Chapter 2

15 4 6
                                    

Paula

At exactly three, nagsimula ang party. Lahat kami ay naging busy sa pagaasikaso ng mga bisita. Mostly ng mga bisita ay mga bata dahil nga birthday ito ng aking nakababatang kapatid.

Habang busy ako sa pagaayos ng mga kutsara sa table ay lumapit sa akin si Coby.

"Ate! Ate!" Tawag niya sa'kin.

"Oh? Baby? Bakit, may problema ba?" Tanong ko.

"Andito po ba si Kuya Justin?" I stiffened. Ano pa bang aasahan ko? Close na close na sila dati pa, kaya hindi na talaga nakakagulat na hanapin niya ito sa birthday niya.

"I don't know baby... Baka si dad alam niya" I said to him. May kasamang tono ng pag-asa. Pag-asang sana hindi ko siya makita ngayon. Matagal ko na siyang hindi nakikita then suddenly after many months ay babalik ulit siya? After what he has done to me? Gago siya! Gago siya for believing in the lie na in the first place hindi ko kayang gawin!

"Nak, samahan mo naman tong kapatid mo sa pintuan oh" Dad said while holding Coby's arm. Sa lalim ng iniisip ko, hindi ko tuloy namalayan na nandito na si dad.

"Bakit po?" I asked. Don't tell me-

"May aantayin lang siya. May ginagawa pa ako" Sagot ni dad sa tanong ko.

Haaayyy, ano pa nga bang magagawa ko?

Hinawakan ko nalang ang kamay ni Coby at sabay kaming naglakad papunta sa pinto.

Wala pa kami dun ay tumakbo na agad si Coby. Napabitaw naman ako sa hawak ko sa kamay niya.

"Kuya Justin!!!" Tawag niya sa taong halos ilang oras ko palang hindi nakikita. I stumbled a little bit, again.

I immediately turned my face blank. Ayokong malaman niyang naaapektuhan ako sakanya. Magkakaroon lang siya ng rason para saktan ulit ako.

"Hi, Coby!!!" Bati niya sa nakababatang kapatid ko habang nakangiti. Agad namang nagpakarga si Coby sakanya.

Lumapit ako sa kanila. Hindi parin nagbabago ang expression ng mukha ko.

"Coby, tara laro tayo!!!" Tawag sakanya ng ibang batang nandito. Binaba naman ni Justin si Coby na agad-agad tumakbo kasama yung batang tumawag sakanya.

Naiwan naman kami ni Justin dito na hindi naguusap. Tumalikod nalang ako. Hindi ko na kayang makita pa ang mukha niya. Masyado nang masakit. His face just reminds me of the past I badly want to forget.

"Teka, Pau!!!" Tawag niya sa'kin. Humarap naman ako sakanya

"What do you want?" I asked.

"Gusto ko sanang pag-usapan yung nangyari sa'tin dati" He said that made my eyes teary.

I looked at him blankly and said " Tapos na yun, Justin. Matagal na panahon na. Wala na tayong paguusapan pa." At umalis na.

Umakyat ako sa kwarto ko at doon nagiiyak.

How dare he! Sana dati pa siya nakipagusap sa'kin kung gusto niya ng ganon! Mas pinagmukha lang niyang gago ang sarili niya sa'kin! Bobo ba siya o sadyang tanga lang para hindi malaman yung sadya ko dun! Tangina ang sakit! Ang sakit nung ginawa niya tapos babalik siya na parang walang nagyari?! That's Bullshit! Hindi ba niya naisip na baka nasasaktan parin ako hanggang ngayon! Madali lang kalimutan sa parte niya pero sa'kin kasi hindi eh! Nakulong ako dahil sa kanila! Tapos ganon-ganon nalang yun na kakalimutan niya as if walang nangyari! Putangina!

Pagkatapos kong magmukmok ay pumunta ako sa CR para maghilamos. Tss. Ayoko ng umiyak pero bakit ganito? Sa tuwing makikita ko siya bigla ko nalang nararamdaman na naiiyak ako eh... Ang hina ko pagdating sakanya pero siya at siya parin yung pinipili ng puso ko.

~•~

"Ok ka lang?" Tanong ni Trixie. Kadadating niya lang nung mga oras na tumakbo ako kasi naiiyak ako.

Sinabi ko kay Trixie lahat. Siya lang yung bestfriend ko na nanatili sa'kin nung mga panahon na nandon ako sa kulungan eh.

"Oo naman. Ako pa. Kinaya ko nga nung iniwan niya ako, ngayon pa ba ako bibigay?" Pagbibiro ko. Natawa naman kaming pareho kahit may mga luhang tumutulo sa mga mata namin.

I missed this. I missed her. Hindi ko na kasi siya nakita dahil pumunta siyang abroad nitong nakaraang buwan eh. Buti nakabalik na siya.

"God, I missed you, Paula!" She said to me and hugged me.

"Ikaw din. Namiss ko kakulitan mong babae ka" I said at naghiwalay na kami mula sa pagkakayakap.

"Ate Trix?" A baby voice asked behind us. Tumingin naman kami dito at nakitang si Coby pala yun.

"Coby! Wow big boy ka na ahh" Trix said to Coby.

"Opo. Ako na nga po magtatanggol Kay ate sa mga bad people eh" Coby.

Napatawa naman kami. Binuhat ni Trix si Coby at pumunta sila sa table ng mga pagkain. Susunod na dapat ako sa kanila nang hilahin ako ng kung sino at inilabas sa garden.

Tumingin ako sakanya and when I finally saw his face. Rage drew over my face.

"Ano na naman ba, Justin?" Tanong ko. Kanina pa siya ahh.

"Pau, I'm sorry" Paghingi niya ng tawad sa'kin.

Tumawa ako ng mahina.

"Ano bang sinabi ko sa'yo, Justin? Tapos na toh. Wala na tayong dapat pagusapan pa." I said that made his face sad. Lumakad na ako papunta sa pintuan at iniwan siyang nakatayo dun.

Agad kong hinanap sila Trixie na nandun padin pala sa lamesa.

"Oh, anyare sa inyo ni Justin?" Tanong ni Trix pagkadating na pagkadating ko sa tabi nila.

"Nagsorry siya." Ako

"Tinanggap mo?" Trix

"Hindi." Ako

"Ano bang sinabi mo?" Trix

"Tapos na kami. Wala na kaming paguusapan." Ako

She sighed.

"Hay nako. Di mo pa kaya noh?" Tanong niya at tumango naman ako.

Binaba niya si Coby na nagtatakbo naman papunta sa mga kaibigan niya.

"Sine tayo?" She asked.

"Sige." Sagot ko at umalis na kami.

Everytime na may problema kami lumalabas lang kami para magpahangin. Ito na yung paraan namin para tumakas sa realidad. Masakit pero kakayanin. Yan ang motto namin sa buhay. I didn't really asked for her kasi sobrang too good to be true niya pero binigay siya ni god sa'kin at sobrang nagpapasalamat ako para dun.

Pagdating namin sa mall ay pumunta kami sa pinakataas. Kung nasaan ang sinehan. We picked La Llorona at nanood na. Habang nanonood, nakalimutan naming lahat ng masasakit na nangyari ngayong araw.

~•~

Yehey!!! Tapos na ulit yung isang chapter. Feel free to comment what you feel about the story. Vote na din po kayo para sipagin si otor magud. Thank you!!! :))

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 14, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MoonlightWhere stories live. Discover now