CHAPTER 003 Secretly

1.6K 40 11
                                    

Nahinto si Kane sa pagpasok sa kaniyang silid nang may marinig na kalabog sa silid ng mga magulang. Napatingin siya roon at sandaling huminto sa harap ng kaniyang kwarto hanggang sa marinig ang pagtatalo ng mga ito.

He took a deep breath and entered his room.

It was just another night of their lives in that house. Magtatalo na naman ang mga magulang niya sa gabing iyon dahil sa pagkahumaling ng daddy niya sa casino at ang laging pag-alis ng mommy niya. It's going to be another hour of endless arguments, hanggang sa ang isa sa mga ito ay lalabas ng silid at lilipat sa guest room sa ibaba para doon magpalipas ng gabi.

Kinabukasan ay siguradong parang wala na namang nangyari. His mother would help the maids make breakfast and serve her husband and son. Magpapanggap na naman ang mga itong maayos at masaya sa harap niya.

Ganoong-ganoon lagi ang sistema nila sa umaga at gabi. It's been going for months now and he's getting tired of it.

Pagpasok sa kaniyang silid ay ibinato niya ang backpack sa ibabaw ng kaniyang kama saka ibinagsak ang sarili roon. Napatitig siya sa kisame at itinanong sa isip kung bakit nauwi sa ganoon ang pamilya nila. They used to be happy. His parents used to love each other. Whatever happened to that?

Nasa ganoon siyang kaisipan nang marinig ang malakas na sigaw ng mommy niya sa hallway.

"You are a dumb, useless husband, Dan!"

"And you're a slut, Katrina!" pasigaw ding sagot ng daddy niya bago bumagsak pasara ang pinto ng silid ng mga ito.

Bumangon siya at mabilis na tinungo ang pinto. Binuksan niya iyon at sumilip, upang makita ang pagbaba ng mommy niya sa hagdan. Muli niyang isinara ang pinto saka sumandal doon.

Bumibigat nang bumibigat ang loob niya sa bawat araw na dumaraan at hindi niya alam kung hanggang kailan ganoon ang mga magulang. Hindi alam ng mga ito na mas higit siyang naaapektuhan sa pagtatalo ng mga ito, higit kanino man.

Huminga siya ng malalim bago humakbang patungo sa kama at kinuha roon ang bag, saka lumapit sa study table at naupo sa harap niyon. Binuksan niya ang laptop at kinuha ang mga takdang aralin. Mas maiging ibuhos na lamang niya ang pansin sa pag-aaral— sa ganoong paraan ay hindi siya nakakapag-isip ng kung anong problema tungkol sa pamilya nila.

Makalipas ang ilang sandali ay muli niyang narinig ang tinig ng ina sa hallway at ang pagkalabog nito sa pinto ng silid nila. Nahinto siya sa pagsusulat ng sagot sa notepad niya nang marinig ang ingay na iyon.

"Open this damn door, I need my car key!" his mom said.

Ilang sandali pa'y narinig niya ang pagbukas ng pinto at ang sigaw ng daddy niya. "You are not using your car, I am selling it tomorrow!"

"You can't do that, Dan! I bought it with my own money!"

"Money from whom? From your boyfriend?"

Inihilamos ni Kane ang mga palad sa mukha saka tinakpan ang mga tenga.

His parents argue about everything nonstop and it's already getting into his nerves. Tumayo siya at ipinasok lahat ng mga notebooks sa bag bago binitbit iyon at lumabas ng silid. Paglabas niya ay lalong lumakas sa kaniyang pandinig ang muling pagtatalo ng mga magulang na ngayon ay nasa loob na ulit ng silid ng mga ito.

Walang lingon-likod siyang bumaba ng hagdan at sa malalaking mga hakbang ay lumabas siya ng bahay nila at tinungo ang kotseng nakaparada sa garahe, katabi ng tatlo pang kotse ng mga magulang niya.

Kinuha niya ang susi sa loob ng bag saka mabilis na binuksan ang sasakyan. He threw his bad at the back seat and pushed the key to its hole.

Ilang sandali pa'y paarangkada niyang inilabas ang sasakyan sa garahe nila.

The Alexandros Series: MISSING PEACETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon