sa balikat. "Now, if you'll excuse me— I have a toilet to map and clean."

Nagmartsa siya sa harap ng mga ito na nakataas ang noo habang ang iba nilang mga ka-klase ay napapa-ngiti lang sa pakikipag-tarayan niya sa mga bratinella.

The Alexandros Series: MISSING PEACETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon