Chapter 1

44 4 7
                                    

Paula

"Paula, I already told you na hindi pwede yung blue sa pink. Hindi naman kasi babae yung kapatid mo eh. It'll look like he's a unicorn lover when in fact mahilig siya sa kotse" Dad said to me at wala na akong nagawa, besides pinagtritripan ko lang naman tong birthday ng kapatid ko eh.

We've been arguing about this for how many minutes now and everytime dad doesn't agree with me, tumatalikod ako and silently laugh.

"Ok dad. But how about color red?" I suggested again, this time yung matinong suggestion na yung binigay ko.

"Now that's the right color!" He exclaimed.Agad naman niyang inutusan yung yaya namin na bumili ng crepe paper at cartolina na red.

"Dad pa'no kaya kung may theme yung birthday ni Coby?" I asked him. Napatingin naman siya sa'kin dahil dun.

"Ano namang theme?" He asked me.

"Car, i mean diba mahilig si coby sa sasakyan? Why not make it a car-themed birthday party?" I continued to suggest.

"Sige, pero ikaw ang bumili ng mga kakailanganin sa theme na yan"

Eh?WTF? Ayoko nga! Mas maganda kung ako yung gagawa nun. Duhh.

"Eh, dad. Mas maganda yata kung ako yung gagawa nung mga gagawin dito sa bahay. Tutal may theme na naman tayo, kay yaya mo nalang ipabili yan."

"Ang sabi mo, ikaw muna magiging organizer ng party ni Coby. Edi ikaw ang bumili para sa Car-theme na yan. May mga yaya naman tayo na mauutusan sa ibang bagay. Tapos i-text o tawagan mo nalang ako." He said at iniwan na ako sa sala.

Okay, WTF? Now i don't have any choice than to do what dad said.

Umakyat na ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. This will surely be a tough day for me. But hell, ngayon ko lang ulit magagamit yung baby ko dahil sigurado akong hindi ako pagagamitin ni dad ng BMW niya.

Pagbaba ko ay sinalubong agad ako ng katulong namin na si Yaya Saling.

"Iha, pinapabigay sa'yo ng papa mo. Gamitin mo daw yan."

"Salamat po, Yaya Saling. Sige po, mauna na ako." I said to Yaya Saling and ran my towards the garage door.

Pagkalabas ko ng village ay dumiretso ako sa mall na malapit lang dito sa'min. Naisip ko kasi na tingnan yung  mga mall na madadaanan ko dahil 'di ko alam kung saan pwede makabili.

Pagkalabas ko sa sasakyan ay agad akong pumasok sa mall. I decided na i'll have coffee muna bago maghanap ng mga kakailanganin sa birthday ni Coby.

Pagkapasok ko sa coffee shop ay naamoy ko na agad ang kape na isineserve nila. Coffee aroma is the best. It's really addictive. Yung tipong, hindi pa tinitimpla at naiisip mo palang parang nalalasahan mo na yung sarap niya.

I miss this, especially him. Bihira nalang kasi akong pumunta sa mga coffee shop dahil naaalala ko siya eh.

Pumunta na ako sa counter para umorder. I chose cappuccino and a slice of chocolate cake. His favorite. 'Pag pumupunta kasi kami sa coffee shop, siya nalang ang umo-order ng iinumin at kakainin namin. He said cappuccino and chocolate cakes are his favorite, and somehow, dahil sa palagi niyang pag-order nito para sa'kin, naging favorite ko na din toh.

Nang matapos ako sa coffee shop ay pumunta na ako sa department store.

~•~

"Justin Fernandez!" Napako ako sa kinatatayuan ko nang marinig and pangalang iyon. Dali-dali akong umalis sa pwesto ko at pumunta na sa counter. Balak ko pa sanang mamili ng ibibigay kong regalo para kay Coby pero hindi ko na nagawa dahil nga narinig ko ang pangalan niya. Alam kong nandiyan lang siya. Wala namang tatawag sakanya kung wala siya diyan eh. Ano kayang ginagawa niya dito? Kaya ayokong lumabas ng bahay eh. Alam kong dun din sa village na yun siya nakatira at hindi malabong magkita kami pero masakit padin yung ginawa niya. Madali lang namang gawan ng paraan para hindi kami magkita eh.

After kong magbayad sa counter ng mga binili ko ay tumakbo na ako papalabas ng department store. Nung malapit na ako sa labasan ng department store ay may nabangga ako sa sobrang pagmamadali.

Bumangga ako sa isang matigas na bagay na parang pader but when I finally opened my eyes, I saw a man's chest. Hmmm, ang bango, naaalala ko si Justin. Agad-agad akong napatingin sa taong nabangga ko. I gasped when I finally saw his face. Our eyes met and I stumbled. Nakakapanghina talaga siya. Buti nalang nahawakan niya ako sa likod.

"Paula" He uttered my name with his deep voice.

Natauhan naman ako dun. Hindi. Mali toh. Sinaktan niya ako. Ayoko nang maging bulag sakanya. Ayoko nang maging mahina ulit nang dahil sakanya. Once is enough. Natatakot akong 'pag naulit na namang magpadala ako sa emosyon ko ay mangyari na naman ang nangyari dati.

I left immediately, sinubukan niya pa akong habulin pero tinawag na naman ulit siya kaya wala siyang nagawa.

Humahangos akong sumandal sa kotse ko. I also feel tears forming in my eyes. Pumasok nalang ako sa kotse ko. Mga ilang minuto akong nagtagal sa parking lot nung mall at hindi pa lumabas. Nang kumalma na ako ay umalis na ako dun.

I didn't know where to go. But I chose to stay away from that suffocating place. Dinala ako ng kotse ko sa isang bakeshop. Ahh. O-order nalang pala ako ng cake ni Coby. Pinark ko muna ang kotse ko sa parking lot at pumasok na sa loob.

I smiled when i saw the different kinds of cake na nakadisplay sa isang tabi. Cakes are my stress reliever. Makakita lang ako ng cake mawawala na yung sakit at pagod ko sandali.

"Miss, ano pong sainyo?" Tanong sa'kin ng isang babae na nakasuot ng pink na dress at white na apron. May mga konting icing din na nakakalat sa apron niya at pandak din siya(eheh ayoko namang makasakit ng damdamin but she really is pandak) which made her look cute.

"Umm, ate magkano po yung car-designed na cake?" I asked smiling.

"3,500 beh" sagot niya.

Ibinigay ko na sakanya yung bayad tapos ipinadeliver ko nalang yung cake.

Dumiretso na ako sa bahay, pagkatapos nun. I checked my phone for the time at nakitang two o'clock na ng hapon. Just in time. Three magsisimula ang party at mabilis lang ayusin yung mga binili ko.

When I arrived mabilis kong inayos ang mga dapat ayusin. Inutusan ko na din ang mga katulong na tulungan ako para mas mabilis. Two-thirty na at  naideliver na yung cake dito. Malapit na ding matapos yung pagdedesign ko dito. Habang nagde-design ay panandalian kong nakalimutang nagkita kami kanina sa mall. But my happiness didn't last long, especially when the party started.

~•~

(1121 words)

Hehe, nakatapos din sa isang chapter. Sana nagustuhan niyo. I enjoyed writing this chapter kahit sobrang nakakabulabog na sa mga bulate ko sa ulo. LOL!

Plagiarism is a CRIME.

MoonlightWhere stories live. Discover now